Chapter 9: Final training.

50 18 1
                                    

Chapter 9: Final training.

-**-




RAON'S POV.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung inumpisahan namin ang pag t-training ng sama-sama at masasabi kong marami kaming natutunan, mas lalong lumakas, at mas nakokontrol na namin ang mga quirk namin.

"ANG BOORRIIINNGGGG~" sigaw ni Herra at bigla niyang niyakap mula sa likod si Yula. Sira ulo talaga! Hahaha

"Ano ba Herra! Dun ka nga! " utos ni Yula kaya mas hinigpitan pa ni Herra ang pagkakayakap. Pinapainit nanaman ne'to ang ulo ni Yula. Hayst. Di na nagbago.

"Hi girls. "

Sabay sabay kaming limang napalingon sa likuran.

"Hi Noah! " nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Yula. At ano raw? Hi? Nag hi siya kay Noah? May something ata na hindi ko alam?

He smiled. "Hey Yula. Hmm... Gusto niyo mag final training? " tanong ni Noah. Mukhang nasa mood siya ah. Nag yaya eh!

"Sige! " sabay sabay na sambit namin kaya nagtawanan kami. Ang babaw ng kaligayahan namin 'noh? Masasabi kong sobrang close na namin yung tipong nag ba-bonding kami pagkatapos ng training tas kakain ng sabay sabay.

"Dito na tayo? Sa Training room?" nagtatakang tanong ni Herra. Dito kami dinala ni Noah sa training room. Sobrang lawak dito pero mas gusto namin sa tambayan namin.

Noah smiled. "Hm...Yes. Final training kasi natin 'to kaya kailangan yung paligid natin ay di masisira. " he pouted like a child. Nasanay na kami sa pagiging moody ni Noah, minsan parang bata, minsan seryoso, minsan blanko, atbp.

"Anong klaseng final training ang gagawin natin? " nakakunot ang noo ni Yula. Nahahawa na rin ata 'to kay Noah eh. Parang kanina lang ang sigla tas ngayon sobrang seryoso parang papatay!

"Battle. Mag bubunutan kayo. " may inilabas siyang mga maliliit na papel na naka rolyo.

Unang bumunot sila Phobi, ako ang huling nakabunot. Hehe.

Binuksan ko na yung akin. Si Aidan ang makakalaban ko.

"Wowww... Princess Zafira tayo ang magkalaban! " masiglang sambit ni Phobi.

"Hoy Afia magkalaban tayo! " sigaw ni Herra kay Afia na nakangisi sa kanya. Huh! Creepy!

"Okay! Sinong mag bo-volunteer kung sinong mauuna? Lahat maglalaban laban, Raon and Aidan, Zaf and Phobi, Afia and Herra, kung sinong mananalo sainyo ay mag bubunutan ulit at maglalaban hanggang sa isa na lang ang matira at yun ang kakalabanin ni Yula, at kung sino ang manalo laban kay Yula yun ang kakalabanin ko. " excited na saad ni Noah. While he's smiling like a kid.

Agad na nagtaas ng kamay si Afia. "Kami! "

*clap* masaya talaga si Noah ngayon ah. "Okay. Get ready... " pumunta na sa gitna yung dalawa, kami naman ay naupo sa gilid. "START!! " sigaw ni Noah.

Si Afia naka ngisi lang, while si Herra kinakabahan. HAHAHAHA ang epic ng mukha ni Herra!




WAYNE'S POV.

Ilang linggo na kaming nananatili sa isang village dito sa magic world sa Arc of the holy shield Monastery, dahil may nag report sa Academy na may mga lulusob daw rito at magnanakaw ng mga kalasag para sa susunod na digmaan. Kaya kami pinapunta dito para malaman kung totoo ba ang sinabi nila, at pag dating namin dito maraming gulo ang nangyayare. Marami kaming nakalaban at dahil roon napilitan kaming gumawa ng barrier sa palibot ng village kaya kami natagalan.

Pagbalik namin sa Academy marami na ang nagsasanay, nalaman kaya nila na may magaganap na digmaan?

Saktong nakita ko si Ms. Haru Lizeus ang Principal. Agad kaming lumapit para magreport at para magtanong na rin.

"Matagumpay po naming natapos ang barrier at nasisigurado po namin na mahihirapan na silang makapasok roon. " ulat ni Tairon. Di ako sanay na seryoso 'tong mokong na 'to! HAHA. Napangiti si Ms. Haru at nag thumbs up.

"Ms. Haru, bakit maraming nagsasanay? " tanong ko.

"Para sa Levelling, dun malalaman kung saang section ka nabibilang o mabibilang. " aniya. Hindi kami kasali? Paano yung section namin? "Grupo-grupo ito. At kailangan ng anim na miyembro kada isang grupo. Maglalaban-laban ang mga grupo, manalo o matalo man kayo ay malalaman niyo pa rin kung anong section o kung saang section kayo nabibilang. " dagdag pa niya. So, kasama kami?  HEHEHE!! "Sumunod kayo sa'kin. " nagsimula na siyang maglakad.

"May nangyare po ba? " tanong ni Brey. Lumingon siya sa amin na parang kinakabahan. Pero tinignan lang siya ng principal.

Nasa principal office kami at mukhang may seryoso kaming pag uusapan.

Mukang alam ko na kung ano nanaman 'to. Sigurado akong may ginawang kabaliwan nanaman si Yula.

"Mabuting nakabalik kayo ng ligtas. " panimula ni Dean Haru. "About sa tanong mo Prince Brey, meron. May dalawang estudyante ang nagbigay ng kakaibang takot sa ibang estudyante. " huh? Napakunot ang noo ko. Sino kaya? Siguradong si Yula ang isa pero sino yung isa?

"Tama ka Prince Wayne isa si Yula sa dalawang estudyanteng iyon. Ang isa ay freshman pa lang pero kakaiba siya...pero" sinasabi ko na nga ba! YUULLAAAA!! ~ HUMANDA KA SA'KIN! "...isa lang ang masasabi ko..." tumingin ito sa amin at ngumiti. Ang weird. "Nakahanap na ng katapat si Princess Yula. "

"Woooooaaahh!! Seryoso?! HAHAHAHAHA dre narinig mo yun?! Hindi ikaw ang katapat ni Yula! " pang-aasar ni Tairon kay Ash.

"Tch. Siguradong mas malakas ako sa kanya. " he coldly said and he walk out. Bastos? Tsk.

"OooOooh! " sambit ni Tairon na para bang nilalamig w/ action. "Grabe! Apoy ang kapangyarihan niya pero the way na mag salita siya graaabbeee~ sobrang lamiiiggg! " tama siya. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan.



YULA'S POV.

"YUUULLLAAAA~ GUMISING KA NAAA~"

walangyang Herra yan! Kakapikit ko pa lang eh!

"ANO!! " sigaw ko rito at tumayo, agad siyang nagtago sa likod ni Noah. Tsk. Namewang ako at humarap sa kanya—sakanila.

"Noah!! Oh! Si Yula! " tsk. Para siyang bata na nag susumbong. Hindi siya pinansin ni Noah, nakatingin lang ito sa akin. Ginalaw niya ang ulo niya pakanan at pakaliwa na para bang inoobserbahan ang buong katawan ko.

Tumawa siya at kumamot sa ulo. "Sorry. Pinagising kasi kita. Pumunta ka na sa gitna ."Aniya at agad na tumalikod. "Ang ganda mo pag namemewang. Pero creepy tignan. HAHAHAHAHA! " anong sabi niya!! Uminit na yung pisngi ko eh! Andun na eh! Pero dahil sa huli niyang sinabi pati ulo ko uminit! Grrrr. Noah!!

Tsk. Pumunta na lang ako sa gitna. Nagulat ako ng si Raon ang kaharap ko ngayon, alam kong 'di dapat ako magulat dahil malakas ang quirk niya pero kasi 'di ko ineexpect na siya ang makakalaban ko. Simula pagkabata siya na ang laging nananalo at ako ang laging talunan, ayokong maulit yun. Natatakot ako. Tumingin ako sa paligid.

Ang ibig sabihin ang nanalo sa unang round ay sina Raon, Zafira, at Afia. At dahil unang nakapasok sa susunod na round sina Zaf at Afia sila ang naglaban, at ang nanalo ay si Afia. At sa laban nina Afia at Raon, si Raon ang nanalo. Sa madaling salita si Raon talaga ang makakalaban ko.

Kailangan kong manalo! Dahil ako ang legendary Princess!! Dahil ako ang pinakamalakas sa lahat!! Ibibigay ko ang 100% ng lakas ko!

"START!! " dinig kong sigaw ni Noah mula sa likuran.

Agad akong sumugod at nagpakawala  ng matinding Apoy sa kamay ko. Tatapusin ko agad ang laban na 'to!!

Bumaon ang kamay ko sa tiyan ni Raon at biglang naging puti ang paligid.

Anong nangyare? Anong lugar 'to?! Asan ako?halo-halong tanong ang nasa isip ko.











And everything went black.

PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]Where stories live. Discover now