Grade four ako nun nang masilayan ko ang aking pangatlong crush.
Iba ang religion nya, kaya iba ang kultura at iba rin ang format ng pangalan nya. Pero di maipagkakaila na cute sya. ❤
Ang problema, yung height ko at height nya parang baliktad. Ako medyo matangkad, sya medyo alamona.
Kuntento na ako na makita lang siyang nakikipaglaro sa mga kaklase nya pag recess. Magkaiba kasi kami ng section :'( Dito ata nahasa ang stalker mode skills ko. Pati yung strength ng peripheral vision ko, dito na train ng maigi.
Pero dahil sa GRADE FOUR pa lang ako noon, namputek, ano ineexpect nyo? Edi shempre hanggang dun lang. Di ko na inasam na mag level up.
Nagtransfer sya sa ibang school.
Lumipas ang ilang taon.
Hanggang sa magtagpo kami nung first year high school.
Hindi nga lang kami same ng section :(
Nung una ko syang nakit, nagka eye to eye contact kami. Sabi ko sa sarili ko,
"Papa Jesus, sya na po ba? Bakit nyo po pinagtagpo ang aming mga puso? Eto na po ba yuuuuuun? Magkakaroon na po ba ako ng happy ever after and ever and ever, AMEN? "
Medyo di ko mapigilan ngumiti nun. Akala nya siguro nginingitian ko sya. Nangiti ako dahil para na naman akong engot na kinakausap si PapaJesus.
E'di ayun. Ngumiti din siya.
Sabi ko, my dear Pumpkinny, iz that youuuu?
Joke. Ang nasabi ko nun, "Oy, ikaw si --------- diba?
Umoo sya. Nagkausap kami. Nagkamustahan. Nagbabatian na sa hallways. Sa hagdan. Nag aasaran. Mas matangkad pa rin kasi ako. Nakakafrustratetalaga ang mga growth hormones ng lalaki. Phew.
Tapos ayun. Isang araw..
May dumating na sulat. Take note.
Love Letter.
ampotek. crush rin pala nya ako noon pa man? as in seryoso ba to? huhu. bakit di ko naramdaman na crush rin pala nya ako nun? ganun ba talaga katotoo yung inaakusa sa akin ng iba na sobrang manhid ko talaga?
So balik sa love letter.
I felt so babae at that moment.
I mean, sino pa ba ang nagbibigay ng love letter these days? Feeling ko ako yung mga babae nung unang panahon na hinaharana, ipinag iigib ng tubig at ipinagsisibak ng kahoy. Para tuloy tumaas ang morale ko. Chos.
Sa loob ng isang taon kong pananatili sa school na yun, di sya tumigil sa pagpapadala ng sulat. Nagpapatulong pa nga siya sa kaibigan ko na classmate namin noong elementary. (Kaya pala maganda ang sulat). Sinasagot ko rin naman. Ata. Andung nagpapacute sya. Nagsasabi ng mga kung anetch anetch. Na ikinakikilig ko rin naman.
Eh kaso nanaig ang araw araw na pangaral ng aking mga magulang: HUWAG MUNA MAGBOBOYFRIEND.
Kung saan saan ko ngang sulok itinatago yung mga love letter nya noon eh. Kaso iba ata ang pakiramdam pag nanay ka na. Yung nanay ko kasi nalalaman nya kung saan ko isinuksok at nababasa pa nya.
Lupet. Wala talagang lihim na hindi mabubunyag.
Nalaman ng tatay ko. As usual, isang buong gabi ng pangaral na naman.
Eh hindi pa ata ako nun marunong mambasted. Amp. Nanliligaw na ba sya sa lagay na yun? Parang ganun na rin yun diba? Or nag assume na naman ako? So yun. Sinabi ko sa kanya na magkaibigan na lang muna kami. Okay naman sa kanya. Naiintindihan naman daw niya. Ganyan sya e. Di man lang pumunta sa bahay at sinabing, "Sir, mahal na mahal ko po ang anak nyo. At ipaglalaban ko po ang pagmamahal kong iyon sa kanya."
Eh kaso doble pa ata ng height nya yung tatay ko. So baka ganun nga. Natakot din siya. Heh.
Hanggang sa lumipat ako sa ibang school, tuloy pa rin ang sulat. Yung kaibigan namin na kasama nya sa paggawa ng love letter eh may kapatid sa bagong school na pinasukan ko nung second year. Kumbaga si kuya yung mensahero namin.
Pinagmalaki pa nga nya noon na matangkad na sya. Na pwede na siya sa akin. Na pwede na kaming dalawa.
Naalala ko pa nun, sabi niya sa sulat.
Alam mo Alyssa, hanggang ngayon ikaw pa rin talaga.
Nakakainis no? Yung nakita mo na yung taong sincere sayo. Mabait. Alam mong hindi ka iiwan. Kaso tadhana na rin ang nagsasabi na hindi talaga kayo para sa isa't isa.
Anong magagawa ko? Hindi pa talaga pwede. Tapos magkaibang school pa kami. :(
Edi ayun. Hinayaan ko na lang siya. Alangan namang ikulong ko siya sa isang sitwasyon na wala ring kasiguraduhan?

BINABASA MO ANG
The Trahedya of B
AventuraAng B ay sumisimbolo sa mga: Bigo sa pag-ibig Badtrip sa pag-ibig Buraot sa pag-ibig Banas na banas sa pag-ibig Hayaan nyong isaad ko sa inyo kung paano ako nasadlak sa kumunoy ng moving on phase at di na muling nakaahon pa.