8: Kyle's Point Of View

279 8 0
                                    

KYLE'S POINT OF VIEW

Kyle's POV:

Buti na lang at mahal pa namin ang isa't isa. Ngayon mawawala na lang ang 5 Millions mo ng ganong kadali Darren.

"Jojo? Tara kain na tayo." pag-ayaya ni Momo ko. Kahit kailan talaga ang lakas ng tama ko sa Babaeng yan.

"Susunod na po, My Momo" sabi ko na ikinatawa nya.

"Ang aga-aga ang cheesy ng boyfriend ko." sabi nya sabay halik sa labi ko.

"Kaya mahal na mahal kita eh" sabi pa nya.

"Tara na nga" sabi ko at bumaba na kaming dalawa.

Pagkababa namin meron kaming hindi inaasahan na makita.

"A-Anong ginagawa mo dito, Darren?" tanong ni Andy.

"Just visiting My Girlfriend" pagdidiin nya pa sa word na Girlfriend.

"Pero nakipag-break na ako sayo. Hindi na kita mahal dahil si Kyle na ang mahal ko." sabi ni Andy.

"So you love him? Meron ka atang hindi nalalaman tungkol sa kanya." nakangising sabi ni Darren.

"A-Ano yun?" tanong ni Andy.

"Umalis kana, Darren" sabi ko pero biglang nagsalita si Andy.

"Hindi walang aalis... Ano yun?" tanong nya ulit kay Darren.

"Hindi mo ba alam na magkaibigan kami ni Kyle?" pagbibitin ni Darren.

"Pakealam ko?" sabi naman ni Andy.

"Tapos sya nag-dare sa akin ng 3 months na relationship---" hindi nya natuloy yung sasabihin nya dahil nagsalita agad ako.

"Hindi totoo yan" inis na sigaw ko kay Darren.

"Manahimik ka, Kyle" sigaw ni Darren sa akin. "Sya yung nagdare sa akin naligawan ka at kapag umabot ng 3 months ay hihiwalayan na din kita. Sya din nagbigay ng kontrata na kapag nagawa ko yun bibigyan nya ako ng 5 Millions" sabi ni Darren.

"Hindi yan totoo" sigaw ko ulit.

"Hindi na ako maniniwala sayo, Kyle. Ginagago nyo lang ako pareho. Kyle... Pinatawad na kita kaya nga binalikan kita ulit p-pero ano to?" umiiyak na sabi ni Andy.

"Hindi yun toto---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nagsalita na agad si Andy.

"Lumayas kana" galit na sabi ni Andy.

"No. Andy please?" umiiyak na sabi ko.

"LUMAYAS KANA AT WAG NA WAG KANANG MAGPAPAKITA SA AKIN" sigaw nya sa akin.

Lumabas na ako ng bahay at doon ko inilabas lahat ng sakit. Bakit ka agad naniwala sa kanya, Andy? Alam mo namang sinungaling sya? Mahal na Mahal kita, Andy.

Tumingin ulit ako sa bahay nila at kita kong yakap yakap sya ni Tita.

Wag kang mag-alala, Andy. Patutunayan ko sayong hindi totoo lahat ang sinabi ni Darren sayo.

💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚

Sobrang sipag talaga ni Author diba? Mahal na Mahal ko talaga kayong lahat eh. Beke nemen?

●Please hit the star botton●

WITHOUT YOU Season 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon