Si Kasuy.

38 0 0
                                    

2001.

May bagong salta.

Chinito.

Chubby.

Maputi.

Mukhang laging fresh.

MATALINO.

In long:

sya yung tipo na makakalimutan mong isarado ang bibig mo at bugawin ang mga langaw na umaaligid sa laway mong bumuo ng mumunting lawa sa sahig.

sya yung tipo na isang tingin pa lang, "OO!" Oo na ang sagot.

sya yung pwede mong ipagmalaki ng bongga sa buong barangay nyo.

sya yung sa sobrang gwapo, mapagkakamalan kang personal assistant nya.

at sya yung tipong pag naging boyfriend mo siya, halos lahat ng kababaihan eh lihim na ipinagdarasal na madapakasana.

At sya yung tipong.. tipo ng LAHAT.

Siya ata yung tinutukoy ni Daniel Padilla sa kanta nyang "Nasa'yo na ang Lahat". Literally.

Kung pwede nga lang maglagay ng imprint sa kanya katulad ng ginagawa ng mga wolf na kauri ni Jacob Black sa magiging kasama nila habang buhay, kung pwede lang talaga, buong katawan nya lalagyan ko e. Para wala ng makaagaw pa sa kanya.

To think na grade three pa lang ako noong naging classmate ko siya at ganito katindi yung impact nya sa akin hanggang ngayon.

Haaay. Naalala ko pa nun, makita ko lang siya, ganadong ganado ako kumain. Nagsilbi siyang appetizer sa aking paulit ulit na teenie weenies at smiley na baon. Kaya ayun. Tatlo yung bilbil ko na nabuo. Ehehe.

Naalala ko pa noon. Tuwang tuwa ang mga bruha, este ang mga estudyante ng mama ko na grade six na ihatid ako sa classroom ko noon. Paano ba naman. Crush din nila si Kasuy.

Urat ako nun e. Ano baaaa kasiiii. First time na nga lang lumipad ang mga paru-paro sa tyan ko, tapos andami pang kaagaw. Shempre. Para akong bola noon sa sobrang taba at ako pa yung pangalawa sa pinakamatangkad noon. Kamusta naman itsura ko sa crush ko, edi shempre mukhakong monster noon. Isang malaking buntong hininga.

Pero, hindi ko na pinansin yung kakulangan ko sa departamento ng kaseksihan at kagandahan. Nakipagkaibigan ako. Nagpapatulong kapag may di maintindihan sa topic. Atbpa. At di nagtagal, naging magkaibigan na rin kami. At kuntento na ako roon. Aba, kesa naman wala.

3rd honor ata ako nun. 2nd sya. Feeling ko kaya sya 2nd kasi inspired sya sa akin. Chos. At ako kaya naging 3rd kasi distracted sa kanya. *wink*

Ang creepy ba nung kindat ko?

Haha. Ang sarap lang kasi mangarap. Yung lahat ng nangyayari sa crush mo ay may kaugnayan rin sayo.

Pero lahat ng kaligayahan ay may katapusan. Nagtapos ang school year. Dumaan ang bakasyon at saglit na nawala sya sa sistema ko.

June na noon. Unang araw ng pasukan. Siksikan. Magulo. Kamustahan dito. Kamustahan doon. Nangingintab ang mga sapatos. Plantsadong plantsado ang mga uniporme.

Masaya. Bagong taon na naman. Pagkakataon para magkaroon ng mga bagong kaibigan at matuto sa paaralan.

Pero, teka. Anyare. Bakit ganun? Wala si Kasuy, my loves?

Nagkandahaba haba na leeg ko kakahanap sa kanya ah. Huhu. Di naman siguro yun absent. First day of classes kaya.

Dumaan ang isang linggo. Isang buwan. Isang buong school year. Walang Kasuy na dumating. :(

Huhu. Namiss ko sya. Whyyyy? Papa Jesus? Akala ko po siya na? Huhu.

Grade five na kami. Dahil bata pa ako noon,  nakalimutan ko pansamantala ang matatamis na ngiti ni Kasuy na nakaukit sa aking balintataw.

Tanungin nyo kung sino yung nakasalubong ko nung isang tanghali. Sa may tapat ng tindahan ni Sister Letty. TANUNGIN NYO.

Si Kasuy.

Yung pinakacrush ko habang buhay hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Nakasalubong ko sya.

Shems.

Yung puso ko nagback dive.

HOLYMOTHEROFKWEKWEKANSAKANTO.

Ilang segundo tumigil ang aking mundo.

LITERAL! WALANG HALONG JOKE.

Amp. Di ko alam sasabihin ko. Shiyet. Shiyet. Shiyet.

Ano ba, isarado mo bibig mo, bakit ka nakanganga  Alyssa!? Mag-isip ka!!!!!!!!!!!!!!

Narinig ko na binulong nya yung pangalan ko. Shiyets. Naalala niya ako. Hanep. Pwede na ako. Pwede na ko mamatay.

Namputek. Napangiti lang ako sa kanya. sabay talikod.

ANO BA. OO NA.

ANG T-A-N-G-A LUNGS.

Dapat kinausap ko siya noon eh. DAPAT TALAGA HINDI NAGMALFUNCTION YUNG COMMUNICATION SKILLS KO EH.

Kahit man lang Hi or Hello.

Pagkatapos noon, kinwento ko sa mga classmate namin yung pagtatagpo namin ng  aking love of my life.

After two weeks ata. Bigla na lang siya nawala.

Ang saklap no? Dapat pala kapag may pagkakataon tayo na maipakita sa isang tao na importante siya sa atin,  wag natin isipin na may next time pa. Eh paano kung bukas wala na?

May magagawa ka pa ba?

The Trahedya of BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon