Chapter 5: Blue Fire.

52 29 2
                                    

Chapter 5: Blue Fire.

-**-

AIDAN'S POV.

Nagkatinginan kami ni Phobi. "TAMA! " sabay na sambit namin.

Di ko inaasahan na magegets niya agad yun. Matalino talaga siya.

Nakakapagtaka na wala akong naramdamang aura sakanya, para siyang normal na tao.

"Nakalibot ka na ba sa buong Academy? " tanong ko kay Noah.

"Hindi pa. " blankong aniya. Ang bilis naman niyang magbago, parang kanina lang yung tono ng pananalita niya okay naman masigla siya pero ngayon biglang naging blanko. Katakot!.

"Tara igagala ka namin! " masiglang saad ni Phobi.

Sa paglalakad namin maraming taong nakatingin kay Noah, Sabagay gwapo si Noah at SYEMPRE gwapo rin kami! Pero siguro wala rin silang maramdamang aura kay Noah at malamang iniisip nilang mortal na tao si Noah. Pero sana isipin din nila na walang nakakapasok na mortal na tao dito sa PATRICIA ACADEMY! hayst.

"Girls ako lang ba o pati kayo? Wala akong maramdamang aura sakanya. " dinig ko pang sabi nung isa.

"Wala rin kaming makita! " saad pa nung isa.

"Mga bulag. " bulong ni Noah.

Nakakatawa siya bigla nanaman siyang nagbago! Para siyang bata na nag cross arm at ngumuso, secure ako sa gender ko na lalaki ako pero pag nag iisip bata siya nakakabakla talaga. HAHAHAHA di ako bakla ah!

"Igagala niyo siya? " ang mga prinsesa! Yumuko agad kami ni Phobi.

Hayst! Hindi nakayuko si Noah!

"Woi Noah yumuko ka! " bulong ko rito.

"Bakit? " simpleng saad nito.

"Ano ba!?  Sila yung mga prinsesa! " nataasan ko ang boses ko, pano kase! Itong si Noah balak pa kaming ipahamak.

"Ano naman? " tumingin ito ng deretso sa mata ni Princess Yula. "Natatakot ba kayo sa kanila? " blangko'ng aniya. Patay! Nagbago nanaman siya.

"Sila ang mga Prinsesa dapat silang igalang! " tumaas ang boses ni Phobi.

"Alam ko. Magalang akong tao, pero hindi ako yuyuko. Yuyuko lang ako sa Diyos hindi sakanila. " tumingin ito ng matalim sa mata ko. Nakakatakot siya. Blanko lang ang emosyon niya pero nakakatakot!  "Tara na, baka gabihin pa tayo. " nagsimula na siyang maglakad, maglalakad siya sa mismong kinatatayuan ng mga prinsesa! Noah ano bang nangyayare sayo!?

Nangmakalagpas si Noah—kami sa kinatatayuan ng mga Prinsesa biglang may sumigaw isa sa mga prinsesa...

"SA MUNDONG 'TO TINUTURING AKONG ISANG DIYOS! " saad nito.

Bigla na lang may pulang apoy na humarang sa dinadaanan namin. Mukhang alam ko na kung sino sa mga prinsesa ang sumigaw, si princess Yula! Patay kami 'neto!

Mas lumakas yung apoy at bigla itong pumalibot sa aming tatlo. Tumalikod si Noah at ngayon nagkatitigan sila ni Princess Yula!

PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]Where stories live. Discover now