CHAPTER FOUR YAKAP

10 5 4
                                    


( I.C.R.Y.B.I.L Y.)

Chapter four

AIZEN POV

Bwesit na babae yun inistorbo ang tulog ko di na tuloy ulit ako makatulog. Napagdisisyonan ko ng bumaba kaya naglakad narin ako pababa. Tsk ang bagal pala ng babaeng to parang pagong naabutan ko pa. Napahilamos ako ng mukha ng makita ko ang pamilyar na mukha pero umalis din sya hindi ako nagkakamali sya yun. Naabutan ko pa itong babae na ito na  nakatulala tinignan ko sya. Alam ko na ang mga the moves ng babae kaya nilagpasan ko na sya at taka naman ako na sumabay sya sakin. "Langya" sabi na ehh at inintay ako nagpapacute lang to eh humarap ako sa kanya at sinabing.....

"Hoy!  pwede ba tantanan muna ako!!!"

tanga talaga ng babaeng to bobo, sya naman ang kausap ko tumingin pa sa likod "TAKTE" naman oo.

"Ako ba??? " sabay turo sa sarili nya.

"Sino pa ba ???" bwesit na pagmumukhang tanong ko.

"Bakit masama bang sumabay,may batas ba na nagsasabing bawal sumabay sau...."

Aba hinahamon ako ng babaeng to ah.... kukutusan ko na sana sya ng tawagin kami ni Mr.Teng PE lec namin.

"Oy... kayong dalawa late na kau sa klase ko ahhhh, may time pa kau para magaway ibang klase."

"Sorry po sir..."  sabi nitong babaeng to

"Ikaw naman Salvador pati babae pinapatulan mo!!!"

"Anong gusto mo sir pumatol ako sa bakla?"

"Luko ka talaga Salvador ha!...Sa bagay mayabang ka at late na kayo. Sige kayong dalawa ikutin nyo ang buong field ng limang beses sa loob ng 15 minutes..."

"Are you kidding sir sa laki ng field malilibot namin yan after 15 minutes?"

"OH!! ano Salvador asan ang yabang mo?.Pag nagawa nyo yon kahit di na kau pumasok sa klase ko kac pasa na kayo."

"Sige sir papayag kami kung kayo ang unang gagawa...!" napakunot ang noo ni Mr. Teng. "Sa tingin mo ba mauuto mo kami ehh kahit halos patakbo na ko lagi papunta sa dulo ng field ehh 5 minutes na ang nagugugol ko."

Tumawa sya ng nakakaluko at tiyak na tumingin sakin.
"Nagiisip ka pala Salvador ,okay sige takbuhin nyo na lang ng tatlong beses ang buong field. Sabay kaung umalis kaya sabay din kaung babalik."
Ngumisi siya at saka tumingin sa kasama ko.
"Pag natapos ang time ko at  di pa kau nakabalik parehas kaung zero sa long quiz bukas. Goodluck Mr. Salvador" binigyan nya ako ng nakakalokong tingin.

Napalingon ako dito sa babae mukang kinakabahan sya tiningnan ko muna ang relo ko at may 35 minutes kami kaya napangiti nalang ako at tumingin sa kanya.

'Oi.... may 35 minutes pa tayo kaya simulan na na natin."

"Ahhh .... Oo"

"Sabay na taung tumakbo jogging muna sa una bago tayo magumpisang tumakbo." Nag nod lang sya kaya nagsimula na kami halos 15 minutes na ang nakalalipas patapos palang kami sa first lap kac patigil tigil kami kac pagod na daw sya ang arte arte hingal kabayo kaagad....

"Hoy! ipaaalala ko sa yo 35 minutes lang meron tau naka 15 minutes na tayo pero patapos palang tayo sa first lap... kaya wag kanang maginarte tara na..." hindi ko na narinig ang sinabi nya kac tumakbo nako.Nakatapos nako sa sencond lap pero nasa kalahati palang sya sa second lap pero inantay ko sya ng konti at nakita ko napawis na pawis na sya at hingal kabayo parin. Natawa ako sa itsura nya. Nung malapit na sya saakin tumakbo na ulit ako kac 15 minutes nalang ,parang mas lalo pa ata tumirik ang araw dahil nakaramdam na ako ng sobrang init sa balat at sobra na ang pagtagaktak ng pawis ko. Medyo malapit na ako at matatapos na sa pagtakbo pero inintay ko ulit sya kac dapat sabay kami hanggang dulo. Lumingon ako sa kanya halos nalagpasan nya na ang kalahati ng field pero 5 minutes na lang tapos tumigil pa sya kaya sumigaw ako.....

"hoy!!! bilisan mo 5 minutes nalang..." habang tinuturo ang relo ko. nagulat ako kac bigla nalang syang napaluhod kaya napatakbo ako ulit papunta sa kanya narinig ko pang tumawa ng malakas si Mr. Teng pero di ko na inintindi yun. Mabilis akong nakarating kung nasaaan si Ariela at nanghihina at namumutla na talaga sya at pinipilit nya na makahinga ng malalim pero kinakapos halos basang basa na sya ng pawis kaya di na ko nagdalawang isip na ibaba sya sa likod ko at tumakbo.

"Oi...Ariela ayus kalang ba? Kaya mo pa ba? Oi magsalita ka..."

Bigla nalang nakalas ang kamay nya na nakayakap sa leeg ko kaya mas lalo ko pang binilisan. Natapos namin hanggang dulo at nakangising sinalubong ako ni Mr. Teng...

"Good job! napahanga mo ako Salvador ! pero muntik na 13 sec. nalang pero nakaya mo Bravo! ,O anong nangyari dyan! " maang maangan nitong tanong...

Nilagpasan ko na sya at dinala si Ariela sa clinic mamaya nalang kita babalikan Mr. Teng. Nasa clinic na kami at kasalukuyang nilalapatan ng paunang lunas si Ariela sinabi sakin ng nurse kung bakit biglang nawalan ng malay si Ariela. Grabe tong babaeng to di sinabi na may hika pala...pero may iba akong naramdaman ng napayakap sya saakin kanina parang ang tagal ko ng gusto ulit maramdaman ang mayakap kakaiba parang pamilyar yung yakap na matagal ko naring kinalimutan.....Bigla nalang may pumasok na babae at tinawag ang kasama nitong lalaki na ikinagulat ko.

Drake...!? takang tanong ko sa aking isip...


viemin-min0369

I CANT REMEMBER YOU, BUT I LOVE YOU (I. C.R.Y. B.I.L.Y.)       Undelivered TruthWhere stories live. Discover now