14: Last Chance

309 6 0
                                    

Last Chance

Seth's POV

Oo alam ko dati pa, Alam ko dati pa na mahal niya pa rin si Andrea. Pero mahal ko din naman siya eh kaya gusto kong lumaban dahil nasa akin na siya. Pero nung nakita kong tumulo yung luha niya habang pinakikinggan yung usapan nila Tita, Aaminin ko nasaktan ako dahil all this fvcking years mahal niya pa din si Kyle so baka ito na nga yung oras para pakawalan ko siya.

Andrea's POV

Hay! Kakagising ko lang at katabi ko ngayon si Seth. Miya-miya ay lumabas ako at napatigil ako sa kwarto ni Kyle. Bubuksan ko sana ito kaso pagkapihit ko naka lock kaya bumaba na lang ako.

"Good morning po Ma!" bati ko kay Mommy.

"Good morning din" sabi niya sa akin.

"Tara na kakain na tayo" tawag ko kay Seth mula sa taas at bumaba na siya.

Maya-maya lang ay nagtaka ako dahil wala si Kyle. Kaya linakasan ko na yung loob kong magtanong kay Mommy.

"M-Ma?" nauutal na tawag ko sa kanya.

"Bakit may problema ba, Anak?" tanong ni Mommy.

"N-Nasaan po si K-Kyle?" tanong ko.

"Hindi mo ba alam?" tanong ni Mommy na ipinagtaka ko.

"Na alin po?" nalilituhan ko ding tanong.

"Akala ko nagpaalam na siya sayo... Papunta na siya sa ibang bansa at hindi na siya babalik." sabi ni Mommy.

"Papunta na siya sa ibang bansa at hindi na siya babalik"

"Papunta na siya sa ibang bansa at hindi siya babalik"

"Papunta na siya sa ibang bansa at hindi na siya babalik"

Bumagsak ang kutsara at tinidor ko habang nag echo sa pandinig ko yung katagang sinabi ni Mommy.

"Sige na sundan mo na siya." nakangiting sabi ni Seth.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Alam kong mahal mo pa din siya kaya bilisan mo na baka maiwanan ka na niya." sabi niya at nag ayos ako ng buhok.

Palabas na sana ako ng bigla niya akong tawagin. "Sandali..." tawag niya at hinila niya ako at hinalikan niya ako sa noo.

"Mahal na mahal kita" sabi niya at nginitian ko siya at sumakay na sa kotse namin.

Kinontact ko yung number ni Kyle pero walang sumasagot.

"Pakibilisan po kuya" sabi ko sa driver namin.

"Kyle please sagutin mo na" sabi ko sa isip ko.

Hanggang sa nakarating na kami sa airport. Hinanap ko siya.

"M-Miss nakalipad na po yung eroplano papuntang U.S?" tanong ko sa babae.

"Opo eh kanina pa." nanghina ako sa narinig ko. That means wala na siya.

Pumunta na lang ako sa tabing dagat at doon pinalipas yung hinanakit ko. Umupo ako sa bench habang may tumutulong luha sa dalawang mata ko.

"Mamimiss kita bestfriend" sabi ko sa kalawakan.

"Alam mo bang mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon? Sorry kung iniwan kita. Alam ko naman na hindi totoo yun eh. Na si Darren pa din ang may pakana nun. Dahil alam kong hinding hindi mo magagawa sa akin yun. Sana bumalik kana. Ayokong maiwan mo kaso nangyari na. Sana sinabi ko na sayo na mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. I love you my only Jojo" sabi ko sa kalawakan habang tumutulo ang luha sa aking mga mata ng may nagsalita......

"I love you to my only Momo" sabi nung pamilyar na boses sa likod ko at pagtalikod ko nakita ko yung taong mahal na mahal ko.

Tumakbo agad ako palapit sa kanya at yinakap siya ng sobrang bilis.

"Kyle" sabi ko habang umiiyak at yapos siya.

"I love you too, Andy" sabi niya habang yakap niya ako.

"A-Akala ko ba umalis kana?" umiiyak ko pa din na sabi.

"Hahaha planado lahat yun." natatawa niyang sabi.

"Anong planado?" tanong ko sa kanya.

"Kinausap ko yung babaeng pinagtanungan mo kanina na sabihin na nakaalis na yung eroplano namin Hahaha" tuwang tuwa niya pang sabi at sinamaan ko siya ng tingin.

"Bahala ka sa buhay mo" tinanggal ko yung pagkakayakap ko sa kanya at naglakad lakad.

"Joke lang huy! Bumalik kana dito please" natatwa niya pa din na sabi.

"Heh! ewan ko sayo. Baha—" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil binuhat niya na ako na parang bigas na nakalagay sa balikat niya.

"Huyy ano ba nakikilitk ako hahaha" natatwa kong sabi dahil kinikiliti niya ako ng may nakita kaming batang cute na gwapo umiiyak.

"Kyle baba mo nga ako may nawawalang bata yun oh" turo ko pero di niya pa din ako binababa.

Linapitan namin yung cute na gwaong batang lalaki. "Nawawala kaba babyboy?" tawag ni Kyle.

"Opo huhuhu hinahanap ko po si Mommy huhuhu" umiiyak na sabi nung bata.

"Tara kapit ka sakin hahanapin natin siya." sabi ni Kyle habang buhat ako. Tinuloy niya yung pagkiliti sa akin ng bigla kaming sitahin ng gwardya.

"Huy? Kaano ano mo yang babaeng buhat mo?" sita nung gwardya.

"Ano bang pakialam mo? Asawa ko to at ito ang anak namin kaya umalis kana dito tsupe!" sabi ni Kyle.

"Sorry po, Sir" sabi guard at umalis na siya.

"Gago ka talaga, Kyle" natatawa kong sabi at binaba niya ako.

"Babyboy?" tawag ni Kyle sa bata at lumuhod.

"Gusto mo kami muna ang Mommy at Daddy mo habang wala pa yung tunay mong Mommy?" tanong ni Kyle.

"Sige po tara bili po tayo ng ice cream" sabi nung bata.

Bumili kami ng ice cream at kinalong ni Kyle yung bata sa batok niya.

"Anong name mo?" tanong ko kay babyboy.

"Ako po si Lauren Cooper Lunde at ako po ay six years old I'm half Korean-Filipino-Canadian" sabi ni baby Cooper.

"Tara gusto mong pumunta sa playground?" tanong ni Kyle at tumango naman si Cooper.

Naglaro kami doon ng naglaro hanggang sa napagod kami at nagpahinga sa bench ng may narinig kaming bulungan ni Kyle.

"Ang gwapo naman nung dalawang mag asawa at ang cute cute nung anak nila." girl 1

"Oo nga ey nakakainggit ang gwapo na nung Daddy ang Ganda na nung Mommy at ang Gwapo pa nung Anak."

"Narinig mo yun?" sabi Kyle.

"Oo hahaha" natatawa kong sabi.

"Bakit ka po tumatawa Mommy?" tanong ni Cooper.

"Wala baby tara na hanapin na natin yung tunay mong Mommy." sabi ko at naghanap na kami ng biglang sumigaw si Cooper.

"Mommy?"
"Cooper?" sabay nilang sabi at kinalong nung Mommy ni Cooper siya.

"Marami pong salamat sa inyong dalawa" sabi nung Mommy niya.

"Walang anuman po iyon ingat na lang po sa susunod Tita" sabi namin.

"Salamat talaga sa inyong mag asawa." sabi nung babae at umalis na.

"Hahahahaha" sabay kaming natawa ni Kyle sa sinabi nung Mommy ni Cooper

"Sabi sayo eh bagay tayo" sabay naming sabi.

🍂✨🍂✨🍂✨🍂✨🍂✨🍂✨🍂✨🍂

Sorry kung ngayon ko lang po ako naka pag ud nag travel kami ng family ko eh wag kayong mag alala Epilogue na lang tayo kulang.

•Please hit the star botton•

WITHOUT YOU Season 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon