chapter 12

450 19 4
                                    

Story Repeat
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

We're currently at school kase nga may pasok nanaman. Wala parin kaming pansinang apat. Naiinis parin ako sa kanila. Pero bakit galit sakin si Maxen?

Flashback

Someone grabbed Clark away from me. Nakita kong si Draven iyon.

"What the hell dude?!" Sigaw niya at sinapak si Clark. Napasigaw ako dahil sa gulat.

"Maxen stop them!" Hindi niya ako pinansin.

"MAXEN!" Hindi parin siya humaharap sakin.

"Hoy! Ano ba?!" Hinawakan ko siya sa balikat pero agad niya iyong tinabig ng malakas. Dahilan para mapaatras ako.

"You stop them! Ikaw naman ang dahilan niyan!" Sigaw niya sakin. Ibang Maxen ang nasa harap ko ngayon. Nakakatakot siya.

Nakita kong tumigil ang dalawa sa bugbugan nila at dinuro si Maxen.

"DON'T SHOUT AT HER!" Sabay nilang sabi. Scripted! Akala mo hindi nila ako sinigawan ng ganun.

"Stop this shit!" Pumagitna ako sa kanilang tatlo at isa isa silang sinampal.

"Ano ba to ha?! Hindi ko kayo maintindihan! Tangina ninyong mga lalaki kayo! Uuwi na ako!" Iniwan ko sila don. Wala akong pake kung magbugbugan sila diyan.

End of Flashback

Kahapon, buong araw kaming walang pansinan. I tried to explain to them pero hindi parin nila ako pinansin. I was drunk that time! Damn!

"Class dismiss." Prof. Ara said at agad kaming tumayo. Nakita kong palabas na si Maxen kaya sinundan ko siya hanggang makarating kami sa rooftop ng building namin.

"Go away." He said while looking at the blue sky above us.

"Maxen please? I-i'm s-sor-ry" Talagang ngayon pa ako nautal ha. Ayos yung timing.

"Are you a deaf? Sabi ko umalis ka na." Tumalikod siya sakin at naupo sa isang bench. Umupo ako sa tabi niya.

Ilang minuto kaming hindi nag-usap. Hindi ako sanay na ganito si Maxen sakin. Ewan ko ba! Hindi ata ako sanay na galit siya sakin.

"You know.... The story is repeating." Sabi niya pero hindi parin siya humaharap sakin.

"Ha?" Story? Wala naman kami sa libro.

"Hakdog." Malakas na batok ang binigay ko sa kanya. Barahin daw ba ako.

"Nangyari na ito dati. Pero sa ibang babae. Pinag-agawan siya nina Clark at Draven." Ayy we? Sino naman kaya iyon?

"That time, hindi ko alam kung kanino ako kakampi. Parehas nilang ayaw magparaya. Kaya araw araw, iba iba ang kasama ko. Tapos kapag kasama ko ang isa sa kanila sasabihin na wag daw akong lalapit dun sa isa. So I decided to ignore them. Lagi akong mag-isa. Sila may mga bagong kaibigan samantalang ako, ayon, lonely. Laging... Umiiyak" Malungkot niyang sabi.

"Paano naman kayo nagkabati?"

"Mr. Shadow taught us a lesson that we will never forget. Sabi niya na kapag hindi pa daw kami nagbati, pagbubuhatin niya kami ng tatlong libro sa magkabilang kamay habang nakabilad sa araw. Akala namin hindi niya gagawin yun pero pinagawa talaga niya samin. Nung mga limang oras na kaming nasa initan, we said sorry to each other. At dahil ayaw na naming maulit iyon, may piangkasunduan kami."

"Ano naman yon?" Tanong ko. Yun ba yung sinasabi ni Draven na kasunduan?

"Bawal sabihin. Amin lang iyon."

Her Powerful EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon