Chapter 16 : Twin deep talks
-**-
(Ito ay pagkatapos nilang pumunta sa Palasyo ng Rexerian at nang matulog na si Raon. )
RAON'S POV.
Ako'y nakahiga habang nakatingin sa kisame. Kanina pa ako rito ngunit wala pa rin akong maisip na dahilan na nagpapatunay na siya ang kambal ko. Oo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana siya na..siya na ang kambal ko.
Ngunit sino ka ba talaga, Noah? Kalaban ka nga ba o kakampi? Bakit hindi mo na lang sabihin kung sino ka? Bakit mo kami kailangan pahirapan ng gan'to!? BAKIT!!!
Sa pag tingin ko sa kisame para akong nilalamon ng dilim hanggang sa maramdaman kong guminhawa ang pakiramdam ko.
Sandali, ang sabi niya 'Tawagin niyo lang ang totoo at buo kong pangalan darating ako agad kahit nasan pa kayo. '
Sino ka nga ba, Noah? Paano kita matatawag sa totoo at buo mong pangalan kung hindi mo sinabi saakin ——saamin.
Sandali!! Kung siya nga ang kambal ko ibig sabihin Rexerian rin ang apilido niya. Ngunit paano ang 'Grayson' niyang apilido?
Alam kong nag mumukha na akong ewan ngunit sobra na akong desperada na mahanap ang kambal ko na siyang magliligtas sa mundong aking ginagalawan.
'Noah..' mahinang sambit ko. 'Noah Rexerian..'
Bigla na lang akong nakakita ng asul na apoy na nagsisimulang maging hugis tao hanggang sa tumambad sa harapan ko si Noah na........KUMAKAMOT PA SA..SA DOWN THERE!!!
Agad akong napatakip sa mata at tumalikod.
"Oh! Raon! Ikaw pala! " anya na parang walang kapilyuhan na ginawa!
Agad akong lumapit sakanya at hinampas hampas siya.
"Aray! Ano ba! Masakit! "
"Bwesit ka! T-Tama bang kumamot ng s-sandata sa harap ng babae, ha!? " utal kong ani.
"Tsk. Eh di sorry. " ambilis niyang magbago ng emosyon.
Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa umupo siya. Umupo na rin ako sa harap niya. Naka Cross arm lang siya at naka straight body.
"So, ikaw nga ang kambal ko? " pangbabasag ko sa katahimikan. Tinignan lang niya ako. "Kasi tinawag kita na Noah Rexerian at nagpakita ka. "
"Yeah. "
'wow! Ang haba ng sagot! '
"Ahm... Asan ka ba ngayon? " tanong ko na parang di pa nagsisink-in sa utak ko na siya ang kambal ko.
"Sa tabi tabi lang. May ginagawang nakakalibang. " anya na nagkukutkot pa ng tenga.
Namayani muli ang katahimikan sa pagitan namin.
"Alam mo ba na sa umpisa pa lang na ikaw ang hinahanap namin? Na ikaw ang long lost legendary Prince? " muling pagbasag ko sa katahimikan.
"No, tska ko lang nalaman nung nakarating ako rito. Kasi nagpakita sa panaginip ko yung mga nagbantay o sabihin na nating nag alaga sa'kin. Pinaliwanag nila lahat sa'kin. " anya habang ginawang pangtukod ang dalawa niyang kamay na parang nakasandal. "Alam mo ba kung sino ang pumatay sakanila? " anya, kita sa mata niya ang galit at pag kalungkot.
"Hindi. " Umiling-iling ako. "Sino? "
"Si Yula. " para akong nanigas sa kinauupuan ko. Paano at bakit?
Umiling-iling ako. "Hindi. Hindi niya magagawa yun, ang pumatay! " Para akong iiyak.
"Nagawa na niya. " walang emosyon na mababasa sa mukha niya. "By the way.. Nagpakita ako dahil tinawag mo ko. Tama? " tanong niya na ikina tango ko.
"Malamang. Kakasabi ko lang kaya kanina. Di kasi nakikinig. " mahinang saad ko.
"Tsk. May plano 'ko. At ang kailangan mo lang gawin ay protektahan ang mga studyante at ang mga royalties. " anya na ikina taka ko.
