Chapter 13 : Kalaban o kakampi?

37 18 2
                                    

Chapter 13 : Kalaban o kakampi

-**-

RAON'S POV.

Pagka labas ng huli naming guro napagpasyahan kong kausapin si Noah.

"Noah, pwede ba kitang maka usap. " tanging nasambit ko.

Halos ang lahat ay inaantok at pagod na. Ngunit may gana pa ring titigan kaming dalawa ni Noah.

"Pumunta ka sa Palasyo ng mga Rexerian, ngayong gabi. " tinignan lang niya ako na parang nang uusisa.

"Sasama kami! " sabat ni Tairon.

Habang nagsasaya sila, diretso lang nakatingin saakin si Noah. Walang emosyon ang makikita sa mga mata niya.

"Ano bang pag uusapan natin? Mahalaga ba? Bakit kailangan pang pumunta sa Palasyo niyo? " walang kasing lamig na anya.

Namayani ang katahimikan. Ni isa walang taong nag tangkang magsalita.

"Kung hindi importante... pasensya na, pero may mas importante akong gagawin. " umalis na siya.

Bakit ganito? Bakit parang dinudurog ang puso ko sa bawat katagang binibitawan niya?

"Pasensya na mahal na Prinsesa kami na lang po ang kakausap sakanya. " ani ni Aidan.

"Hindi. Ako na. " tumayo na ako.

"A-Ahh s-sige. Nasa library siya. " anya na nauutal pa.

Agad akong nagtungo sa kahabaan ng hallway para makapunta sa library.

Anong importanteng gagawin niya sa library?!

Halos maikot ko na ang buong library pero di ko pa rin siya nakikita. Maraming studyante ang naririto kung kaya't napagpasyahan kong pumunta sa parte ng library na kinatatakutan ng iba dahil sa namatay roon na librarian.

Di ako nagkamali narito nga siya. Seryoso siyang nagbabasa ng..... History ng Patricia Academy? Yan ang importante niyang gagawin?!

"Yan ba ang importante mong gagawin kaya mo tinanggihan ang alok ko sa Palasyo? " umupo ako sa harap niya. Hindi ito tumingin sakin.

"Oo. Mas nanaisin ko ang magbasa ng History nitong paaralan kesa dumalo sa salo-salo niyo.. wala akong mapapala roon. " anya na hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

"Ang aking ama't ina ay maraming nalalaman tungkol sa paaralang ito. Mas maiintindihan mo ang history ng paaralang ito kung ikukwento ito ng kamag-anak ng may gawa at may ari nitong paaralan. " ibinaba niya ang libro at tinignan ako sa mata. Sa totoo lang kinakabahan ako.

Ngumisi ito. "Sige. Payag ako. "

Ngumiti ako. Ang galing mo talaga Raon.

Agad kaming pumunta sa Palasyo.

"Magandang gabi, Princess Raon. " anya ng isang kawal.

Tinunguan ko lamang ito. "Sabihan mo sila Ama't Ina na may panauhin ako. "

Pumunta ako sa dining area at umupo. Nakita ko si Noah na nag iikot lang roon habang tinitingnan ang mga nakadisplay.

"Raon, bakit mo ba sinama yan? " may halong pag kainis na ani ni Prince Wayne.

"Gusto siyang makilala ni Mommy. " mahina kong sambit ngunit sapat na para marinig niya.

"Ano!! " nagulat ako sa inasal niya.

"Hoy kuya! Ano ba! Nakakahiya ka! " suway ni Yula sakanya.

"Maupo kayo. " agad kaming yumuko. "Maupo kayo at saluhan kami. " Umupo ako sa harap ni Mommy at sa tabi ni Daddy.

PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]Where stories live. Discover now