Mahirap..

960 11 0
                                    

MICHELLE

Isang araw na ang nakalipas. Palagi lang nakaharap si Hiro sa kabaong ko. Palaging nagbabantay. Nakatulala. Ni hindi ko nakita siyang ngumiti. Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot. Pati na rin si lola. Ang hirap. Masakit para sakin tignan na nagkakaganyan sila. Wala akong magawa. Kundi ang tumingin. Tumingin sa kanilang pagluluksa.

Palagi kong sinusubukang kausapin si Hiro. Pero hindi talaga siya nakakarinig. Heto na naman, naluluha na naman ako. Ang sakit lang. Ang sakit sakit. Bakit nga ba ako pa? Andaming masasamang tao pero hanggang ngayon buhay pa rin sila.

"Okay lang yan Hiro. Everything happens for a reason. God has a plan. Be strong. Condolence nga pala." narinig kong sabi ng isa sa mga bagong dumating para sa lamay.

Hindi ako makapaniwalang nasa sariling kong lamay ako ngayon. Na nandito ako, bilang kaluluwa nalang. Kailangan ko na ba talagang tanggapin na hindi na ako taga lupa? Siguro nga. Andami kong mamimiss. Kaibigan, classmates, mga magulang ko, si lola.. at ang taong mahal na mahal ko, si Hiro.

Paano ko nga ba macomfort yung mahal ko ngayon? Parang imposible ata yun. :(

Hiro mahal, paano nga ba kita macocomfort ngayon kung ako mismo ang dahilan ng pagkalungkot mo? Sorry baby babe bae koo. Patawarin mo ko, hindi na natin matutuloy yung usapan nating FOREVER.

Hiro And Mich Forever <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon