Chapter 12: First day of school.
-**-
THIRD PERSON'S POV.
"Ang apoy ay simbulo ng kamatayan at pagkawasak pero hindi alam ng lahat na ang tunay na simbulo ng apoy ay buhay. "
"Ang apoy ay simbulo ng kamatayan at pagkawasak pero hindi alam ng lahat na ang tunay na simbulo ng apoy ay buhay. "
"Ang apoy ay simbulo ng kamatayan at pagkawasak pero hindi alam ng lahat na ang tunay na simbulo ng apoy ay buhay. "
Pa ulit-ulit ang mga katagang yan sa mga manonood. Kahit isang linggo na ang lumipas sariwa pa rin sa isip nila ang mga katagang binitawan ni Noah.
Sa palasyo ng mga Rexerian may pagtatalong naganap pagkatapos ng leveling at dahil yun kay Noah. Anya ng Mahal na Reyna, "Nasisiguro ko na si Noah ang nawawala kong anak. "
Habang ang hari ay nababahala na baka nililinlang lang sila ni Noah na ito ay nagbabalatkayo lamang.
Ngunit para kay Raon si Noah ay nagbibigay ng pala isipan na paano niya nagawa ang mga bagay na iyon na hindi kayang gawin ng simpleng fire user lamang ....
Masasabi kong kakaiba ang naging pakikitungo ng lahat kay Noah pagkatapos ng leveling na iyon. Tulad sa mundo ng mga tao si Noah ay lubos na nilang hinahangaan.
Palibhasa'y sikat kaya mabilis niya ng nakukuha ang atensyon ng lahat pag siya ay dadaan. Ngunit sa karamihan hindi na maialis ang pangamba na baka si Noah ay pinadala ng Dark Lord na si Derkhell Voldemort para mag ispiya.
SOMEONE'S POV.
"Do you think maloloko mo ko, ha!? " sa isang pitik lang niya tumilapon ako.
"AaaaAaahh! " daing ko. "Nakiki usap ako... isa pang pagkakataon... parang awa mo na isa pang pagkakataon.. pangako hindi na ako mabibigo. "
"Nararapat lang. Dahil pag nabigo kang muli, mamamatay ka kasama ng iyong buong angkan. " sa isang pitik muli nito nasa kwarto na ako sa Academy.
NOAH'S POV.
Nasa kusina lang ako habang humihigop ng mainit na gatas.
Sabay na lumabas sina Aidan at Phobi parehas silang may sugat sa mukha at mukhang napuruhan ang katawan.
May sinabi saakin ang namayapa kong nanay nanayan o ang tita ko na kaya kong makita ang naganap sa isang tao o ang nakaraan nito pag nahawakan ko ang kamay nito.
Nag lagay ako ng tubig sa dalawang baso at iniabot iyon ng lumapit sila saakin. Agad nilang nilagok at naubos. Kinuha ko muli ang baso at pinasadyang hawakan ang kamay nila.
Agad kong nakita ang nangyari kay Aidan..
RAON'S POV.
"Raon, anak, parang awa muna alamin mo ang totoo. " patuloy na pagmamaka-awa ni inang reyna habang nakaluhod.
"Honey, ano ba? Tama na. Raon umalis ka na, bumalik ka na sa Academy.
--
Halos yan ang laging ginagawa ni Mommy, ang mag maka awa.
Ano ba ang meron ka, Noah? Bakit kailangan magkagulo ang pamilya ko ng dahil sayo? Ilang araw na ang lumipas pero bakit hindi ka magawang makalimutan ni Mommy?
YOU ARE READING
PATRICIA ACADEMY : The Long Lost Prince [On Going]
FantasyThere are things that we don't know that existing. There are things that we don't believe that is possible. But there are things that exists but we didn't see. I'm lucky to discover something that I will be part of. And all impossible things we...