Si Kinakapatid

53 0 3
                                    

Hahahahaha!

Eto yung sinasabi kong gusto ko natatawa na lang ako kapag naalala ko yung nakaraan.

Pero sayang pa rin. (OA lang? Di maka move on?)

Well,  mula bata magkakilala na kami. Naglalaro pa nga kami noon ng family computer sa bahay namin, katulad nung larong babarilin mo yung mga ibon tapos pag may na-miss ka, tatawanan ka ng aso, pati yung PacMan, Tank-something-ish, Bomberman,  and yung parang sa space somethingy.

Medyo vague yung alaala ko nung bata pa ako. Basta may isang eksena noon na tumatawag sila sa gate noon at ayoko lumabas kasi di pa ata ako nun naliligo. Medyo may hiya rin naman ako sa katawan kahit papaano.

Tapos di ko alam, bigla na lang nagkaroon ng gap. Siguro kasi tumuntong na kami sa school age. Ako sa public, siya sa private. Mayaman sila eh.

Then, diba nga nag private school ako nung first year high school ako, ayun. Naging classmate ko siya. Di nga ako makapaniwala eh. Kinwento ko pa sa nanay at tatay ko. Natuwa sila, ewan ko kung bakit. Ay alam ko na pala. Shempre may makakausap sila tungkol sa mga pinaggagagawa ko sa school.

Dahil 25 lang kami sa klase, halos lahat kami magkaclose. Pero may naging super super BFF ako noon. Sina Marufi, Yjoning, Geliners at Abby. Magkakalapit ata kami nun ng upuan kaso sina Yjoningers at Geliners ibang section. Hehe. Pati si Kinakapatid. Andung maglalaro kami ng SOS at Link5 sa papel. (Well, para sa kaalaman ng kabataan ngayon, ang SOS ay adaptation ng larong tic-tac-toe na dapat makabuo ka ngSOS para manalo. Ang Link5 ganun din ang konsepto. Pero dapat makakabuo ka ng 5 links ng simbolo na gusto mo. Hirap iexplain. Huhu. Sana nagets nyo.)

Pati pala yung larong Bounce. Alam nga ni Kinakapatid yung hack dun kasi medyo mahilig sya sa computer ek-ek. 787898 ata yun tapos maiimmune ka na sa mga patibong.

Si Kinakapatid, cute sya. Lalo na siguro kung magpapapayat sya at magkaroon ng abs. Medyo malambot kasi tyan niya eh. Mabait rin siya, tamad tulad ko (naririnig ko kasi lagi boses ng mama nya pag inuutusan sya. mga ilang beses bago sya tumalima), at sobraaaang mahiyain. Naalala ko pa pag nagwawalis sya sa tapat ng bahay nila tapos dadaan ako, tatalikod siya. HAHAHA. Ang cute no? Tapos basta mabait sya. Wag kayong makulit. Medyo nakalimutan ko na kasi eh.

Naging magkatextmate kami. Alamona. Tapos siguro kasi ang hilig nya magjoke, tapos lagi niya akong inaasar kahit minsan nakakabuwisit na, di ko pa rin napigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Naalala ko pa noon.

Ramdam ko na eh. ❤

"Baka may sasabihin ka, before it's too late?"

"Hmm. Too late? It's already 2300 Hours, it's too late already "

blah blah chos echos letse!

Medyo hurt akez. Pero okay lang. Baka hindi pa sya handa. Hehe. Tsaka alam pala niya yung patakaran ng Ninong nya (Ang aking ama, fyi) na bawal pa ako magkaroon ng relasyon echos somethingy. Kaya ganun.

or baka di niya ako looooove? :(

First year high school, in love agad? GUSTO KUROT SINGIT?

So ayun. Di naman nawala yung pagkakaibigan namin. Medyo nawala nga yung communication sa iba, pero yung sa kanya, di naputol. Amaziiiinggg,  isn't it?

Siya yung ALL TIME pinakafavorite ko na katext at kausap. Alam mo yung araw araw talagang inaabangan ko mag gabi. Kasi kapag kinamusta ko sya, siguro mga six messages yung reply nya. I mean yung characters sa text, ganun kahaba. Matutuwa ka kasi detalyado talaga. Ambilis pa nya magreply. Pero pag mabagal sya, ratrat sya saken. Tapos siyempre, magrereply din ako. Ganun din kahaba. Tapos andami na naming mapag uusapan. Umaabot pa nga ng madaling araw eh. Nagtatago na lang ako sa ilalim ng kumot para di makita yung ilaw galing sa phone ko. Kita ng nanay at tatay ko e. Boljak ako pag nagkataon.

Naalala ko pa, nung birthday ko, kumanta ata sya nun ng  Happy Birthday sa voicemail. Buti na lang blackberry ata phone ko nun or parang medyo high tech na rin kaya narinig ko. Pati pa nga pamangkin nya kasama sa nirecord. Medyo binubully nya ata yun noon. Grabe yung ngiti ko nun eh. Abot langit:)

Tapos yung isa ko pang birthday, dinrowing nya ako sa Paint. Pati siya andun rin sa drawing. Nakakatuwa diba? Nakakatouch yung effort kahit parang di naman hawig sa tunay na buhay yung drawing.

It's all about the effort, guys. ENEBER.

Eh kaso, siguro napagod na rin akong umasa. Baka imaginary lang pala yung hope na nakita ko sa future naming dalawa. Isa pa, di na kami masyadong nagkikita. Alam nyo yung iba kasi pag lagi mong kasama. Yung present sya physically. Nakikita mo bumbunan niya, ilong niya, mata niya, braso nya.. at iba pang wholesome na parte ng katawan.

So I gave up. Dumating kasi si Alabangers at Ano.

Naging madalang ang texts. Facebook na lang ata. Tapos ewan ko. Nagpalit ako ng number at binlock ko sya sa FB. Pero inunblock ko na sya ngayon ha. Hehehe. Sorry. Feeling ko kasi wala ng patutunguhan eh. So bigla na lang ako nawala sa kanya. Dahil dumating si Alabangers tapos si Ano, iniwan ko na si Kinakapatid.

Masyadong masikip ang puso ko para iaccommodate lahat.

Kamusta na kaya siya? Hehe. Naalala ko kasi nagpupush up sya noon para daw MACHO siya.

Whew. Labo.

The Trahedya of BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon