FIRST KISS
Andrea Brillantes POV:
Ako nga pala si Andrea Brillantes 16 years old at isa akong secretary ng isang sikat na company at ang pangalan ng boss ko ay Darren Espanto. He's 17 years old. Nung nag-apply ako sa company nila ay broken ako nun kaya naghanap na lang ako ng work at doon nag-focus. Nagkagusto ako sa kanya pero never ko siyang pinagnasahan.
"Andy? pakilagay nito sa may table ko may pupuntahan lang ako saglit" sabi ni boss at umalis na siya.
"Sige po." nakangiti kong sagot sa kanya at inalagay ko na sa may table niya yung papeles.
Hours Passed
6:00pm na ng gabi pero hindi pa din ako umuuwi dahil wala pa si Sir. Saglit lang daw pero halos 2 oras ng wala. Mga lalaki talaga nakunaku.
"Andy?" sigaw nung pamilyar na lalaki sa likod ko at pagharap ko si Sir pala.
"Sir? Bakit po kayo basang basa?" takang tanong ko sa kanya niya at dalidaling kumuha ng towel at pinunas sa kanya.
"Hindi. Okay lang ako Andy. Sige you may go na 6:15pm na baka hinahanap kana sa inyo." sabi ni Sir at kinuha sa akin yung towel.
"H-Hindi okay lang po Sir." nakangiti kong sagot.
Nilapitan ko siya at tinignan kung may sakit siya. Napaso ako ng hawakan ko yung leeg niya at noo. Ang init ni Sir.
"Sir ang taas po ng lagnat niyo dito kana lang po magpalipas ng gabi tutal wala naman pong pasok bukas." nakangiti ko na namang sabi.
"Kaya kong umuwi. Ikaw ang umuwi na." inuubong sagot ni Sir.
Kumuha ako ng gamot at tubig. Pinainom ko ito sa kanya.
"Sige Sir, ako na lang po magbabantay sayo magdamag. Matulog kana po." sabi ko sa kanya at naglatag. Meron naman siyang gamit dito at tsaka mga damit.
"Salamat Andy!" nakangiti niyang sabi at nahiga na.
Habang natutulog siya pinagmasdan ko siya. Ang inosente niyang tignan kahit na playboy siya. Parang hindi siya yung Darren na masungit at laging nakasimangot dahil nagawa niya akong ngitian kanina.
Lumapit ako sa kanya at hinimas himas yung buhok niya ng bigla niya akong hilahin. Dahilan kung bakit napatabi ako sa kanya. Gising ba to? O tulog?
"A-Andy? W-Wag mo kong iiwan huh?" nakapikit niyang sabi na siyang ikinangiti ko.
"Oo hindi Kita iiwan dito Sir. Matulog kana po." sabi ko at pinatulog siya.
K💚I💚N💚A💚B💚U💚K💚A💚S💚A💚N
Nagising ako sa sikat ng araw at nilibot ang paningin ko. Ayy! oo nga pala sa office ako natulog.
"Gising kana pala Andy?" nakangiting bati ni Sir.
"Good morning po Sir." nakangiti ko ding sagot.
"Don't call me Sir, just call me Darren.. Tayo lang namang dalawa dito." matawa-tawa niyang sabi.
"Sige po D-Darren" nauutal kong sabi.
"Want some coffee?" tanong ni Darren sa akin. Sabay abot ng kape.
"Thanks." nakangit kong sabi.
Pagkatapos naming magkape ay naligo si Darren at ako sa may cr ng office niya.
"Darren anong susuotin ko?" nagtataka kong tanong.
"May damit dito si Ate iyon na lang suotin mo." sabi niya sabay bato sa akin ng isang up sholder na green na damit at jeans. May nakasulat na 'He's My King' sa up sholder kong damit.
"Tapos na akong maligo ikaw naman." sabi niya at lumabas na ng cr.
Pagkatapos kong maligo ay sa banyo na din ako nagbihis at pagkalabas ko ay nakita ko yung suot niya. Kulay green na t-shirt na may nakasulat na 'She's My Queen' at naka short siya na kulay light blue.
"Punta muna tayo sa mall then hatid na kita sa inyo." sabi ni Darren.
"Sige." sabi ko at bumaba na kami. Nasa may 5th floor kasi kami kaya nag-elevator pa. Pagkababa namin ay sumakay na agad na kami sa may sasakyan niya at umalis na.
MINUTES PASSED
Bumaba na kami ng sasakyan ni Kyle at pumunta na sa may pintuan ng mall. Kinapitan niya yung waist ko gamit yung kanan niyang kamay.
"Ayy! Ang sweet naman nung magjowa naka couple shirt"
"Oo nga, nakakainggit"
"Kinikillig ako sa dalawa"
Narinig namin yung bulong - bulungan tuwing may dadaanan. Hindi na lang namin yun pinansin.
Pumunta kami sa may damitan at bumili ng damit niya. Ang sosyal niya ang mamahal ng binibili niya. Ang lalaki ng presyo at 8,000 ang pinaka mababa. Sampu ang binili niya na polo at lima lang na shorts.
"Ako na ang pipili sayo." nagulat ako sa sinabi niya.
"A-Anong pipili?" nagtataka kong tanong.
"Ayaw mo kasing pumili ng damit, kaya ako na lang ang pipili." nakangisi niyang sabi.
Pumili siya ng dress, Wait... Dress? Yuck! never akong nagsuot niyan. Tatlong dress pinili niya, isang red, blue, at green. Pumili din siya ng tatlong leggings na kulay black at t-shirt na kulay white tatlo din.
"Tara na." sabi niya at kinapitan niya ulit ako sa waist.
"Sir 184,000 po lahat." sabi nung cashier na ikinagulat ko.
"Keep a change." nakangiti niyang sabi dahil binigyan niya ito ng 185,000.
"Tara kain na muna tayo 1:00pm na." sabi niya at pumunta kami sa Max.
"Anong gusto mo Andy?" sabi ni Darren.
"K-Kagaya na lang ng sayo." sabi ko. Umorder siya ng chickens, rice, ice cream, and juice.
"Let's eat na Andy" sabi ni Kyle.
Kumain na kami. Ang takaw din pala ni Darren. Halos maubos niya yung lahat ng inorder namin.
"Tara na hatid na kita sa inyo." sabi ni Darren at lumabas na. Sumakay na agad kami ng kotse niya.
MINUTES PASSED
Nakarating agad kami sa bahay.
"Dito na lang Darren." nahihiyang sabi ko. "At salamat sa dinner." pahabol kong sabi.
"No. Thank you kasi inalagaan mo ako kahit na siraulo ako." sabi niya sabay halik sa labi ko.
Nagulat ako sa ginawa niya at natulala hindi ko namalayang naka-alis na pala siya. Pumasok ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko. What the hell? Isang 'ESPANTO' hahalikan ang pangit na kagaya ko? Nag-isip ako ng matagal kung totoo ba lahat yun at napagtanto ko na totoo nga yon dahil ramdam ko pa din hanggang ngayon yung halik niya sa akin. Oh My God! It's my "FIRST KISS"
💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚
Malapit na mag valentines day... beke leng nemen
•Please hit the star botton•
BINABASA MO ANG
WITHOUT YOU Season 1 (Completed)
Teen FictionDarren Espanto. Kyle Echarri. Seth Fedelin. Andrea Brillantes. 💓💓 Alrights Reserved 2019 Facebook: Que Baldovino // Crissy Baldovino Intagram: happy_bbyque // crissycrissybaldovino Twitter: baldovino_anne TikTok: happy_bbyque 🔥✨PUBLISHED🌈💖