"Bobo mo te. Ayun na o. Si bleep bleep na yun te. Feeling mo maganda ka?"
"Engot amp*ta. Sya ba yung naghatid sayo noon ng French Fries sa fourth floor nung masama pakiramdam mo?"
"Oo teh. Yun nga yun. Todo effort nga yun e. Bobo nitong kaibigan natin. Halos latagan sya ng red carpet noon. Pinasalubungan ka pa nga nya nung nag out of town sila diba?"
"Yun ba yung kinakantahan ka sa phone?"
"Binreak nya yung GF nya nun para sayo diba?"
"Te. Feeling ko, sweet nun ni bleep pag naging kayo."
"Hoy. Mga ineng. At talagang harap harapan nyo ko ginaganyan ha? I have my reasons, okay?"
"Sabihin mo na, dami pang arte, nyeeeeta."
"Eh."
"May bago kang kalandian no?"
"Eh."
"Eh ka ng eh!!! NAKAKAPANGINIT KA NA NG ULO AH!"
"Akala ko ba gusto mo na magkaboyfriend?"
Oo nga. Oo na. Okay na sya e. Varsity player. Matangkad. May itsura. Sweet. Alam mo yun? Kahit di ako ganun kaganda, napansin nya ang isang nerd na baduy na na MEDYOmatabang tulad ko? Pakinteyp, duuuuudes.
Naramdaman ko naman yun mga te. Andun na oh. Malapit ko na sabihin ang mga katagang 3 words-8 letters-say-it-I'm-yours.
Eh kaso.
Unang-una, binreak nya yung GF nya. Shiyeetduudes. Di ko pinagmamalaki yun ah. Nahurt kaya ako para sa kanya nung nalaman ko. Nireblog pa nga nya yung pinost ko sa na doodle ko nung picture namin ni BLEEP. Di ko alam na may GF sya nun. Pramis. Pagkatapos nun, medyo lampas isang taon rin kami naging close. Naramdaman ko naman yung sinseridad nya.
Ang engot nyong lola, biglang naisip na.. "Paano pag may nakita siyang higit sa akin? Paano pag kami na? Paano pag may dumaang chicks sa harap nya tapos bigla nya akong iwan na lang sa ere basta basta?"
Oo na. Ako na talaga. Ako na talaga tanga.
Hindi yun nawala sa isipan ko. Kaya kapag nagyayaya sya lumabas ng kami lang, medyo kinakabahan ako. Kasi feeling ko unti unti ko na syang napapapasok sa puso kong inuod na ng panahon. Feeling ko konti na lang, bibigay na ako. Feeling ko, baka pag pumayag ako makipagdate, magpapakasal nako sa kanya the next day. Dejokelang. Hehe.
Alam mo yun, nag overthink na naman ako.
Tapos kung kelan andun na yung moment, saka ako biglang mawawala sa kanya.
Natakot ako e. Feeling ko, I will never be good enough for him. Parang alam mo yun? Ang sh*t lang ng feeling na ako ordinaryong college student lang, tapos mapapansin nya ako? Nakakapagtaka lang diba? Confidence please, 2 kilos.
So ayun. Iniwan ko sya sa ere.
AKALA NYO BA NAPAKADALI NUN PARA SAKEN? AKALA NYO BA GUSTO KO YUN?
Ang hirap kaya sa kalagayan ko na tanggapin siya bilang boyfriend tapos malalaman kong di pa maayos yung kalagayan ng exGF nya. Parang you know, it's kinda heartless. :( So ayun. Ang engot na solusyon ko ay ang iwan na lang sya. Kahit masakit. Kahit alam kong inihanda ko na ang sarili ko na makasama sya sa pagtanda. Okay. Ang OA.
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin sya. Naalala ko sya tuwing 11:11. Sya lang kasi hiniling ko dun e. Sya lang talaga. </3
Isang napakalaking S A Y A N G.
BINABASA MO ANG
The Trahedya of B
AdventureAng B ay sumisimbolo sa mga: Bigo sa pag-ibig Badtrip sa pag-ibig Buraot sa pag-ibig Banas na banas sa pag-ibig Hayaan nyong isaad ko sa inyo kung paano ako nasadlak sa kumunoy ng moving on phase at di na muling nakaahon pa.