chapter 18

393 19 3
                                    

Confession
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Empress' POV

"Ah shit! Dahan-dahan naman!" Tinabig niya ang kamay ko kaya nahulog ang ice bag na hawak ko.

Tinignan ko siya ng masama. "What the heck is wrong with you? Nagmamalasakit na nga ako na gamutin yang mga sugat mo tapos ganyan ka! Bakit ka ba kasi sumali don ha? Nababaliw ka na ba? May--"

"YES! I'M CRAZY! YOU'RE DRIVING ME CRAZY AS FUCK!" Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko. Did I heard it right? "That's not what I mean. It's just-- damn! I'm fuckin' jealous."

"What?" I pretend that I didn't heard him. I just want to make sure that he actually said that. He's jealous huh?

"Nothing. Continue what you are doing." Sinunod ko naman siya. This time, I'll clean his wounds. "Wala bang ointment or something?"

"Bakit? Takot ka sa alcohol?" I teased.

"N-no. Why would I?" Umiwas siya ng tingin. "Pakshit!" Sigaw niya nang dinampi ko ang bulak na may alcohol.

"Para kang bata. Umayos ka nga kundi didiinan ko to." Pagbabanta ko. Tumahimik naman siya at imbis na dumaing ay hinawakan niya ang kanang kamay ko. Napatalon ako nang ginawa niya iyon pero hinayaan ko na lang. Marupok ako eh.

"O-okay na." Sabi ko pero mukhang malalim ang iniisip niya at hindi niya ako binitawan. "Clark sabi ko tapos na--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya at hinalikan. Our second kiss. This feels different from the first one. Ramdam ko ang sinseridad sa halik niya kumpara sa nauna.

Unti-unti niyang ginalaw ang labi niya kaya sinundan ko ito. Nabitawan ko ang bulak at pinulupot ang aking mga braso sa batok niya habang ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko. The kiss gets deeper and deeper so I decided to stop. I can see in his eyes that he is confused about my action. We awkwardly removed our arms from each other.

"I'm sorry." Sabay naming sabi kaya lalong naging awkward.

"Elizabeth." Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang tawagin niya ako sa second name ko. "I like you. Wait no. I think I love you."

Yun lang pala yung sasabihin niya. Pinakaba pa ako-- ANO DAW?!

"Now you're shocked." He just invaded my thoughts. Damn this guy. "Don't curse me. Hindi ko naman kasalanan na nakabukas yang isip mo."

"Tss. Fine. Pero anong sabi mo? You.. You like me?" Tanong ko.

"No. I love you." Sabi niya. "Simula nung first day namin sa McAdam, nung nakita kita, naramdaman ko na iba ka sa lahat. Naramdaman ko na may kakaiba sayo na hindi ko kailan man makikita sa iba. Natakot lang talaga ako nung maabutan ka namin na pinaglalaruan si Hermes. Natakot ako kasi hindi pa kita ganun kakilala. Akala ko papatayin mo talaga siya at isusunod mo kaming tatlo. Akala ko wala kang kahinaan. Pero mali ako. Ang mga taong mahal mo at malalapit sayo ang kahinaan mo. Naramdaman ko yun nung unang pasok namin sa bahay ninyo. Hindi ka makatanggi sa desisyon ng mga magulang mo kahit ayaw mo naman talaga."

"Sadista. Yan ang tingin ko sayo dahil sa pananakit mo saming tatlo. Ang hilig mo manapak. Pero may good side ka din pala. Ilang beses mo kaming pinasalamatan sa pagliligtas sayo dahil lapitin ka ng gulo. Parang kahit saan ka pumunta at kahit anong gawin ay mo may kabuntot na gulo. At doon ko nalaman sa sarili ko na kailangan kitang protektahan kahit anong mangyari. Kaya kong mamatay, mabuhay ka lang. Ayokong nawawala ka sa paningin ko. Kaya nagagalit ako agad kapag umaalis ka ng walang paalam. Hindi ako mapakali kaya naisipan kong lagyan ka ng tracking device sa cellphone mo. Kaso, langya, lagi mo palang iniiwan ang cellphone mo sa bahay."

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon