chapter 8

548 23 2
                                    

Burden
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Today is Sunday. It means na may kamag-anak kaming pupunta dito. At ngayon, ang pupunta ay si Lola Mirna. She's from my mother's side. At hindi maganda ang pakikitungo niya samin ni Dad dahil sa mga mata na inimbento niya.

Tuwing nagpupunga dito si Lola Mirna, lagi niya akong sinusungitan. She's rolling her eyes at me kapag nagkakasalubong kami. Sobrang hirap din ng mga utos niya sakin. Dati nga pinag-linis niya ako ng bubong ng bahay namin. Muntik pa nga akong mahulog noon. Pero kahit ganun siya sakin, nirerespeto ko parin siya. Wag lang niya akong pupunuin.

"Good morning my dear daughter." Sabi ni Lola Mirna kay Mom at nakipagbeso sa kanya. "Napagdesisyunan mo na ba ang divorce na sinasabi ko sayo?"

"Mama, I told you. I love my family kahit ano pa sila. So stop forcing me. Please?" Mahinahong sabi ni Mom na ikinakunot ng noo ni Lola Mirna.

"Good morning po Lola Mirna." Kukunin ko sana ang kamay niya para magmano pero agad niya iyong iniwas.

"Don't call me Lola. Hindi kita apo." Naglakad na siya papunta sa kitchen. Ang sakit naman noon.

"I'm sorry anak. Pakisamahan mo na lang ang Lola ah? Alam mo naman, matanda na kaya malakas na ang toyo sa utak." Bahagyang natawa si Mom sa sinabi niya at ako naman ay napangiti. Mom has great sense of humor.

"MELANIE! WHO THE HELL ARE THESE BOYS?!" Nagmadali kami ni Mom sa pagpunta sa kitchen. Mukhang nakita na ni Lola Mirna ang mga asungot

"Mama, they are the guards of Empress." Tumayo silang tatlo at ambang magmamano pero binatukan lang sila ni Lola. Alam ko na kung kanino ko namana ang pagiging sadista.

"Guards are not allowed to eat here! They should eat outside!" Sigaw ni Lola Mirna.

"Excuse me lang po ah? Pero hindi porket guards ko lang sila eh ganyan na ang gagawin ninyo sa kanila. Lola, kung gusto ninyo, doon kayo sa garden kumain tutal mas maganda ang ambiance doon." Hindi ko na napigilang sumagot.

"Aba! Ganyan ka na makipag-usap sakin ngayon?! Hoy bata! Tandaan mo, Lola mo parin ako! Umayos ka nga!" Kanina sabi niya hindi daw niya ako apo. Tapos ngayon sabi niya lola ko siya.

"Ma, huminahon ka nga. Baka mahighblood ka nanaman." Hinawi ni Lola Mirna ang kamay ni Mom at bumaling ulit sakin.

"Ikaw na bata ka! Manang mana ka sa tatay mong walang alam kundi ang mag-imbento ng mga bagay na walang kwenta! Parehas kayong pabigat!" Sinampal niya ako. Naiiyak nanaman ako.

"Ma! Tama na! Anak ko na ang sinasaktan ninyo!" Awat ni Mom. Nakayuko lang ako habang nakakuyom ang mga kamao.

"Melanie, I told you to leave this unrespectful family! You should've married Rafael instead! Kung siyaang napangasawa mo, edi sana mas maganda pa dito ang buhay mo!"

"Ma, anak ko si Empress! Kapag pinagsalitaan mo siya ng masama, parang ako na din ang pinagsalitaan mo dahil galing siya sakin!" Huminga ng malalim si Mom. "Maybe we should eat now. Empress, kayo nalang muna ang kumain sa garden."

***

Tahimik lang ako at hindi ginagalaw ang pagkain sa harap ko. Masakit parin ang pisngi ko dahil sa sampal ni Lola Mirna sakin.

"That old lady is rude. Lola mo talaga siya." Sabi ni Maxen kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Lagi bang ganyan ang Lola mo sayo?" Tanong ni Draven habang pinapapak ang chicken na hawak niya.

"Simula bata, hindi na ako tinanggap ni Lola Mirna. Ganun din siya kay Dad. Lagi siyang galit at pinipilit si Mom na iwan kami. Gusto ni Lola Mirna na si Tito Rafael ang pakasalan ni Mom dahil mayaman ito." I wiped my tears. Buti nalang nakayuko ako para hindi nila makita ang mga luha ko. "Lola Mirna only cares for money. She's willing to sacrifice my mother for money. Pero kahit ganon siya, may respeto parin ako sa kanya. That's what Dad said to me."

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon