Chapter 11: Leveling (part 2)
-**-
THIRD PERSON's POV.
"Ngayon na! " malakas na ani ni Noah at agad na pumunta sa likuran ng mga kagrupo.
Dahil sa ginawa ni Noah at ng mga kagrupo niya, kumunot ang mga noo ng mga hari't reyna at mga guro kasama na ang principal.
'Gumawa ng formation. Yun ba ang iniisip mong makakapag pabagsak sa mga Prinsipe at sa dalawang Prinsesa, Noah? ' ani ng principal sa isip nito.
-Raon-
-Yula-
-Wayne-
-Ash-
-Brey-
-Tairon-Aidan x Herra
Afia
Zafira x Phobi
NoahIsang malakas na hangin ang pinakawalan ni Tairon sa kinaroroonan ng grupo ni Noah. Hindi natinag ang mga ito, kung kaya't sinunod-sunod nito ang pag atake. Sa huling pinakawalan ni Tairon, tumalsik ang mga kalaban nito na ang mas napuruhan ay si Noah.
Hindi pa nakakabangon ang mga kasama ni Noah ng magpakawala ng matinding kuryente si Brey.
"AaaaAaaaAahhH! " kanya kanya nilang daing.
Mas duguan na si Noah kumpara sa mga kagrupo nito dahil noong nagpakawala si Tairon ng matinding hangin, sa kanya tumilapon ang mga kagrupo niya. Dagdagan pa ng pagpapakawala ng matinding kuryente ni Brey.
Nang muling pagbagsak nila, si Noah ay damang-dama na ang lahat ng sakit na natamo nito ngunit parang huminto ang paligid niya ng makita niya ang mga kasama na nakahandusay na hindi na maigalaw ang mga katawan.
Nag iba ang awra ni Noah. Walang emosyon na makikita rito. Blanko at walang laman ang isip nito.
Nang akmang magpapakawala na si Ash ng matinding pulang apoy agad na tumakbo si Noah para harangan ang mga kasama.
Nang nakaupo na ang mga kasama ni Noah kita nila kung paano nagpakawala ng matinding asul na apoy si Noah na halos sumakop sa buong dimension.
Ang mga manonood ay halos wala ng makita dahil sa asul na apoy at usok sa loob ng dimension.
Lahat ng kalaban ni Noah ay tumumba at puro paso ang katawan isa lang ang ibig sabihin nito, sila Noah ang nanalo. Ngunit dahil sa matinding usok na bumalot sa buong dimension ay hindi ito makita ng principal kung kaya't hindi pa nito masabi kung sino ang nanalo. Agad na tumayo si Tairon at inalis ang usok na sagabal para siya ay makakita. May galit na makikita sa mata ni Tairon pati na rin sa mga kasama nito ngunit ang dalawang Prinsesa ay gulat sa natunghayan. Hindi nila inaasahan na ganon kalakas na kapangyarihan ang ilalabas ni Noah.
AIDAN'S POV.
Tinulungan kong makatayo si Phobi at ang mga prinsesa. Bumalik kami sa dating formation. Nang makita ko ang kabuuan ni Noah na duguan agad ko siyang inakay papunta sa likuran. At muling bumalik sa formation.
Ako x Herra
Afia
Zafira x Phobi
NoahGanitong formation ang naisip ni Noah dahil pag natibag ang dalawang panangga nakahanda sa likuran si Afia para pigilang makagalaw ang mga kalaban at saka gagalaw ang dalawang water elementalist at papatumbahin ang mga kalaban ngunit pag ito'y nakatayong muli nasa likuran si Noah para magpakawala ng matinding asul na apoy na siyang tuluyang makaka pagpabagsak sa mga kalaban. Ito ang nabuo ni Noah na plano sa maikling panahon.
"Luhod! " sigaw ni Noah, agad kaming napaluhod.
Nagpakawala siyang muli ng matinding asul na apoy. Dama namin ang init saaming likuran.
'Gumawa ng panangga si Prince Ash na gawa sa Yelo sapat para matakpan ang mga kakampi.
"Ngayon na! " muling sigaw ni Noah, agad na pumunta sina Phobi at Princess Zafira sa unahan namin at nagsimulang gumalaw.
Nagulat na lang kami ng biglang bumagsak at humandusay ang mga Prinsipe at ang dalawang Prinsesa.
PRINCIPAL'S POV.
Paano? Natatanging tanong sa aking isipan.
Paanong natalo ng ganoong istratehiya ang makapangyarihang mga Prinsipe at ang dalawang Prinsesa?
Gulat ang lahat ng manonood at di makapaniwala.
"T-The winner is team Noah! " ani ko habang nanginginig ang kamay na hawak ang mikropono.
Agad na lumabas ang section nila.
Noah- 100% section A
Phobi- 95% section A
Aidan- 94% section A
Zafira- 95% section A
Herra- 94% section A
Afia- 94% section AAsh- 96% section A
Tairon- 96% section A
Brey- 96% section A
Wayne- 95% section A
Raon- 93% section A
Yula- 93% section ALahat sila ay A! Hindi yun nakakapagtaka sa mga Prinsipe at Prinsesa pero bakit napasama sila Noah?
Noah, sino ka ba talaga? Sa'n nanggagaling yang matinding kapangyarihan mo?!
Inilabas ko na sila sa dimension na iyon. Ngayon nakatayo na sila sa harap ng lahat at manghang nakatingin sa screen kung saan nakalagay ang kani-kanilang section.
"Woohoo! Magkakaklase tayo! " ani ng kaibigan ni Noah.
Nagulat ako ng nakatingin saakin si Noah. Walang emosyon ang mukha niya at nakapamulsa lang ito.
"Sandali. "ani ng hari na ama ni Princess Raon. Wala itong emosyon. Natigilan ang lahat at hinintay ang sasabihin ng hari. "Kayo. Handa ba kayong muling lumaban? " matalim na nakatingin ito kay Noah.
Tumingin lang si Noah sa kasama nito. "Sa tingin ko, hindi na kakayanin ng mga kasama ko. " walang takot na sagot ni Noah.
Agad na lumapit ang namumuno sa seguridad ng hari kay Noah.
"Lapastangan! " anya.
Akmang hahawakan nito sa likod si Noah ng biglang magliyab si Noah.
"AaaaAaah! " malakas na daing ng Heneral ng mapaso ito na halos matuklap ang balat sa kamay.
Dinig na dinig ang pagtunog ng leeg ni Noah. Wala itong emosyon at matalim na tumingin sa Heneral. Huminga muna ito ng malalim at bigla na lang nawala ang apoy sa katawan nito at dahan-dahang lumapit sa Heneral.
Inilahad ni Noah ang kaliwa nitong kamay. "Akin na yung kamay mo. " nanginginig na inabot ng Heneral ang kamay niya.
May lumabas na asul na apoy sa magkabila nitong kamay.
"Aaaaaaaah- " sa muling pag daing ng Heneral agad na lumapit ang mga Prinsipe at mga Prinsesa at ang dalawang kaibigan ni Noah.
Nagulat sila sa kanilang natunghayan, ginagamot ni Noah ang sugat ng Heneral gamit ang asul na apoy.
"P-Pa-Paano!? " gulat na ani ni Yula.
Tumingin si Noah sa kanya at ngumiti. At sinabi ang mga katagang makakapagpabago sa pananaw ng karamihan tungkol sa mga fire user.
"Ang apoy ay simbulo ng kamatayan at pagkawasak pero hindi alam ng lahat na ang tunay na simbulo ng apoy ay buhay. "
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasyThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...