Yela pov
Nagtext sakin si Drake na sumabay nalang ako kay Erica dahil di na sya makaka attend ng klase kac importante daw yung pinapagawa sa kanya. Ok nalamang ang naisagot ko sa kanya. Teka ang tagal naman ng babaeng yun mag start na ang klase wala parin baka malate ako neto ehhh.... Dahil baka malate ako pumasok na ako sa next subject ko. Hanggang sa matapos na ang subject ko ay di parin lumilitaw si Erica... Pagkatayo ko nakatanggap ako ng text mula sa kanya at sinabi na di na daw sya makakasabay paguwi samin ni Drake dahil may bonding daw sya kasama ang pamilya nya... Patay wala akong kasabay, Itetext ko sana si Drake pala ipaalam na di makakadating si Erica. Pero naisip ko baka busy na yun kac importante daw ang pinagagawa sa kanya...
"Hsssttt..." nasabi ko nalamang pagkatapos bumuntong hininga...
"Problem?" tanong mula sa likod ko na nakapag pagulat sakin...
"Ay... !!Anak ng tokwang kalabaw!.." sambit ko na napahawak pa sa dibdib ko. Na pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko kasabay non ang kirot na nararamdaman ko... Ito na naman to akala ko nawala na ito...
"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong nito...
"Ano ka ba naman Aiz mamamatay ako sayo ng maaga ehh!!" pasigaw kong sabi..
" Edi Wow.... arte nito kala mo naman ehh may sakit sa puso... tsk.." sambit nito...
"Kung alam mo lang na gunggong ka...."Pabulong kong sabi..
"May sinasabi ka?" tanong nito sakin..
" Wala!!! teka nga bat ba para kang kabute na sulpot ng sulpot?" inis na tanong ko..
" Baliw! para kang baliw na nakatanga dyan sa harap ng pinto ng class room. Hindi ka ba papasok kac kanina pa nakapasok yung lec natin..." sabay pasok nito sa room ng walang pakundangan kaya sumunod na din ako...
Sa buong klase ay lutang ako at namalayan ko nalang na labasan na... Tsk... masyado kung pinoproblema ang paguwi pede namang mag taxi... Pumunta muna ako sa locker para ilagay ang ilang gamit ko pag kasara ko ng locker ko ay biglang kumulog at kumidlat. Nagulat na naman ako at napaupo sa sahig hawak hawak ang dibdib ko. Ito na naman yung pakiramdam na ayaw kong maramdaman. Tumayo ako at naglakas loob na naglalakad sa hallway napapapikit nalang ako kapag kumikidlat... Tsk naalala ko wala nga pala akong payong, bumubuhos ngayon ang napakalakas na ulan na kala mo ay wala ng bukas. Na babasa ako dito kahit na may silong, nilalamig na din ako dahil sa lakas ng simoy ng hangin. Makalipas lang ang limang minuto mas lumakas ang ulang at ihip ng hangin, nanginginig na rin ang aking katawan sa lamig pati narin ang aking labi. Kahit na malayo ang gate ay pinilit kong tumakbo dahil kung hindi ako aalis doon ay baka manigas na ako doon... napaluhod ako sa gitna ng ulan at napakapit maigi sa aking dibdib di ako makahinga nang ayos. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit, pinilit kong tumayo ngunit nanlalambot ang mga tuhod ko kaya muli lamang akong bumabagsak... Hanggang may maaninag ako na pigura at lakas loob akong tumayo at lumapit doon...
"Ariela? tsk Idiot! bat ka nagpakabasa tanga mo talaga —" di ko na sya pinatapos kasi yumakap ako sakanya at nakita ko na nagulat sya...
" Stay away from me you're wet!!!" inis na sambit nya. Nanginginig ako na tumingin sa kanya kasabay ng pagluhod ko at paghawak sa dibdib ko na hindi katulad kanina ang sakit parang dumoble pa ito...
"Shit!!! Ariela what happened to you... fuck!!! hold on!" pagkasabi nya noon ay binuhat na nya ako, parehas na kaming basa pero mas basang basa ako. Napakapit ako kay Aizen ng sobrang higpit dahil pakiramdam ko ay di ko na maabot ng todo ang paghinga ko, Dahil nahihirapan na ko sa pagsinghap ng hangin ay unti unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko at ramdam ko din ang pagkakakalas ko sa kapit ko kay Aizen. Pero bago pa yun ito ang nasabi kong salita....
YOU ARE READING
I CANT REMEMBER YOU, BUT I LOVE YOU (I. C.R.Y. B.I.L.Y.) Undelivered Truth
Random"Ang hirap malayo sa taong mahal na mahal mo no? Lalo pa kung sya ang laging nagpapasaya at nagpabago sa buhay mo." Isa lamang akong simpleng babae na nangangarap na makaranas ng isang magandang pamumuhay, tulad ng makalabas ng bahay tulad ng iba...