chapter 7

539 21 3
                                    

Tour o Date?
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Maaga akong gumising para maghanda sa 'tour' namin ni kuya James. Nakasoot ako ngayon ng malaking black t-shirt at maong shorts na tinernuhan ko ng black old skool vans ko.

Habang tinatapos ko ang buhok ko, may narinig akong kumatok. "Sino yan?"

"Empress? Ready ka na?" Si kuya James pala.

"Oo. Lalabas na." Nakabraid ang buhok ko ngayon. Lumabas ako at bumungad sakin si kuya James na nakasoot ng yellow shirt at black pants. Parehas pa kaming naka-old skool vans. Para kaming nakacouple shoes. Yuck

"Tara na?" Tumango ako. Sabay kaming lumabas ng HQ.

"May date ka, Ms. Empress?" Tanong ni Garp na ikinapula ng mukha ko. Nice question.

"Nako Garp. Ililibot lang ako--"

"Yes. May date kami." Inakbayan ako ni kuya James at lumabas na kami. Agad akong humiwalay sa kanya.

"Kahapon lang tayo nagkakilala date agad?! Baka isipin nilang malandi ako dahil sa sinabi mo!" Pinalo ko ang braso niya.

"HAHAHA! Biro lang naman yon. Hindi naman mabilis maniwala si Garp eh." Tinuro niya yung puting pegasus. "Dyan tayo sasakay."

"Woah! Akala ko hindi totoo ang mga pegasus. Ngayon makakasakay na ako sa isa sa mga to!" I'm not dreaming right?

Sumakay na ako sa likod nito. "Saan ka pala sasakay?" Nagulat ako nang sumakay siya sa likod ko. Para tuloy kaming magkayakap!

"Stop blushing. Hindi bagay sayo." He laughed. This guy has guts. Kagaya ni Clark.

"AHHH!" Napapikit ako dahil sa taas ng lipad namin ngayon. Para akong nasa eroplano. Omygod.

"Don't close your eyes. Hindi mo makikita ang view." Sabi niya kaya minulat ko ang aking mga mata.

"Wow. Did Dad and Shadow really made this?" This is so beautiful. Ang daming bundok at mga kagubatan. Kitang kita din dito ang mga bukid.

"That place is where we are going." He pointed a cylinder shaped building on the top of the hill.

Lumapag kami sa tapat nito. Sa itaas, mukha itong maliit at simple pero sa malapitan, sobrang lawak at maganda ang disenyo. Ang mga pader nito ay may mga nakaukit na mga larawan ng mga sinaunang mandirigmang Iffers.

"This is the Iffers Ancient Arena. Yung mga nakaukit sa pader nito ay ang mga dating mandirigma na lumaban kay Hellcat." He said.

"So, it means na nakapasok na si Hellcat dito noon? How is that possible?" I asked while looking at the walls.

"Dati, dito din nakatira ang kampon ni Hellcat dahil Iffers din sila. Pero noong nalaman ni Hellcat na nasa anak ni Mr. Northone, which is you, they started a war pero nanalo parin ang Dad mo at si Mr. Shadow. After that war, your Dad kicked out Hellcat at tinawag niya ang kampon ni Hellcat na Dark Iffers at tayo naman ay Light Iffers." Naglakad siya papasok ng arena kaya sumunod ako sa kanya. "Look at that." He pointed at the two large statues at the middle of the arena.

"Is that my father and Shadow?"

"Yes. Diyan mismo nila natalo si Hellcat noon."

I looked at the whole arena. May mga bleachers sa paligid ng arena. Meron ding balcony na para lang sa mga VIP. Ang lugar kung saan mismo naglalaban ay gawa sa semento. Pero sa tingin ko, hindi iyon basta basta semento lang. Hindi naman sila gagawa ng ordinaryong bagay diba?

"The whole arena is covered with Iffer's magic. Meron din kasing mga witch and wizards na Iffer." Tinuro niya ang bandang ibaba ng statue. "Kapag may laban dito, may dalawang witch diyan sa loob niyan. Sila ang gumagawa ng magic sa buong laban." Itinuro naman niya ang balcony. "Diyan naman nakapwesto ang wizard na nagbabantay sa laban."

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon