Si Alabangers

54 0 0
                                        

Second year high school ako nung magtransfer ako sa isang public high school.

Nagtapos ako ng elementary sa public school. nagkaroon kami ng konting pera, kaya inenrol ako sa private dyan sa tabi tabi. Di ako nasatisfy sa quality ng turo, so bumalik ako sa public.

Shempre, isang taon rin ako nawala kaya di na masyado pamilyar yung mukha ko. Kumbaga parang ang effect ko sa iba, bagong salta. Pwera na lang dun sa mga mula kinder hanggang grade six ko naging classmate. Ang laki ko pa naman. So pansinin talaga ako dahil sa height ko. Walang konek, pero,  whatevs.

Sa pagmamasid masid ko, may nakita akong malaking bulas. Hmm. Yung mukha? Sakto lang. Mukhang uhugin pero okay na rin. Tuwing klase namin ang hilig magjoke. Ewan ko kung may pagka papansin or normal na nya yun e. Haha. Okay na rin. Namiss ko yung mga classmate ko nung First Year sina Kit,  Rokai at Paul. Sila lagi mahilig magjoke e. Parang alam mo yun? Sila na lang dahilan para di makatulog yung buong klase namin.

Ayan. Nag lakbay diwa na naman ako. Anyway, so yun nga. Nakuha nitong malaking bulas ang aking atensyon. Pero shempre di ko pinahalata. Or baka halata noon? Hehe. Di ko alam e. Tagal na rin pala nung nangyari to.

At pagka uwian, ipinakilala ako nung sutil kong kaklase sa kanya. Ewan ko. Crush ata ako nito e. Jooooke. Pero ako, chill lang mga te. Natatawa pa nga ata ako nun e.

Di ko maalala kung nangyari ba tong pagpapakilalang to o epekto lang ng lawak ng imahinasyon ko noon. Pero isinama ko na rin. Para cute.

Dun nagsimula ang pagkakaibigan namin. Nagkatext rin kami noon. Umaga gabi hatinggabi. Jejemon days. Omg, I still remember.

Naging crush ko sya noon. Di naman kasi ako mapili sa itsura e. Pero joke lang, may itsura talaga siya. Ayoko lang aminin baka kasi lumaki lalo yung malaki na nyang ulo.  Gusto ko yung masaya kasama. Yung malambot tyan. Kaso wala e. Di naman nya ako gusto noon. Shempre. Simpleng tao lang ako. Mataba pa. May salamin. Di maganda. Cute lang. Hohoho. #Panis #GandaLangAngPuhunan

Nagtapos kami ng high school. Pati College. Minsan nagkakakamustahan. Pero di nawala yung mumunting pagtingin ko sa kanya. Hinihintay ko lang na lakasan nya ang loob nya para kunin ako dito sa dilim na kinasasadlakan ko.

Ang di ko lang ma gets. Lagi nyang sinasabi na aayusin muna nya buhay nya. Na hintayin ko lang sya. (Okay ako na sabik, sya na yung chill).

Tapos malalalaman laman kong MAY GF SYA.

Wow. As in Wowowee with a capital W.

Akala ko ba wait lang? Akala ko ba aayusin mo lang buhay mo?

Haha. Okay. Sige. Ako na engot na umasa.

Kinwento ko sa isang tropa ko yung nangyari. Tinawanan ako.

"Oh, talaga? HAHAHAHA! Dean's Lister ka tapos simpleng pre-emptive supalpal di mo na identify? Boboness."

Ah. Ganun pala yun? Di ko inexpect na gagawin nya sakin yun e.

So ayun. Nag lie low ako. Di masyado nagparamdam. Bah. Shempre may gf na sya e. Ano ako, spare tire na pag wala na yung main na gulong saka ako ilalabas para gamitin. Wtf.

