HIRO
Nakaupo ako. Nakaharap sa kanya. Ang ganda ni Michelle. Parang anghel. Ang himbing niyang matulog.. sa loob ng kabaong. Parang kailan lang, nakausap ko pa siya, nakayakap. Ang saya pa namin nung nakaraang araw. Nagtatawanan. Nagmamahalan. Mahal kooo, gising ka na please? Andito lang ako, naghihintay. Di kita iiwanan. Miss na kita :"((
Andaming bumisita. Nakikiramay. Condolence daw. Ano ba naman. Nagpapahinga lang yung mahal kooo. Gigising siya. Gigising siya diba? Mahal ako ni Michelle. Mahal na mahal ko rin siya. Siya yung dahilan ng mga tawa at ngiti ko. Kung bakit ako nagpapaload, gumagastos ng pera pang date, regalo, surprises, kung bakit ako sumasayaw. Inspirasyon ko siya. Siya yung better half ko. Kaya baby babe bae kooo, mahal, gising ka na please? Nakakalungkot na eeh. Gusto ko na ng hug mo. Kaso may barrier na satin eh. Isang malaking salamin. Pwede bang tanggalin ko sandali? Pahug kasiii :"((
Gusto ko pa sanang marinig yung boses mo. Yung mga i love you's mo. Tinitignan ko nalang yung pictures mo. Ang laki ng mga ngiti mo sa mga litrato oh. Pero bakit ako hindi makangiti? Subukan ko man, hindi ko talaga kaya. Pano kasi, wala ka na.
Ang daming nagpost sa timeline ko. Alam na pala nilang lahat. Kadalasan hindi ko kilala pero nakikiramay. Ang sweet daw natin, perfect couple, pero SAYANG. Kasi nga WALA KA NA. Gusto nilang maging matatag ako. Pano ako maging matatag kung ang lakas ko ay ikaw? Wala ka na. Pwede bang sumunod? Nakakalungkot dito. Para akong mag-isa. Feeling ko hindi na ako kumpleto. Nakakaiyak. Nakita mo na ba akong umiyak? ETo oh (T.T)
BINABASA MO ANG
Hiro And Mich Forever <3
FanfictionHelloooo. Basahin niyo nalang sa next page please. Andun yung description. Ewan, yun na yun. XD 'Wag niyo po sanang kalimutan ang mag vote, share at mag-follow! Pinaghirapan ko to, kaya every vote is very much appreciated po :) Basahin niyo na rin p...