21 years..
21 years na akong single. NBSB.
Di naman sa shonget ako or what. Sabi naman nila may itsura naman ako. Matalinodaw.
Pero sa pag-ibig? Togoinks. Bopols. Sabogaloids. Waley. Nganga.
Minsan naisipan ko na baka tomboy ako. Kaso hindi rin e. Malandi rin tong puso ko. Daming nagiging crush. May mga nakaka-M.U. pero hanggang dun lang. Kumbaga sa pelikula, pagkatuntong sa scene na M.U. sisigaw na ang direktor ng "Cuuuuuuuut!" Habang naglalabasan yung mga ugat nya sa noo.
Sa edad kong to, feeling ko utang-uta na ako sa mga lalaki pero ni minsan wala pa akong nagiging boyfriend. Ewan ko ba. May pagka idealist kasi ako e. Alam mo yun. Yung gusto ko perpekto sya. Yung tanggap nya kabaliwan ko, yung tanggap nya pamilya ko. Yung tanggap nya na ang puso ko ay bugbog sarado na sa mga lalaking nanakit at nang iwan sa akin. Yung kaya nya akong ipagtanggol. Yung kaya nya akong tignan sa mata. Yung mabait. Marunong sa gawaing bahay. May pangarap. Mabango. Matangkad. Chinito. Yung di naninigarilyo. At higit sa lahat, MAHAL NYA AKO NG BUONG PUSO. Chos.
Pero seriously, may mga nakilala na akong ganito. Kaso, alam mo yun? Bigla akong may makikitang ikakaTurn off ko.. tapos Yung inner voice ko may sasabihing.. "Oy, wag excited di sya para sa'yo."
Tapos shempre ang gagawin ko, iiwas ako.
Puputulin lahat ng komunikasyon:
Dadaan daanan lang sa pathway.
Iccall divert ang phone.
Ibblock sa Facebook, Twitter, Tumblr, Instagram.
Or worse, magpapalit ng sim card.
Pag classmate ko pa nga, lihim ko syang papatungan ng invisibility cloak ni Harry Potter. At ituturing na hangin lang.
Shempre susuko siya. Sino ba namang engot ang ipagpipilitan ang sarili sa isang taong manhid na tulad ko?
Tapos ako, ayun. ngangawa sa isang tabi. kasama tropa. papaulanan ng mura kasi nag-inarte na naman ako.
Ilang araw na tutulala. Parang adik na titingin sa phone at ichecheck ang messages. Mag to-throwback sa mga conversations. Makikinig sa tagos sa pusong kanta ng The Script. Mag ggm ng emo quotes. Magpapakalasing sa cokefloat habang namumulutan ng french fries.
Ang hirap. Mahirap mag move on. Lalo na pag hindi naging kayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/22234222-288-k171159.jpg)
BINABASA MO ANG
The Trahedya of B
AdventureAng B ay sumisimbolo sa mga: Bigo sa pag-ibig Badtrip sa pag-ibig Buraot sa pag-ibig Banas na banas sa pag-ibig Hayaan nyong isaad ko sa inyo kung paano ako nasadlak sa kumunoy ng moving on phase at di na muling nakaahon pa.