Anong ibig niyang sabihin? May masama bang mangyayari? Bakit sa'kin niya to sinasabi?! ———Ayy saglit! Di ba kung nandito na siya sa Magical World dapat kompleto na ang kapangyarihan ni Yula?! Pero bakit hindi ganun ang nangyari?
"Noah, bakit hindi pa rin bumabalik ang lahat ng kapangyarihan ni Yula? " tanong ko na ikina higa niya. Madali talaga siyang mabored.
Sorry kambal ko. Wala kasi akong kwenta kausap.
"Nabasa mo ba yung libro ni Patricia Morlach, na siyang nagmamay-ari ng lahat ng elemento na meron tayo? " Umiling ako. "Nakatala roon na, pag nasa matinding panganib ang legendary Prince tska lang lalabas ang lahat ng kapangyarihan ni Yula. Nakatala rin doon ang propesiya. "
Sa kanyang huling sinabi nanlaki ang aking mga mata.
"Imposible ang aklat na sinasabi mo ay nasa pangangalaga namin at walang nakatala roon tungkol sa propesiya! " ani ko na ikina ngisi niya.
"Nagkakamali ka, kakambal ko. Nakasulat iyon sa Latin na tanging si Patricia Morlach at ang nakatakda lamang ang makakabasa non. Sad to say pero hindi kayo yon. Kundi ako. " ngumiti siya sa'kin. Nagbago nanaman siya ng emosyon Hayst.
"Ano ba ang propesiya? "
"Tatagalugin ko ba? " ayy t*nga lang?!
"Malamang! " ani ko at binato siya ng tsinelas.
"Aray! Tsk. Ang sabi sa propesiya, sa muling digmaang magaganap may isang taong magsasakripisyo na siyang ikakapayapa ng mundong ito. Maraming buhay ang mawawala ngunit dahil sa taong ito ay muli silang mabubuhay ay mamumuhay ng payapa. Yan ang nakalagay. " anya na ngumuso pa sa harap ko. "Ayy hindi! Meron pa pala! " nagulat ako sa pagsigaw niya.
"Meron pa!? " ani ko na waring kinakabahan.
"Oum. Nakatala pa roon na pagkatapos ng digmaan muling isisilang ang pinaka malakas at ang nagmamay-ari ng lahat ng elemento! Tapos....." ani nito na nag iisip pa.
"Tapos?? " pabitin naman!
Ngumiti ito ng nakakaloko. "Tapos na! HAHAHAHA pinunit kasi ni Patricia yung part na yun kaya di ko nabasa. " anya. Tuwang-tuwa pa si mokong.
Tinignan ko siya ng masama na siyang ikina tikhim niya.
"Sino ba si Patricia? " tanong ko.
Nanlaki ang mata niya. "Seryoso?! Di mo siya kilala?! "
"Magtatanong ba ako kung alam ko? " ani ko at tinarayan siya. "Basta ang narinig ko kila Mommy na siya ang ninuno namin. Yun lang. "
Marahan siyang tumawa. "Siya ang unang nilalang na nagkaroon ng kapangyarihan. Gumawa siya ng mundo at ito yun, pero nung nabored siya gumawa siya ng ritwal para pagbigyan ang mga elemento na lumaganap pa sa maraming tao. Ang mga elemento ay napunta sa mundo ng mga tao. At dun na nag umpisa na lumawak at lumaganap ang mga tulad mo———ay natin pala. "
"Ahh " ani ko at tumango-tango.
"Hanggang dito na lang kambal ko. " Anya at tumayo. Tumayo na rin ako ng magpapagpag na ako bigla na lang niya akong niyakap. "Hanggang sa muli. " ng gaganti na ako sa pagkakayakap niya ay bigla na lang siyang nawala.
"Bakit ganito, Noah? Bakit parang nadudurog ang puso ko? " tanging nasambit ko. Di na niya ito maririnig pa dahil wala na siya. Di ko na siya muling makakausap ng kami lang.
Naramdaman kong may likidong dahan-dahang bumabagsak mula sa mata ko...
.
.
.
.
.
.
.
"Hanggang sa muli, Noah. Kakambal ko. "
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasíaThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...