Bestfriends.
Yan ang turingan namin ni Ano.
Mula Grade 1 hanggang High School naging magkaklase kami or schoolmate nito. Minsan kasi nag iiba kami ng section. Pero same school pa rin. Magkakilala pero di talaga yung.. nagbabatian or something. Nagbago lang to nung dumating ang third year high school.
Di ko alam kung anong meron sa mata ko pero danglabo pa rin kahit nakasalamin ako. Ewan ko baka dahil na rin sa lighting ng room namin. Nasa paanan kasi ng bundok yung lokasyon ng classroom namin. Joke. Basta ganun. Malabo.
Eh dahil may isa kaming classmate na ginawa na atang hobby ang pag-absent, dun ako pumwesto tuwing lilipat ako. Tyempo naman na yung katabi ko dun ay si Ano. Take note. Lalaki sya pero madaldal.
Alam nyo yung di ko masyadong feel yung mga madadaldal lalo na pag nagcoconcentrate ako sa pagsusulat? Alam nyo yun? Buti pa kayo. Sya kasi hindi. Di nya ako tinantanan sa araw araw na ginawa ng Diyos. Kinalaunan, naging close kami. Sya lang ata kumakausap sa isang boring na katulad ko so napagtiyagaan ko na rin siya. Ang galing no? Di naman kasi ako talaga mahilig makipag socialize. Kung sino lang lumapit, yun kakausapin ko. Minsan nga napagkakamalan pa akong snob dahil di ko sila pinapansin. Eh ang labo lang talaga ng mata ko kaya diretso lang ako tumingin pag naglalakad sa kalsada. Totoo to. Pramis. Kahit itanong nyo pa kay Ano. Sya lang kasi nakapansin nung mga bagay na ganun tungkol sakin.
Dahil close na kami, ang unggoy na ito ay nagpatulong sakin gumawa ng love letter sa mga babaeng pinopormahan nya. Alpha Kappal Muks nga te. Pero okay lang. BESTFRIEND nga diba.
Dahil nga mabilis ako ma-fall, nadevelop ako kay Ano. Biruin nyo ba naman sa araw araw kami lagi magkausap. Tapos pag tinatamad pako magsulat, sya nagsusulat sa notebook ko KAHIT AMPANGET NG SULAT NYA, pinagtiyagaan ko pa rin. Lagi rin kami magkatext. Pag birthday may regalo o kaya sweet na message. Alam rin nya yung pagiging perfectionist ko. Pati ata paggupit ng kuko, sya rin gumagawa nun sa akin. Ang pagiging tamad, bow.
Ay. Naalala ko pa. Pag may nagpapaload sa kanya na may gusto sa kanya, pinapasaload nya sakin. HAHAHA. Tsaka may paloadan ata sila noon. AlamNaThis.
So ayun na nga. Di ko lang alam kung naging sila nun ginawan namin ng love letter. Ay naging GF nya pala yun. At marami pang iba. Eto kasing si ano. Ewan ko ha. Pero maraming naku-kyut-an sa kanya. O sige na nga. Marami naggwapuhan sa kanya. Pero sakin, sakto lang sya. Singkit mata. Makinis naman mukha, walang bahid ng pimples huhu. Siguro kasi araw araw kami magkasama parang naimmune ako sa sinasabi nilang charm nya. err.
Tsaka mas naattract ako sa pagiging maaalalahanin nya. Chos. Ambait kasi nento kahit minsan may pagka engot. Kasi ang tagal ko kayang nagkafeelings sa kanya. DI MAN LANG NYA NARAMDAMAN! Ilang buwan pa nakalipas bago sya nagkaroon ng konting idea.
So yun na nga. Naging emyu emyu kami ni Ano. May pa HHWW PSSP pa (Holding Hands While Walking Pa Sway Sway Pa). Joke. HH lang. :))))
Dumating ang Disyembre. Pagkatapos ata ng Pasko yun e. Nagtapat siya ng kaniyang feelings at ganun rin naman ako. Medyo parang pumayag na nga ata ako nun na maging GF nya e. Tutal ang konsepto ko kasi ng pagkakaroon ng jowabels ay yung taong kumportable ka kapag kasama mo sya, maaasahan, mabait, may pagka engot, atbpa. SO, GO FOR THE GOLD ANG LOLA NYO.
Eh sa sobrang excited ko nun nakalimutan ko na bawal pa talaga ako magBF. Wehehehe. So the other day, binawi ko. Sabi ko Joke Joke Joooooke laaaaaang!
BINABASA MO ANG
The Trahedya of B
AventuraAng B ay sumisimbolo sa mga: Bigo sa pag-ibig Badtrip sa pag-ibig Buraot sa pag-ibig Banas na banas sa pag-ibig Hayaan nyong isaad ko sa inyo kung paano ako nasadlak sa kumunoy ng moving on phase at di na muling nakaahon pa.