Chapter 8:Curious

32 5 3
                                    

Azra's point of view

Totoo ba na nahalikan ko si Jungkook?o panaginip lang ba  yon?hayyy sana totoo nalang 'yon...pero teka bakit parang may malamig na bagay sa noo ko?pag mulat ko ng mata nagulat ako nang makita si Vivien na nasa harap ko. mukhang nagulat ata siya nung pagmulat ko ng mata.at parang may tinatago pa siya sa likod niya.

"good m-morning Azra?hehe"bati niya sa'kin.

"anong ginagawa mo dito?"

"wow ha ang ganda nang bati mo sa'kin"pilya niyang sagot.

"tsk ano nga kasi?"pilit ko pa.

"ah wala chineck lang kita kung gising ka na"

"ahh ok anong oras na ba?"tanong ko.

"6:30"natigilan naman ako.

"6:30?!ang aga aga panaman pala eh bat ang aga mo nagising?"

"chill ka lang,eh sa gusto ko magising nang maaaga eh?"

"oh sige..pero teka nga anoba 'yang nasa likod mo?

"ha? may tagos?pero wala naman ako ngayon."sagot niya.

"hinde may tinatago ka ba sa may likod mo?ano yang nasa kamay mo?"pilit ko pa ring tanong.

"ha? ah eh wala,bye Az!"natataranta niyang sabi bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko.

"hayst.tutal hindi na naman ako makakatulog muli,maliligo nalang ako para,atleast maaga ako makapag prepare."sabi ko sa sarili.

Nang akmang mag totooth brush ako bigla nalang akong napasigaw ng malakas.narinig ko naman ang halakhak ni Vivien sa sala.

Lumabas ako ng kwarto habang hawak ko parin ang toothbrush ko sa kaliwang kamay ko.alam kong magulo ang buhok ko at hindi pa maayos ang kahit na ano sa'kin alam kong naka pajama ako ng hello kitty,at nakamedyas ng aso.AT BUKOD SA LAHAT.may drawing ang mukha ko.lagyan ba naman ako ni Vivien ng unibrow,freckles,at balbas gamit ang hamak na permanent marker.tumakbo ako palabas habang sumisigaw,pero rinig na rinig ko pa rin ag halakhak ni Vi.

"VIVIEN!!!!!!!!ANONG GINAWA MO SA'KIN!!!!"sigaw ko. wala na akong pakealam kung mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa.teka ano kayang itsura ko 'non?

"Teka..Azra?ikaw bayan?"tanong ni..

"Jair???!!!"O.MAY.GADDDD!!! sana bigla nalang bumukas ang lupa at kainin ako ng buo.yuhoo!lupa what are you waiting for?

"ahh..eh,a-ako nga,hehe"nahihiya kong sagot,shit! wahhhh,huhu,MAMA!!!

Bigla naman siyang namula,lumobo ang pisngi niya at,bigla nalang humalakhak ng ubod ng lakas,huhu..bakit ba ang lakas ng topak ng mga tao?

"hahahaha.para kang si Yolanda!wahahahah"tawa parin siya ng tawa.

"You know who that is?"hindi ko na siya sinagot at tumakbo nalang ako ng parang bata sa kwarto at nag ayos.narinig ko pa rin ang halakhak nung dalawa.

Tse!magsama kayong dalawa pag untugin ko kayo eh!

.
"Azra!!!"habang papalakad kami ni Jair papuntang table namin narinig ko ang sigaw ni Vi at La.

Pero buti nalang talaga at,sumigaw sila dahil para kaming artista.

Pano ba naman kasi..hindi naman ganon kaaraw naka shades pa ung mayabang kong katabi.naka leather jacket at cool na cool pang maglakad.at ako?hmp,nakasuot ako ng green turtle neck with denim jacket black pants,and white converse.diba?friday ngayon kaya casual day namin.in short no uniform.

Eh sa gwapo naman talaga ung kasama ko ngayon?talagang pagtitinginan siya ng mga studyante.

"Oh diba na starstruck silang lahat sa'kin."sabi niya sabay kindat pa.eww

AGENT AnalystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon