chapter 11

504 16 2
                                    

Unwind
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

One week na ang nakalipas simula noong napaginipan ko iyong kay Hellcat. Buong linggo ko ding inisip iyon. She can't be my mother. She's evil and I'm not. Hindi masyado.

Today, we are supposed have training session but there's something wrong at the HQ kaya wala daw muna. Kaya heto ako, nakatulala sa bintana ng kwarto ko.

Kanina pa ako nandito. Three hours? Maybe longer than that. I'm so bored and stressed. Gusto kong gumalaw pero ayaw ng katawan ko. Ghad. Inatake nanaman ako ng katamaran.

"Empress? Kanina ka pa dyan ah?" Lumapit sakin si Mom. Naalala ko nanaman ang panaginip ko.

"Yeah. I'm too lazy to move Mom. Plus, I don't know what to do." I yawned and stretched my arms.

"Maybe you could go to the beach with the boys? I'm pretty busy so I can't go with you." Mom smiled.

Beach? Yeah.

But with the boys? Ghad! No!

"And you expect that I can enjoy with them? Mom, they are sooooo annoying."

"You're going to the beach with them today until tomorrow. That's an order honey." Mom winked at me. I forgot. She entered Philippine Airforce last 12 years ago as a commander.

"Okay. I'll inform them." I stood up lazily and went at the backyard where the boys are.

"Buti lumabas ka. Akala ko magkukulong ka na sa kwarto mo eh." Maxen told me nang makalapit ako sa kanila. They are currently playing Rules of Survival. Bakit kaya sa likod pa ng bahay? Tss.

"Mom said that we are going to the beach until tomorrow. Pack your things." I said.

"Why all of a sudden? Hindi pa ready ang abs ko." Draven tapped his tummy. Arrogant jerk.

"Meron ka ba non? Ribs lang ata ang sayo eh." Napatawa ako sa sinabi ni Maxen.

"Madaming sexy sa beach. Mukhang ako nanaman ang lalapitan nila." Pagmamayabang ni Clark. Buhay pa pala to?

"Wow ah. Nakakahiya naman sakin." Maxen said while doing the 'pogi' sign.

"Lalandi lang pala kayo. Bakit hindi na lang sa bar? Ako na lang ang pupunta sa beach." Umalis na ako sa harap nila at nagpunta sa kwarto para mag-ayos.

***

I looked at the mirror for the last time. I'm wearing my black two piece inside my tattered shorts. I also wear a white sarong para hindi masyadong revealing. Slippers lang ang gagamitin ko since beach naman ang destination ko.

I grabbed my things and went down stairs. Nagulat ako sa mga naghihintay sakin.

Ang tatlong asungot ay nakabihis na. Si Maxen ay nakasuot ng black shirt, si Draven ay nakasky blue polo shirt na bukas ang dalawang butones sa taas, at si Clark ay nakagray tank top na nagpapakita ng braso niya. Lahat sila ay naka khaki shorts at tsinelas.

I hate to say this. But damn. Ang lakas ng dating nila. Kahit anong soot nila, tiyak na titingin at titingin ang mga babae. Lalo na kay Clark na pinagyayabang ang muscles niya sa braso. Damn. Parang ang sarap hawakan ng brasong yan... At pilipitin.

"See this? Dito pa lang talo na kayo." Sabi ni Clark habang nagfeflex ng muscles.

"Wait ka lang hanggang mamaya. Lalampasuhin ko yang braso mo." Draven said.

"Tss. Akala ko sa bar kayo pupunta eh." Napatingin silang tatlo sakin at halos malaglag ang panga nila sa sahig.

"What? Aalis ba o aalis?" Inirapan ko sila. Parang ngayon lang nakakita ng magandang babaeng kagaya ko. XD

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon