Chapter 9 I cant hold it

10 3 5
                                    



Aiz pov





Papunta ako ngayon sa tambayan ko pero napansin ko at naramdaman ko na may kakaiba. Pumasok ako sa bahagi ng University na ako lang ang nakakaalam na may secret place kami dito. Bumungad sakin ang isang artificial na puno pero mapagkakamalan mo itong tunay na puno ,pero isa itong scanner na biglang lulubog at lilitaw ang hagdan pababa mismo sa lupa  kapag kilala ka ng scanner o diba hightec. Pagkababa ko naramdaman ko ang presensya nya na nasa likod ko kumilos agad ako ng mabilis upang makalayo sa kanya.....





"Akala ko inalis  muna yung mga mukha namin sa scanner di pa pala..."



"What are you doing here?" habang kumukuha ng beer sa ref.



"We're staying." walang ganang sagot nito..


napahalakhak ako at ngumiti sakanya ng mapait. "After nyo kung iwan ganon nalang Huh!!!" galit kong sabi.



"Owww.... nabrainwash kana ba ng tito mo? Zen"



"Damn it!!! Never akong nakinig sa hayop na yun for Pete's sake.. At wag mo ngang ibahin ang usapan dahil di ko na kayo kilala simula ng iwan nyo ako..."



"Who told you that we leave you huh!!!" galit naring sigaw nya..


Napaisip ako at hinarap sya... "Nagising ako wala na kayo." Bigla nalang nawala ang emosyon sa mukha ko ramdam na ramdam ko.


"Kasi nga we are investigating the accident!!! At yang walangya mong tito pinag eksperementuhan ka  ata at yun Boomm... nung bumalik kami ibang iba kana malungkutin, dina palaimik pag tinatanong ka namin di ka nasagot. Pagtinatanong namin si Ariela sayo nagiiba ka para kanang demonyo. Minsan nga tinataboy mo kami ,at nung sinama ka namin ng pilitan para ipakunsulta kong anong nangyayari sayo sabi mo di ka baliw. Akala mo siguro dadalhin ka namin sa mental nagwawala kana nung time na yun sa sasakyan at kinuha mo pa ang baril dun sa may ilalim ng upuan at aksidente mo itong naiputok at tumama sa pinakamalapit mong kaibigan na nagmamaneho. Pagkatapos nun naaksidente tayong lahat nakick out kami kahit na malaki rin ang share namin sa school akala mo iniwan ka namin nagkakamali ka. Kasi di mo inalam ang totoo." mahabang litanya nya na nakaupo na at lumalagok ng beer.





"Sorry..."yan nalang ang nabigkas ko alam ko na yung mga sinabi nya pero di ko parin tinatanggap na ako ang dahilan ng pagkakahiwahiwalay namin. Pinagpipilitan ko na iniwan nila ako dahil di nila maintindihan ang pinagdadaanan ko. Hanggang ngayon niloloko ko parin ang sarili ko....





"Nagiba kana talaga." sabi nya habang nakatingin sakin


"Huh??? "takang tanong ko.




"Nasaan si Zen? "





"Hindi kita maintindihan... "taka paring sagot ko...





"Papatayin ko talaga yang walanghiya mong tito... Ikinukubli nya ang pagkatao mo. Alalahanin mo Zen!!!"


Tila sumasakit ang ulo ko sa sinasabi nya kaya dali dali kong kinuha ang mga bagong supplies ng gamot ko na matagal ko ng di iniinom. Aabutin ko na sana ang gamot ng bigla nyang kinuha ito at nilayo sakin. Natumba ako sa sobrang sakit at may kinuha sya sa bulsa nya at pilit na pinalunok yun saakin kasunod nun ay ang paghupa ng sakit na ngayon ko lang ulit naramdaman.




"Thank you. What did you do??" mahina kung sabi



"Lessen the pain?"  patanong nitong sagot. "Alam mo bang mali ang iniinom mong gamot." nakakunot  noo na sabi nito.




I CANT REMEMBER YOU, BUT I LOVE YOU (I. C.R.Y. B.I.L.Y.)       Undelivered TruthWhere stories live. Discover now