Si Coco Martin

2 0 0
                                    

Isa sa mga weird na gawain ng mga medyo may edad na ay yung magpakilala ng mga single na babae at single na lalaki.

Nabiktima ako ng ganung teknik.

November 2013.

Kindergarten Festival of Talents noon. Inihanda namin ang mga estudyante namin sa mga patimpalak. Mayroong group dance na ang tema ay sports. May storytelling, story reading at pagkanta ng nursery rhymes. Shempre, di naman pwedeng estudyante lang lagi. May storytelling din ang mga teachers. Tyempo naman na ako ang ipinanglaban. Isang buwan bago noon, pinaghandaan na namin lahat yun. Tulong-tulong lahat. Inaabot kami ng gabi para lang sa props ko. Isang malaking malaking libro. Mas malapad pa sa pinto. Ang galing nga noon ni Sir eh. Ang bongga talaga ng kamay nya. As in mas maganda pa doon sa orihinal na libro. At habang ang mga mababait kong coteachers ay tumutulong sa pagkulay, pagprint ng ibang design at paggupit ng mga pinrint na letra para sa istorya ng kwento, andun ako sa labas. Alas onse ng gabi at nagkkwento sa harap ng kadiliman. Chos. Minsan naman yung mabait na construction worker andun at yung guard andun din. Pati nga mga kuliglig at palaka nakikinig rin.

Constest na. Shems.

Nanalo yung mga sumayaw na estudyante namin. Yung iba, okay lang masaya pa rin. Heheh.

Hapon yung contest namin. Whole day kasi yun. Dun kami sa hapon inilagay. Edi shempre kahit Mcdo pa nasa harap ko di ko pa rin nakain. Amp. Kayo kaya sumali sa contest.

So yun nga. Nasa stage na ako. Pawis na pawis. Pero keribels lang. Nakaraos ako. Natuwa ang mga judges pati mga manonood kahit nagkamali ako sa ibang linya. Dinaan ko na lang sa mga joke. Aba, eh kawkaya nasa harap ng maraming teachers pati District supervisor nyo andun pa.

Pagkatapos na pagkatapos ng kwento ko, masigabong palakpakan talaga. Shems. Palakpak tenga laki ulo ang lola nyooooo. Yun lang naman ang importante eh. Yung matuwa yung audience mo kapag nasa stage ka na. Hehe. Bakit alam ko? Wala lang balak ko kasi mag artista next year e. Pero kalma lang, duuuuuudes. Darating rin tayo dyan.

At habang pababa ako sa stage. Napatingin ako sa District Supervisor namin. Di nyo na kelangan tanungin kung ano ginawa nya. Sasabihin ko na.

NAG DOUBLE THUMBS UP SYA SA AKIN. Complete mga te. May left and right. And at that moment, I died. Chos. Sarap sa feeling haneps. Para kang naka jackpot sa lotto na walang kasamang tax!

Diretso ako sa aking ever supportive na tita. Dahil busy si Motherhood, sya muna ang proxy. Okay naman daw ang performance ko. Mananalo ako kung memorized ko daw dapat lahat ng linya. Hehe. Nakakalito kasi yun eh. Sorry na :(

At natapos na ang mga eklabu chorvalu.

Iaannounce na ang mga winners.

The Trahedya of BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon