Chapter 14 : WELCOME TO VOLDEMORT PALACE
-**-
NOAH'S POV.
"Pinapaalis ka na ng Mahal na Hari na si King Norman sa skwelahang ito. Kailangan mong umalis sa lalong madaling panahon. " ani ni Lizeus, ang principal.
Expected ko na to. Naaayon lahat sa plano.
Ngumiti ako at tumango na lang at umalis na agad sa opisina niya. Nagimpake na ako at akmang lalabas na ng biglang pumasok sa kwarto ko si Phobi.
"Sa'n ka na pupunta ngayon? " anya at umupo sa kama ko.
"Sa lungga ni..helderk? Derkel? Ays basta. " tumawa lang siya ngunit halatang nagulat rin siya.
"Ni Derkhell. Bakit? " anya na parang natatakot.
"Ililigtas ko ang pamilya mo. " maikling saad ko, hinawakan ko siya sa balikat at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko.
Hinabol niya ako. "Imposible! Di mo sila kaya! " naiiyak na anya.
"Lahat ng imposible kaya kong gawing posible dahil ako ang ——" naputol ang sasabihin ko ng hilahin niya ang braso ko at iniharap sakanya.
"...ang legendary Prince? " anya na parang di makapaniwala.
Ngumiti ako sakanya at tinap ang balikat niya.
"Hanggang sa muli..." pumitik ako ng isang beses at agad na naglaho at napunta sa kagubatan.
Nang makarating ako sa Palasyo ng Derkhell na yon. Akmang papasok ako ng may tumutok saaking dibdib ng isang sibat.
Uso pa pala to?
"Hoy! Di mo ba ko kilala!? Ako ang ispiya ni Derkh——I mean, ni Lord Derkhell sa P.A. Anong pangalan mo, ha? Sasabihin ko 'to sakanya. Ano kayang gagawin niya sayo, papatayin? " agad niyang tinanggal ang sibat na nakaharang sa daan ko.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
Ang sakit nun ah. -_-
Nagcast ako ng invisibility spell at agad na nagtungo sa kulungan. Bantay sarado ito. Mukhang mahihirapan ako nito ah.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Narinig mo yun? " anya ng isang kawal kaya napa takip ako sa aking bibig.
"Tumigil ka. Balik sa trabaho. " anya ng kausap.
Naglakad ako dahan-dahan at nagtago, gumawa rin ako ng clone na nakasuot ng pang kawal na sumasabog pag hinawakan. Nag focus ako at pumitik ng isang beses at agad na naglaho at napunta sa loob ng kulungan.
Ang lakas ng nakapalibot na kapangyarihan sa kulungan na ito, dahil ang kinast kong spell ay nawala.
Tumingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakahandusay at parang lantang gulay. Pansin ko rin na ang lamig dito sa loob. Siguro dahil sa purong bakal itong kulungan.
"Sino ka a——" agad kong tinakpan ang bibig ng isang bata.
Unti unti na silang nagigising. Kita ko sa mata nila ang takot at gutom.
"Lahat kayo pumunta sa pwestong ito. " utos ko gamit ang mahinang boses.
"Ikaw nga.." napatingin ako sa babae mga nasa early 40's, "Ikaw ang legendary Prince. " ngumiti ito na parang maluluha pa. Ginantihan ko na lang siya ng ngiti at inalalayan papunta sa sulok.
Nang makapunta na silang lahat sa sulok, gumawa ako ng clone nila na sumasabog rin pag nahawakan. Agad akong gumawa ng portal at pinapasok sila roon.
"Ang portal na ito ay diretsyo sa Academy. Magpahinga kayo roon. " ani ko at sinarado na ang portal.
"Mag iingat ka.. Mahal na Prinsipe.. " rinig ko pang anya ng babae.
Di ko alam na gan'to pala kasarap matawag na Prinsipe. Napangiti na lang ako at napahawak sa dibdib ko. Piling ko buong buo na ako.
"Sino ka! " napalingon ako sa kawal. Akmang hahawakan niya ang mga clone kung kaya't agad akong pumitik ng isang beses at agad akong napunta sa harapan ng mismong hari na si Theodore ang anak ni Derkhell.
Mali ako ng napuntahan. Napalunok na lang ako. Naka upo ako ngayon sa kabisera habang ang hari ay nasa kabilang dulo.
"Sino ka naman? " sa tono ng pananalita niya halatang gusto niya akong takutin. Napangisi na lang ako. Di ko alam kung bakit pero wala akong nararamdamang takot.
"Ako si Noah Grayson. " walang emosyong ani ko.
Naningkit ang bilugan niyang mata. "Kakampi ka ba o kalaban? " anya at ngumisi. Nakaramdam ako ng kaunting inis.
"Depende, kung kanino ako mas maraming malalaman. " ani ko at tinapatan ang ngisi niya.
Bigla namang dumating ang sa tingin ko ay kanang kamay niya. May binulong ito sa Hari. Siguradong ibabalita nito ang mga nakatakas na bihag.
"Galing ka raw sa Patricia Academy? Pinalayas ka? Bakit? " sunod-sunod na anya.
Mali pala ako. Tsk. Kumuha pala sila ng info about sa'kin? Natuwa naman ako piling ko napaka importante ko para makilala ng isang haring tulad niya. *Insert sarcastic tone*
"Yeah. Pinalayas ako, dahil siguro sa wala akong galang. " ani ko. Piling ko nawala na ako sa mood. Nangalumbaba ako at tumingin sakanya.
"Ibig sabihin may nalalaman ka na tungkol roon. " Napangisi na lang ako.
"Mm..Hm.." pag sang ayon ko habang tumatango-tango. Kumuha ako ng mansanas at kinain.
"Leeyon, samahan mo si Mr. Noah Grayson sa magiging kwarto niya. " ani nito habang hindi pinuputol ang tingin sa mga mata ko.
Sinundan ko ang Leeyon na iyon hanggang sa mapadaan kami sa mga larawan nila.
Napatigil ako sa gulat ng makita ang babae na may angking ganda ng boses... si Jasmine kasama ang kambal nito na si Justin. Habang pinapagitnaan nila si Theodore.
Anak sila ni Theodore?! Sa una ay nagdududa na ako ngunit dahil sa boses ng babaeng ito nawala ang pag dududa ko.
May nakapasok na ispiya?! HAHAHAHA di na nakakapagtaka sa palasyo nga may mga ispiya eh dito pa kaya na Academy lang?
"Mr. Noah Grayson dito ho ang kwarto niyo. " ani nito at tinuro ang pangalawang pinto pagkatapos madaanan ang mga larawang ito.
Pumasok ako at nilibot ang kabuuan ng silid. Maganda rito at maliwanag di tulad sa dining area nila grabe ang dilim di ko alam kung paano pa sila nakakakain na ganun kadilim.
"Anong oras na pala, Leeyon? " ani ko na may ngiti sa labi.
Yumuko ito. "Saktong 6 ng hapon, Mr. Noah Grayson. " ani niya.
"Hayst. Noah na lang wag mo ng lagyan ng 'Mr' at isama ang 'Grayson'. " ani ko at humiga sa kama. "Makaka alis ka na. "
"Sige ho, Mr——Noah. " anya at narinig ko na lang ang nagsarang pinto.
Mukhang magsasaya ako rito ah.
"Hayst. Ang lambot ng kama~" ani ko. "Matutulog muna akooo~"
Ang lahat ay umaayon sa plano. HAHAHAHA
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasyThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...