Chapter 19

396 11 1
                                    

Kuya?
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Empress' POV

"Huy dahan dahan lang. Baka masamid ka nyan." Saway ni Maxen sakin.

"Pake mo ba? Alam mo namang hindi ako nakakain kagabi ng maayos diba?" Umirap ako at nagpatuloy sa pagkain.

Sino bang kakain ng napaka-alat na adobo at sunog na isda? Akala ko pa naman ay magaling magluto si Clark at Draven pero mali ako. Ang nakapagtataka lang ay nasarapan sila sa mga yun. Siguro ganun ang pagkain sa Dimension namin. Hay ewan!

"Ang sarap kaya ng luto ko." Sabi ni Draven.

"Oy mas masarap yung adobo ko no!" Sabi naman ni Clark.

"Talagang nag-away pa kayo ah? Parehas lang namang masama ang lasa. Langya." Tumayo na ako at baka masapak ko pa sila. Nagyayabangan pa kasi. Akala naman nila mga professional chefs sila. Hay ewan!

***

Nauna na ako sa DU kasi hindi ko kayang panoorin silang tatlo na nag-aaway dahil lang sa pagkain. Wala eh. Mga isip bata sila.

Akala ko sa bahay lang ako masusuka pero dito rin pala. Nakakita lang naman ako ng naglalambingan na couple sa hallway. Yes. Hallway talaga. Hindi naman sa bitter ako. Masakit lang talaga sila sa mata.

Pagtingin ko sa harap ay may nakita akong panira ng araw. Ghadddd! Bakit ba kasi dito ako nilipat eh!

"Hi Em." Casual na bati ni Brix. Nakangiti pa siya. Plastik ba yan?

"Wag ngayon Brix. Wala ako sa mood patulan 'yang kalokohan mong gagawin." Inirapan ko siya. "Tsaka himala ah? 'Di mo kasama yung bitch mo. Teka, ano bang pangalan nun?"

"Ewan ko sayo. Kita na lang tayo mamayang lunch." He winked at me bago lumakad palayo.

The hell is wrong with him? Is he really being nice to me?

Oh well. Maybe he's playing tricks again. Sanay na ako.

"Empress!" Lumingon ako sa taong tumawag sakin.

"Ryder?" Tanong ko. "How's your conversation with her?"

"It went well at first. She's really nice to me. Kaya nagtaka talaga ako nung unang araw na pinalitan ka niya kasi sadista ang kilala kong Empress." He laughed. Ngunit agad nawala ang kanyang ngiti. "Pero nung bandang huli sabi niya na hindi na daw kami magkikita ulit. I asked her why but she already disappeared."

"Owh. That's sad." I replied. Totoo pa lang nag-eexist ang mga taong gaya ni Ryder. Yung tipong maloloka ka sa kulit niya but when it comes to deep talks, he's very serious.

"I didn't even had a chance to know her name. Can you tell me if you heard any news about her?" Tanong niya. I sensed sincerity at his tone. Advantage of being an Iffer.

"I don't know her name too. But I'll try my best." I took out my phone. "Give me your number para matext or matawagan agad kita kapag nahanap ko siya." Gosh. I'm being kind!

"I wonder if you are the real Empress. You became nicer than before. Mas okay yan. Hindi yung lagi kang nananapak."

"Aba't--" Ambang papaluin ko siya pero pinigil niya ako.

"Kakasabi ko lang eh. Ito na oh. Balitaan mo ako agad ha?" He returned my phone and walked away.

"Guess it's time to go to my class." Sabi ko sa sarili ko. I hate class. Argh!!

***

While our professor is discussing, I can feel 4 pairs of eyes staring at me. I'm sure na yung tatlo don ay sa mga asungot pero sino yung isa?

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon