Chapter 10: leveling (part 1)
-**-
AIDAN'S POV.
Halos lahat kami hindi makapaniwala, dahil sa natunghayan namin. Ang legendary princess natalo ni Princess Raon.
"Sorry, Noah. " anya na nakayuko.
Kagigising lang ni Princess Yula at parang ayaw pang mag sink in sa utak niya na hindi niya nagawang matalo si Princess Raon.
"You don't need to say sorry. Sana.. may natutuhan ka sa nangyari, na hindi sagot ang pagmamadali sa kahit na anong laban. " sabi ni Noah habang nakatingin sa baba. "Tamang tyempo ang kailangan kaya dapat matimpihin ka. " walang emosyon pero makahulugang anya pa.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kapaligiran.
"Nagsisimula na ang leveling.. Tara na? " yaya ni Princess Raon. Buti na lang at binasag niya ang katahimikan na iyon.
"Okay! Mas ayos yan! " sa tono ni Princess Herra parang gusto na rin niyang makalabas para matuon sa iba ang atensyon ni Princess Yula.
Tumayo na kami at lumabas. Nang malapit na kami sa field nagpaalam si Noah na aalis muna.
"Sa'n ka pupunta? " nagtatakang tanong ko.
"Kakain lang ako. " Ngumuso siya at humawak sa tiyan niya.
Nagtawanan kami dahil don, ang bilis talaga niya magutom.
Tinignan ko si Princess Yula, tumatawa ito pero hindi kasing lakas ng kay Herra.
"Sama na kami. " sabi ni Princess Raon at kinapitan si Princess Yula sa braso.
"Ang dami naman niyan! " wala sa sariling sambit ko.
Kami lang ang studyante sa loob ng cafeteria dahil ang lahat ay nasa field, kung saan gaganapin ang leveling.
"Sakto lang yan marami naman tayo eh. " At ngumiti siya.
Nagsasalita na siyang muli. Pero yung ngiti niya may halo pang pait.
"Chama shi Yullaaaa~ " sabi ni Noah habang puno ang bunganga ng pagkain.
"HAHAHAHAHAHA!" tawa naming lahat kaya yung mukha ni Noah di maipinta.
Siya lang ang kilala kong lalaki na ang bilis magbago ng emosyon. Galit, masaya, nagtatampo, malungkot, masungit, at minsan wala pang emosyon.
"Hayst! Busog na koooo~ " sabay na sambit ni Noah at Princess Herra. Nagtawanan naman sila.
Pero ang nakakapagtaka bat ang sama ng tingin ni Princess Yula at umiwas ng tingin si Princess Zafira. May something ata kaming 'di alam. Nagkatinginan kami ni Princess Raon. Alam kong pansin niya rin iyon.
"Kayo! Bakit ngayon lang kayo! " bungad saamin ng principal.
Oh oww kami na lang ata ang hinihintay. Hayst! Napasarap kasi ang kain namin eh.
"Sorry we're late. " sabi ni Princess Yula.
Napasapo na lang sa noo ang principal, "Sumunod kayo sa'kin. " Nagsimula na itong maglakad papuntang gitna ng field. At bigla na lang may lumabas na mikropono sa harap niya.
"Kinabahan tuloy ako ikaw kasi e! " mahinang sambit ni Princess Zafira na sinisisi si Princess Herra.
"Bakit ako!? " mahina ring anya.
"Ang tagal mo kasi kumain. "
"Ako lang ba? bakit hindi mo sisihin yung bebe Noah mo, ha? " pang aasar ni Princess Herra kay Princess Zafira.
"Quiet! Kayo ay walo. " tinuro kami ng principal. "At kayo ay apat. " tinuro naman nito ang nasa kabilang bahagi ng field. "Pumili kayo kung sino ang gusto niyong kunin sa kabilang team. " anya ulit, na ang kausap ay naroon sa kabilang bahagi ng field.
Nagulat kami, nang makita namin ang mga Principe na palapit saamin.
"Si Yula at si Raon. " anya ni Prince Wayne.
"Okay. Princess Yula at Princess Raon pumunta na kayo sa kabilang grupo. " sabi ng principal.
Hindi pwede. Sila na lang ang pag asa namin para mapunta sa mataas na section.
"Ano! Hindi pwede. Dito ang grupo namin! " pag tutol ni Princess Yula.
Tinignan ko si Noah na nasa tabi ni Princess Yula. Walang emosyon at matalim na nakatitig kay...Prince Ash. Ang sama ng titig nila sa isa't isa.
"Yula.. lugi kami kung jan lang kayo. Walo kayo at kami ay apat lang at hindi pa nakapag training. " si Prince Wayne.
"Tama ang kuya mo. Pumunta na kayo dito. " malamig na ani ni Prince Ash.
Tinignan ni Princess Yula at Princess Raon si Noah, wala itong emosyon na nakatitig pa rin kay Prince Ash.
"Pumunta na kayo don. " Walang emosyon na sabi ni Noah.
"Pero! Paano kayo!? " tinignan siya ng matalim ni Noah.
"Kaya naming manalo ng wala kayo, Yula. Gawin niyo ang lahat para matalo kami. " Umiwas ng tingin si Noah. Mabigat ang yabag ng paa ni Princess Yula palapit sa kabilang grupo.
"5 mins. Magsisimula na. Mag handa. "
Hindi ko na nakita kung sino ang nagsalita dahil napunta na kami sa ibang dimension, kung saan gagawin ang laban. Ang Principal ang may gawa nito, nakakasiguro ako.
"Anong plano natin, Noah? Wala na sa'tin ang dalawang Prinsesa. " Anya ni Phobi na halatang kinakabahan.
Maski ako kinakabahan pero hanggang kakampi namin si Noah 'di dapat kami kabahan.
"Pag bumagsak ba ang kalaban panalo na tayo? " Tanong ni Noah na nakaupo sa isang bato sa di kalayuan saamin.
"Oo. At sa labas makikita ang section natin. " Ani ni Princess Afia.
"Ang duga nga eh. Yung mga nanonood sila yung unang makakakita sa section natin. " sabat ni Princess Herra.
Anong plano Noah? Bakit kalmado ka lang habang kami kinakabahan na?
PRINCIPAL'S POV.
(Ms. Haru Lizeus )Dinig namin ang pinag uusapan nila. Halos lahat ng studyante at guro na naririto sa field ay sinasabing ang grupo nila Prince Wayne ang mananalo. Pero ang mga hari't reyna ay sinasabing 'wag nilang husgahan agad ang laban dahil parang tinatapos na agad nila ang laban.
Alam kong tama sila dahil sa batang lalaking na may kakaibang awra.
"Nakikita nila tayo pero hindi natin sila nakikita. Weird right? Pero yun ang totoo. " ani ni Princess Herra.
Nagulat ako pati na ang mga hari't reyna na nakakita, na biglang tumingin saakin si Noah.
"Ahh.. Gano'n ba? Okay. " Anya.
Imposible ito! Ako ang may gawa nito! Dapat hindi niya ako nakikita--kami nakikita!
"Ito ang plano, maglalaro at magsasaya lang tayo. " tumayo si Noah at ngumiti.
Lahat kami ay muling nagulat dahil sa sinabi niya.
Maglalaro at magsasaya? Hindi ba siya kinakabahan? Nakakapagtaka!
"Ano bang sinasabi mo?! " ani ni Aidan.
"Sa totoo lang kayang tapusin ni Princess Zafira ang laban na 'to. Pero parang naging makasarili naman siya kung hindi tayo lalaban. Di ba? " natuwa ang hari't reyna na magulang ni Princess Zafira sa sinabi ni Noah.
"Magsisimula na ang laban ngayon.. good luck. " ani ko. At nawala ang solid air na humaharang sa dalawang grupo.
"Basta alam niyo na ang lahat ng techniques. Tinuro ko lahat ng iyon sainyo. Kaya bilang utang na loob dapat tayong manalo rito. " ani ni Noah at ngumiti sa mga kagrupo.
"Humanda kayooo~ " malakas na sigaw ni Prince Tairon.
"Ngayon na! "
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasyThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...