Chapter 8: truth hurts?
-**-
YULA'S POV.
Putsa! Nangangalay na ko ha! Ang pinagawa ba naman sa'kin ni Noah eh bantayan yung binigay niya saking asul na apoy. Maliit lang naman yung apoy kaya mas nakakangawit at nakakaboring! Kasing laki lang ng piso yung apoy kaya mas nakakawalang gana!
Putspa! Nagawa pang makipaglandian habang kami nahihirapan?! Aba! Aba! Matinde!!
May iniabot si Noah na limang libro kay Raon at nagkahawakan pa ng kamay, iaabot na lang kailangan pang may hawakan na magaganap!?
Bakit ganito!? Nakakaramdam ako ng galit o inis. Ramdam kong unti unting nahahaluan ng pulang apoy ko ang asul na apoy na nasa kamay ko at ramdam kong lumalakas ito.
"HOY! HABANG KAYO NAGLALANDIAN KAMI DITO NAHIHIRAPAN! "
wala sa sariling sambit ko. Sa sobrang inis ko napalakas pala yung pagsabi ko. Tch. Pake ko ba? Totoo naman e!
"Are you jealous? " tanong niya watching taas taas kilay pa! Nang aasar ba siya!?
Ako magseselos?! NEVER!! Hinding hindi ako mag seselos! Over my dead gorgeous body!
"ANO!? PILING KA RIN EH 'NO? HINDING HINDI AKO MAGSESELOS DAHIL HINDI NAMAN KITA GUSTO! " sigaw ko sa kanya para dama.
Eh bakit ako nagagalit ng magkahawakan sila ng kamay? Nagseselos nga ba ako o dahil sa pangangalay ko? Tama! Dahil sa pangangalay ko lang 'to! Tch. Akala niya magseselos ako! NEVER! as in N-E-V-E-R!
"Okay. Sabi mo e. " he blankly said. Pansin ko lang ang bilis niya magbago, yung ekspresyon ng mukha niya! Tas sama mo pa yung boses niya. Abno ba siya?
"TCH. TALAGA! " I confidently said. totoo naman kasi. 'Di ako nagseselos dahil lang yun sa pagod ko—sa pangangalay ko.
"Gusto ko lang na malaman mo kung nasa digmaan ka pati kakampi mo, napatay mo na. " seryoso yung tono ng pananalita niya.
"Bakit ko naman mapapatay ang kakampi ko? Tska napaka basic naman ng pinapagawa mo sakin, nangangalay lang ako." tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang pinagawa ko sayo ay hindi madali! Yan ang pinakamahirap sa lahat! Ang kontrolin ang emosyon mo! Hindi ko inaasahan na naturingang maalamat na prinsesa hindi kayang gawin ang BASIC na gawain. " bakit bigla siyang nagalit? Sinisigawan niya ba ako? Pinaka mahirap sa lahat? Tss.
"Hindi ka dapat tawaging maalamat na prinsesa kung galit lang ang nagpapalakas sayo. TAPOS NA ANG TRAINING SA NGAYON, PAGPATULOY NA LANG NATIN BUKAS. " aniya at nagsimula ng maglakad.
Huminto siya sa di kalayuan. "Hindi nararapat sayo ang titulong.....maalamat na prinsesa. " at tuluyan na siyang umalis.
"Una na kami. " dinig kong sabi ni Aidan at Phobi, sumunod na sila kay Noah.
Nagteleport na lang ako papunta sa kwarto ko. Humiga ako agad sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame, yung sinabi ni Noah ang sakit. Ang sakit kasi nanggaling sa kanya.
"Hindi nararapat sayo ang titulong.....maalamat na prinsesa. "
"Hindi nararapat sayo ang titulong.....maalamat na prinsesa. "
"Hindi nararapat sayo ang titulong.....maalamat na prinsesa. "
Wala akong ibang gusto kundi ang lumakas at ipagtanggol ang lahat. Pero yung sinabi ni Noah...sobrang sakit. Yung mga taon na ginugol ko para magpalakas ay useless pala... mahina pa rin pala ako hanggang ngayon. Haha nakakatawa lang isipin na sa taong ilang araw pa lang akong kilala nanggaling ang mga salitang yun.
Ipinamukha niya sa akin na mahina ako, na wala akong silbi, na wala akong kwenta, na puro salita lang ako, na puro yabang lang ako.
Magpapalakas ako! Ipapakita ko sa lahat na nararapat akong tawaging Legendary princess. Ang prinsesang nakatalaga para magligtas. Magiging instrumento ako para makamit ang kapayapaan na gusto ng lahat. Magiging karapat-dapat ako.
AIDAN'S POV.
"Noah, parang sobra naman yung mga sinabi mo kay princess Yula. " si Phobi.
Nakahiga si Noah sa kama niya at nakatingin lang sa kisame. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Noah, pinag-uusapan namin yung nangyari kanina.
"Ika nga nila truth hurts kaya tama lang yun. " aniya.
Tama si Noah, dahil sa sinabi niya magsisikap magpalakas si princess Yula. Napangiti na lang ako, ang talino talaga ni Noah!
"Waaah! Bakit ka nakangiti! "
"Ano ba Phobi! " hinampas ko yung kamay niyang nakaduro sa akin.
"Ano bang iniisip mo!? Bakit ka napangiti ha? ha? Sabihin mo na!? " hayst. Parang bata talaga! Tsk.
"Lumabas na nga kayo magpapahinga muna ako, sarado niyo yung pinto ah! " haha nagbago nanaman siya. Dumapa siya at nagtaklob ng unan sa ulo.
"Ano ba yaaaan Noaahh~ mamaya na! " pagmamaktol ni Phobi. Inakbayan ko siya at puwersahang sinama palabas.
NOAH'S POV.
Nag unat unat muna ako. Huh? Nakatulog pala ako? 8:00 pm na pala! Ba't walang gumising sa'kin! Loko yung dalawang yun ah! Bumangon ako agad sa kama at nagpalit ng damit. Nag long sleeve na black na lang ako at lumabas na.
'Di naman ako gutom kaya mag t-training na lang ako sa labas.
Sobrang liwanag ng buwan, sapat na para makita ang kabuuan ng tambayan namin.
Nag focus ako, huminga muna ako ng malalim at nagpalabas ng maliit na asul na apoy at nag squat position.
"Pwede bang sumali? "
Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likuran ko kaya na out of balance ako, napa sapo ako sa pwetan ko kaya nawala yung maliit na apoy ko. Tss.
"Opps... Nasira ko ata ang konsentrasyon mo? " naka cross arm lang siya sa harap ko at walang emosyon ang mukha niya.
"Hindi. Hindi mo nasira. Kaya nga na out of balance ako eh! " *insert sarcastic tone* tsk.
"Tumayo ka na jan sasali ako sayo. Tama yung sinabi mo, hindi ako karapat-dapat sa titulong yun kaya gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat ako sa titulong yun. " tumayo na ako at humarap sa kanya. Kitang kita ang determinasyon sa mga mata niya.
"Okay. Simulan na natin. " inilahad niya ang kamay niya at binigyan ko siya ng maliit na apoy.
Nag squat position siya at pumikit. Kaya ginaya ko na rin siya.
Ito na ang umpisa ng tunay na pag sasanay....Yula.
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasyThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...