Chapter 15 : YOU'RE UNOFFICIALLY MINE
-**-
YULA'S POV.
Naririto kami ngayon sa room namin at hinihintay ang susunod na guro, ng biglang pumasok si Kuya Wayne na seryoso ang mukha at hingal na hingal. Nakuha niya ang lahat ng atensyon namin dahil sa biglaan niyang pagpasok.
"Si Noah, pinaalis na siya dito... " ani ni Kuya.
Parang huminto ang mundo ko at parang nag didilim ang paningin ko. Ang tanging nararamdaman ko ay galit, sobrang galit.
"Bakit?! " agad na sigaw ni Raon.
Kita sa mga mata niya yung pag aalala at galit. May hindi ba ako nalalaman, Raon?
Halos di pa rin mag sink-in sa utak ko ang mga katagang sinabi niya. "Nasan siya? " tanging nasambit ko. Nakatingin lang ako sa baba habang hinihintay ang sagot niya.
Isa lang ang nais ko ngayon, ang makasama siya at mayakap. Hindi ko pa iyon nagagawa ngunit nais kong gawin.
"Hindi ko alam, Yula... " tumingin ako sakanya, umiiling-iling siya. Walang nakikitang emosyon sa mga mata niya.
Lumapit ako agad sakanya at tinulak siya sa white board at diniin ang siko ko sa leeg niya. Nilalamon na ako ng galit.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko para awatin, agad ko iyong sinipa, wala akong pakialam kung sino pa siya.
Sa sobrang galit ko di ko na napigilan pa ang sarili ko, nagliyab na ako ng tuluyan habang ang kuya ko ay sinasakal.
Napaatras na lang ako at napatitig sa aking mga kamay. Hindi maaari, nasaktan ko ang sarili kong kapatid dahil sa isang di ko kilalang lalaki? May tumulo na mga luha sa aking mata at tinignan siya, kita ko ang paso sa leeg ni Kuya habang inaalalayan siya ni Ash.
Nakita kong pumasok ang guro namin. Ngunit hindi ko na kaya. Tumakbo ako at agarang lumabas. Pumunta ako sa dorm ni Noah, sa kwarto niya. Maganda rito, maihahalintulad ito sa kalangitan, puti't asul ang kulay ngunit ng buksan ko ang damitan iilang boxer na lang ang naroroon. Naalala ko pa noong nag kita kaming muli.
Habang naglalakad kami nina Raon, Afia, Zafira, at Herra sa kahabaan ng hallway patungo sa principal's office marami kaming naririnig na mga bulungan, na kesyo 'ano naman daw ang gagawin ko sa bagong salta rito' tang*na ano tong eskwelahan? Kulungan!?
Bigla na lang akong tumumba at napasapo sa ulo ko. Shit na masakit!
Ang lawak lawak ng daan di niya ako nakita! What a kind of a blind he or she is?!
"WHAT THE FCK! WALA KA BANG MATA! " sigaw ko sakanya. Nang tuluyan na akong makatayo ngunit hawak ko pa rin ang aking ulo at di maidilat ang mga mata.
"NOAH! " ani ni Afia na parang may tinitawag o may kinukumpirma.
"NOAH IKAW NGA! " ani naman ni Herra.
Sino bang Noah yan. Nang nabawasan ang sakit ko sa ulo tumingin ako sa nakabunggo saakin.
Parang huminto ang paligid na tanging siya lang ang nakikita at parang nag iislowmo ang pag galaw niya. Walang makikitang emosyon sa mga mata nito.
Parang nagwawala ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok nito.
Napapangiti na lang ako sa naalala ko. Napahawak ako sa aking dibdib na kung saan ang puso ko ay nagwawala na. Maalala o maisip lang ko ang puso ko ay nagwawala, Noah.
Ngunit paano ko to nagawa? Dahil lang sa isang kaibigan nagkaganito na ako? Kaibigan nga ba, Yula?
Puso ni Yula, gusto mo ba si Noah? TUG DUG..TUG DUG
Ngunit alam mong sa legendary Prince ka nakalaan? TUG DUG..TUG DUG
Ano 'yan, bakit hindi ka tumitigil sa mabilis mong pagtibok? TUG DUG..TUG DUG
Humiga ako sa kama niya at inamoy ang unan roon. Ito ang amoy niya ang natural niyang amoy. Naalala ko nung una ko itong maamoy, nasa roof top kami noon sa building kung saan siya nagaaral. Kinausap niya ako hanggang sa nakawin niya ang una kong halik. Yun ang pangyayari sa aking buhay na hinding-hindi ko malilimutan at pagsisisihan, ang unang halik na aking ilalaan para sa unang lalaki na magagawang mapatibok ang puso ko--abnormally, at ang lalaking 'yon ay si Noah.
"Nasan ka, Noah? " tanging nasambit ko habang nakatingin sa kisame.
"Nasa palasyo siya ng kalaban. "
Napabangon ako agad sa aking pag kakahiga. Nakita ko si Raon, nakasandal sa gilid ng pintuan at naka cross arm. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Ngunit anong ibig sabihin niya?
"Nasa kalaban? " natataranta na ako ngunit anong magagawa ko? Apoy lang ang kapangyarihan ko bukod dun wala na. "Dapat natin tong ipaalam sa kanila, kuya. " agad akong tumakbo at nagtungo sa room.
Nadatnan kong may mga sugatan na tao roon.
"Sino kayo? " ani ko ng tuluyan akong makapasok.
"Pamilya ko sila. Iniligtas sila sa pugad ng mga demonyo. " umiiyak ngunit naka ngiting ani ni Phobi.
Ibig sabihin bihag sila ng kalaban! Nakita kaya nila roon si Noah?
"Pupunta muna kami kay Ms Lizeus. " ani ni Phobi at inalalayan ang isang babae na sa tingin ko ay Ina niya.
Nais kong magtanong sa babaeng iyon ngunit wala akong lakas ng loob at para akong nanigas sa aking kinatatayuan, di makagalaw.
Lumabas na lang akong muli at di pinansin ang pagtawag nila saakin.
Ang tanging nais ko ay magpahinga, magpahinga dahil pagod na pagod na ako kakaisip sayo, Noah nais kong malaman mo na ikaw ang nagbibigay lakas saakin noong nakaraang mga araw at linggo ngunit paano na ako ngayon na wala ka na, na hindi na kita makita, paano na ang bukas ko ng wala ka? Makakaka survive kaya ako? Ang totoo nais kitang puntahan at makita ngunit isa lang akong Prinsesa na naka base ang buhay sa legendary Prince na nawawala. Kulang ang kapangyarihan ko pag wala siya. Kaya paano kita mapupuntahan jan at paano kita maililigtas! Ano bang ginagawa mo jan!?
Wag kang mag alala pupuntahan kita jan. Maghintay ka lang. Magsasanay ako at ililigtas ka. At pag nangyari iyon masasabi ko na ang mga katagang nais ko sabihin sa 'yo sa mga oras na 'to.. ang mga katagang....
...Mahal kita, maging sino ka man.
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasyThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...