Haneeep. May Author's Author's Note na.
So yun nga. Bago nyo to basahin. Gusto ko lang sabihin sa inyo kung bakit ko to naisulat.
Unang una, pagod na ako. Pagod na ko sa walang katapusang cycle ng lovelife ko:
May makikilala.
Magiging kaibigan.
Magiging close.
Mas magiging close.
Medyo magiging M.U.
Matatakot ako.
Iiwas ako.
Susuko sya.
Iiyak ako.
At matagal ako bago maka move on. ⊙_⊙
Or worse, tumatabi ako dun sa lugar kung saan nakaupo yung lalaki sa kantang The Man Who Can't Be Moved.
Then simula ulit sa umpisa. Ibang lalaki lang ang involved.
Ang engot lang e, no?
Pangalawa, wala lang. Baka makainspire ako sa inyo. Na Huwag Sumuko sa Pag-Ibig. Magmahal lang tayo ng magmahal. Darating din siya. Kalma lang. :) ❤
Pangatlo, May nakapagsabi sa akin na isulat ko lahat ng to. Parte ng pagmomove on. Parte ng pagtanggap sa katotohanang may mga taong itinakda nating makilala pero kahit kailanman hindi magiging kayo.
Kailangan ko na tong ilabas. Lahat ng kaengotan na nagawa ko sa 21 years kong existence dito sa mundong ibabaw. Para mawala na sa sistema ko. Para makapagsimulang muli.
Gusto ko kasi dumating yung time na mababasa ko to at tatawanan ko na lang ang sarili ko habang sinasabing.. "Sh*t. Seryoso? Ginawa ko yun? Yuck. Primetime kabobohan. Shet. Eww."
Sa ngayon, isusulat ko muna to. Marami siguro sa inyo ang makokornihan sa ginagawa ko. PERO WALA AKONG PAKE SA NARARAMDAMAN NYO! Joke. May pakialam naman ako, kaso ang focus ko muna ngayon e yung nararamdaman ko. HAHAHA!
Sa mga makakabasa nito, please.
Weg nye sesebehen se mama ke te he?
BINABASA MO ANG
The Trahedya of B
AdventureAng B ay sumisimbolo sa mga: Bigo sa pag-ibig Badtrip sa pag-ibig Buraot sa pag-ibig Banas na banas sa pag-ibig Hayaan nyong isaad ko sa inyo kung paano ako nasadlak sa kumunoy ng moving on phase at di na muling nakaahon pa.