Nagkaroon ulit kami ng komunikasyon. Nyeta. Danglandi ko talaga. Ayun. Same scenario. Umasa na naman ako. May gf pala sya nun. Akala ko kasi wala eh. Bakit naman nya ako padadalhan ng mga sweet na texts at walang puknat na message sa FB at  late night calls kung may gf sya diba. YUN PALA HINDE. NYETABELs!  MINESSAGE AKO SA FB NG GF NYA! INAKUSAHAN AKO NG MALANDI. :(

Ang tindi ng sama ng loob ko noon. Halos maiyak ako sa sobrang inis sa sarili ko. Nalaman nga ng bestfriend ko yung nangyari. Shempre, dahil love ako ng kaibigan ko, minessage nya yung unggoy ng di ko alam. Bahala na siya. Dyan siya masaya e. Yung masaktan ako. Feeling ko nga gumaganti to sa akin. Hays. Sana man lang nilinaw nya sa GF nya yun. Pero anyways, may kriminal ba na umamin sa sarili nyang krimen?

Fast forward sa kasalukuyan.

Nagkaroon kami ng reunion nung high school classmates ko. Malayo. Nag rent pa nga kami ng isang malawak na bahay. Ewan. Basta buong bahay yun tapos may dalawang pool. May videoke. Pwede rin mag billiards. Tatlong kwarto pa.Andaming pwedeng maganap sa lawak ng dining area at sala. . Tapos de aircon rin. Medyo matanda na rin siguro yung bahay. Naninilaw na kasi yung mga tiles at may kakaibang aura yung bahay. Parang marami ng pinagdaanan.

Ayun. Akala ko wala sya. Sabi nya ata noon di sya sasama kasi andun ako. Or sasama sya pag sasama ako. Di ko na maalala. Hahah. Suri naman.

Di ko mapigilan maging bitter. Pinagmukha na naman kasi akong tanga. Bakit ganun? Hobby nila yun. Ang saktan ako. So pag may pagkakataon na mabara ko sya. Binabara ko sya. Lumalabas ang bitterness sa bibig ko. Tae.

Pagkaahon ko sa pool. Andun sya. Anak ng tentacles ni Squidward. Bakit ang laki nya? Yung mata ko abot lang ata sa kilikili nya. Di ko sya balak nun pansinin kasi yung puso ko dug, dug, dug, dug yung pagtibok.

HINAWAKAN NYAKO SA BRASO.

Amp*tek. Malapit na magdilim paningin ko. Malapit na talaga. Whooo!  JUICE COLORED!  enlighten meee!

Di ko na maalala yung laman ng 5 segundong pag-uusap namin noon sa sobrang dami ng emosyong bigla kong naramdaman nung eksaktong oras na yun.

Saglit lang. Dahil ayaw naming malaman ng iba kung ano meron sa aming dalawa. May mga taong masasaktan.

Yun yung nakakalungkot sa part ko. Yung di niya ako kayang ipagmalaki. Yung di niya ako kayang ipaglaban. Yung di niya kayang harapin yung kaibigan nya  na sabi nila may gusto sa akin kaya di niya ako magawang mahalin ng lubusan. Mas importante pala yung pagkakaibigan nila kesa sakin. O baka nag assume lang ako na importante ako when in fact pampalipas oras lang ako para sa kanya. Di man lang nya sinubukan na gawin ni isa sa mga ito. Eh paano nga? May gf nga diba.

Sabi ko na e. Baka lahat ng ito ilusyon ko lang. Baka mamaya magigising ako at lahat ng ito ay para lang may maipublish lang ako sa Wattpad.

Paggising ko, "Omg, wala na. Wala na akong nararamdaman. Let's go to my happy place and think of rainbows and unicorns and sh*t."

Eh kaso hindi. Bago ka matulog, iniisip mo yung nangyari. There are what if's. There are those could have beens.

Your  thought is filled with regrets, making you stare at the ceiling for hours while replaying the things that happened before the dreaded ending. Pero hindi ba parang joke lang? Di pa nga nagsimula, natapos na? Amp*tek.

Hays.

The Trahedya of BMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon