chapter 6-part 2

584 21 2
                                    

First Day of Training
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

After lunch, sandali kaming nagpahinga sa cafe at nagkwentuhan. Tahimik lang ako doon habang masama parin ang tingin sakin ni Sheena. Insecure much. Hmp!

"Now, let's try the rythmisti varytitas or the gravity controller. To use this, you have to focus your eyes on a certain thing and increase your energy level to lift it. Sa una iba ang pakiramdam nito, para bang malalaglag ang mga mata mo dahil sa force na ginagawa mo para mabuhat ang isang bagay. The energy levels 1,000 to 10,000 are allowed. Bawal sumobra." Sabi ni Shadow habang may pinipindot sa lumulutang sa keyboard.

Nag-iba ang itsura ng Training Room. Naging forest ito na may mga natumbang puno. "Okay. For this one, you have to lift those trees para makadaan ang mga tao sa kabilang side nito. It might sound easy but you'll see later. Now start!" Tinaas ni Shadow ang kanang kamay niya na para bang mag kinokontrol.

Kagaya ng kanina, ginawa ko ang sinabi niya. I focused my eyes on a tree at itinaas ang energy level from 1,000 to 2,000. Ngunit bigla akong napasubsob paharap. Shadow's right. Parang nalalaglag ang mga mata ko ngayon.

Tumayo ako at sinubukan ulit at naiangat ko naman ito. Nang maubos namin ang mga puno, nakita namin ang mga simulator na tao. Nagulat kami nang maghawak sila ng mga weapons at sumugod papunta samin.

"You have to defeat them using the abilities that we learned today!" Parang batang sigaw ni Shadow mula sa bintana.

"What the hell!" Nagulat ako nang may mga taong sumugod sakin. Ang dami nila!

I used the aspida and increased its energy level to 10,000. Buong lakas kong sinalag ang mga atake nila at dahil sa lakas ng pwersa nito, tumitilapon ang mga taong umaatake sakin.

Ang sunod na umatake ay mga higanteng tao. Kasing laki lang ata kami ng daliri nito sa paa. Iba din mag-isip itong si Shadow.

***

Natagalan kami sa mga higante pero natalo din namin sila. Heto ako ngayon, nakasubsob sa sahig ng Training Room dahil sa pagod. Ganun din silang tatlo. Ang lalaki kaya ng mga iyon! Ang bigat pa nila!

"Everyone umayos kayo. Last part na ito ng training natin for today." Pagkasabi ni Shadow non ay tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Ganun din silang tatlo. May pinindot nanaman si Shadow at sa isang iglap ay nakatayo na kami sa matataas na poste. Ano nanamang trip netong matanda na to?

"You will fight each other using the abilities that we practiced today. Bawal kayong mahulog. Kapag kayo ay nahulog sa mga posteng yan, talo kayo. Ang mananalo ay may karapatang kumain ng madami mamayang hapunan. Now start!" Pagkasabi ni Shadow non ay nagsimula na kaming labanan ang isa't isa.

Ang una kong kalaban ay si Maxen. "Sorry Empress. Kakalimutan ko munang babae ka."

Pinalutang niya ang mga kahoy galing sa baba at pinapunta iyon sakin. Bago pa iyon tumama sakin, pinigilan ko ito gamit ang rythmisti varytitas ko na ang energy level ay 12,000 at ibinalik iyon sa kanya. Natamaan siya kaya nalaglag siya sa poste.

"YABANG MO KASE!" Sigaw ko sa kanya.

Nakita kong maganda ang laban nina Draven at Clark. Para bang hindi sila magkaibigan sa mga kinikilos nila ngayon.

I activated my aspida level 10,000 then I also used rythmisti varytitas with the same level. Inangat ko ang mga poste kung saan sila nakatungtong at binaliktad ito kaya nahulog sila parehas. Ha! Beat that!

"Congratulations Empress! You won!" Sabi ni Shadow habang kusang lumulubog ang posteng kinatatayuan ko. "Pagkatapos ninyong magbihis, proceed to the dining hall." At bigla siyang nawala.

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon