Chapter 16
"The Plan"
Drake Pov
Umalis ako sa osapital at nakipagkita kay tito sa kanyang office para pagusapan ang tungkol sa konisyon ni Ariela.
"Dad what is your idea? We need it as soon as possible."mahinahon kong sabi
"Kagagaling ko lang sa mga kaibigan ko at kaibigan ng daddy mo na mga specialist sa puso at gusto kong irekomenda ang kapatid mo. Doon sya mag stay sa lugar na pinasadyang gawin para sa operasyon ng kapatid mo." pagpapaliwanag nito saakin at napatango naman ako ng dahil doon.
"Kung ganon ay kailan natin sya ililipat? Dapat ay kasama ako at para maging ligtas siya." suhestiyon ko naman.
"Hindi ka maaring sumama sapagkat maaring magkaroon ng komplekadong sitwasyon dahil maaring macontaminate ang pasyente alam ko yan dahil tulad ng daddy mo ay isa rin akong doctor."medyo may diing sabi nito.
"Kung ganon ay sabihin nyo saakin ang lugar at kahit papaano ay makadalaw man lamang ako." yun nalamang ang nasabi ko.
"Hindi parin maaari sapagkat hindi sila tumatanggap ng bisita para walang makaistorbo sa paghahandang gagawin para sa kapatid mo. At hindi karin maaaring maistorbo sapagkat aasikasuhin mo ang negosyo ko at naiwang negosyo ng mga magulang mo ako na ang bahala sa kapatid mo." mahabang paliwanag niya kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at tumango nalamang bilang tanda na tapos na ang aming usapan.
"Mauna na po ako babalik pa ko sa ospital para sa kapatid ko lulubsin ko muna na makasama siya at tito kung maaari ay ingatan nyo ang kapatid ko sapagkat sya na lamang ang meron ako." seryosong pagkakasabi ko at umalis na nga ako sa opisina niya.
Vhin Pov
Ano naman kayang kailangan ni dad sa mga taong to. Papunta ako sa ospital nina Titan para bisitahin si Ariela. Nagtataka nga ako kay Aizen kanina dahil parang ibang Aizen ang kaharap ko. Parang walang nangyari kagabi. Kinuha ko ang cellphone ko dahil may tumatawag dito pagtingin ko si Cyle.
"What do you want? wag mong sabihing bumalik ako dyan dahil sasabay kayo papuntang ospital." sabi ko ng pabiro.
"Magusap tayo sa sementeryo mamaya pagkagaling mo ng ospital." pagkasabi nya noon ay binaba nya na ang tawag napatingin nalang ako sa cellphone ko. "Alam na kaya niya? Pero pano nya nalaman bahala na." bulong ko sa sarili ko at ganon nalang talaga ang epekto ng may owtoridad nyang boses kaya di ko napansin ang redlight kaya nabunggo ko ang nasa unahan kong kotse pero di naman malakas. Bumaba ako para tingnan at bumaba din yung nasa loob nung kabilang sasakyan.
"Marunong kabang magmaneho!?"bulyaw sakin nung babae kaya napatingin ako sa kanya ng di oras.
"Ariela!?" laking gulat ko ng makita ko ang kabuuan nya.
"Yes,and wait bakit alam mo ang pangalan ko huh!? stalker ka no!" napahawak pa sya sa bibig nya kaya napatawa ako.
"Hahahahaha, Ang alam ko nasa ospital ka doon nga ako dederetsyo ehhh nakalabas kana pala." natatawang sabi ko padin.
"Huh??? nagkakamali ka ata ng kakilala mo. Hindi ko nga alam pangalan mo ehh. Bahala ka na nga dyan gasgas lang naman yan kaya ok na at saka pogi ka naman kaya di na ko magrereklamo pero hindi worth it ang time ko para makipagusap sayo." mahabang pagkakasabi nito at tuluyan na ngang umalis napatingin nalang ako sa papalayong sasakyan nito at naiwang nakanganga dito bumalik lang ako sa ulirat ng nagsibusina na yung mga sasakyan kaya pumasok na ako at nagderetsyo nalang sa sementeryo. "Grabe si Ariela ba talaga yun?" napapakamot na tanong ko sa sarili ko.
Cyle Pov
Papunta akong sementeryo ngayon para kausapin si Vhin dahil alam kong nagtataka siya sa mga inasal ni Aizen kanina ipagtatapat ko na sa kanya ang plano at katotohanan. Alam ko namang mapagkakatiwalaan sya dahil matagal na din kaming magkakasama. Makalipas ang 30 minutos ay laking gulat ko ng mas nauna pa sya saakin. Bilis naman ng mokong na to bumisita sa ospital. Siguro pinaalis to ni Drake hssstt... gunggong talaga yung si Drake concerned lang naman kami sa pinsan nya ehh. Bumaba ako ng sasakyan at nagtungo sa ilalim ng puno sa puntod ni Alvin kapatid ni Drake siguro nagiging protective lamang iyon sapagkat ang alam nya ehh si Aizen ang dahilan ng pagkamatay nito.
YOU ARE READING
I CANT REMEMBER YOU, BUT I LOVE YOU (I. C.R.Y. B.I.L.Y.) Undelivered Truth
Acak"Ang hirap malayo sa taong mahal na mahal mo no? Lalo pa kung sya ang laging nagpapasaya at nagpabago sa buhay mo." Isa lamang akong simpleng babae na nangangarap na makaranas ng isang magandang pamumuhay, tulad ng makalabas ng bahay tulad ng iba...