Dream

1K 16 1
                                    

PAKI PLAY PO YUNG SA GILID. THANK YOU

HIRO

"Tulog ka muna hijo. Kahit ilang oras lang. Paghandaan mo yung para bukas ha? Magpakatatag ka.."

Sabi ng mommy ni Michelle sakin. Oo nga pala, burol na niya mamaya. Madaling araw na kasi. Kaya ko nga bang tanggapin na hindi na siya babangon para sakin? Na tuluyan na siyang matutulog sa ilalim ng lupa forever? Michelle Ann baby koo, mahal na mahal kita. Tulungan mo naman akong makatanggap oh. Ang hirap...

Di ko namalayang.. nakatulog na pala ako.

*********

Ang silaw.

Ba't kulay puti ang paligid?

"Mahal ko.."

Naalarma ako sa narinig ko.. hindi ako nagkakamali.

"Michelle?" agad kong sambit. Palinga-linga ako sa paligid.

"Michelle! Nasaan ka?! Pakita ka naman oh.." Nagtatakbo na ako sa paligid. Pero parang hindi ako gumagalaw sa posisyong kinatatayuan ko. Walang ibang kulay maliban sa puti.

"Michelle! Pakita ka naman baby ohh. Miss na miss na kita... (T.T)" Naiiyak na ako. Pang-ilang iyak ko na ba ito ? Hindi ko alam.

Napahagulgol nalang ako ng may biglang yumakap sa likuran ko..

"Mahal ko, namiss kita. Sa wakas, nayakap na rin kita. "

Humarap ako sa kanya.

"Ikaw nga. Michelle. " Nandito siya, kausap ko... nahahawakan ko.. nakayakap ko..

"Sorry ah.." sabi niya.. may lungkot sa kanyang boses at may tumulong luha sa kanyang mga mata. Agad ko itong pinunasan.

"Shh. Don't cry. Panaginip lang ba ito? Pwede bang hindi na ako magising? "

"Hindi pwede baby. Kailangan mong gumising pa. May nagmamahal pa sayo. Andami pang gustong makakita sayong ngumiti ulit."

"Wala akong pakialam sa iba. Paano ako ngumiti kung wala ka na? