Chapter 20

262 12 5
                                    

How?
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

I can hear their voices. They are calling my name. But I can't open my eyes. I can't move my body. What happened to me?

I can feel two people are lifting me up. Nilagay nila ako sa isang bagay na sa tingin ko ay stretcher at tsaka ako muling binuhat. Oh, it's the ambulance. May naramdaman pa akong isang tao na sumakay at tsaka nagsara ang pinto ng sasakyan.

"Kapit lang Elizabeth." It's Clark. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "Lapitin ka talaga ng aksidente. Pasaway na babae. Tss."

Ang kapal naman ng mukha nito. Naaksidente na nga ako, sinabihan pa akong pasaway. Gusto ko man siyang batukan ngunit ayaw makisama ng katawan ko. Para akong sementong pinatigas.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo. "AAAHHH!!" Napasigaw ako. Pero hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko at wala pa rin akong makita.

"Shit. Wala na bang ibibilis tong sasakyan nyo?!" Galit na sigaw ni Clark.

"A-ah sir kase may aksidente sa harap natin--"

"SHUT UP! FIND ANOTHER WAY! SHE'S BLEEDING FOR FUCKIN' SAKE!" Sigaw niya dun sa driver. Kawawa naman si manong.

May naramdaman akong isa pang tao na bigla na lang sumulpot sa loob ng ambulansya. Napasigaw naman ang mga tao sa loob maliban kay Clark. Hindi ko makilala kung sino iyon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Do it. Ako na ang bahala sa kanila." Madami pa siyang sinabi pero hindi ko na talaga maintindihan dahil pinipiga na sa sakit ang ulo ko.

***

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at gumana naman. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Maxen na tulalang nakaupo. Napansin ko rin na madaming nakakabit na aparato sa katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina dahil parang tumigil sa paggana ang utak ko.

Bumangon ako sa higaan ko pero hindi iyon napansin si Maxen. Hindi ko rin naramdaman ang paggalaw ng mga anek-anek sa katawan ko. Nagulat na lang ako nang makita ko ang katawan ko sa likod ko. May benda ang ulo ko at puro galos ang mukha ko hanggang sa mga braso ko. Teka, bakit ko nakikita to?

"Maxen!" I called him but he didn't heard me. "Maxen!" I repeat but there's no change in his reaction. He is still in deep thoughts. Mukhang pagod na pagod din ang isang to.

Tumayo ako sa kama ko pero ang katawan ko ay nakahiga parin sa kama. Puro sugat at mahimbing na natutulog. What the-- humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko?! Is that even possible?! Well it is. And it's happening to me. Wow. Just wow.

I don't know what to feel about my situation right now. The fact that I can't talk to anyone. Should I be scared because of that? Or should I be happy 'cause I can investigate what happened to me and my err-brother?

Speaking of brother, maybe I should check him. Kaso hindi ko alam kung saan. Hindi rin naman ako makakapagtanong dahil wala ngang nakakakita sakin. How the hell did this happen to me? Akala ko ay sa TV ko lang makikita ang ganito pero heto ako ngayon, kaluluwa na pagala-gala.

Tinignan kong muli ang katawan ko. Putspa. Nakakaawa ang itsura ko. Iisipin mong hindi na ako makakatagal dahil sa mga sugat at bali na nangyari sakin. I wonder if I will recover fast just like the previous ones. Marami-raming peklat din yon.

Someone knocked at the door. I was about to open it but my hand didn't touch the door knob. Tumagos lang ito. Buti at binuksan naman agad ito ni Maxen. Then, I saw Draven. He looks shocked but he removed it right away at pumasok sa kwarto ko. Did he just saw me?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon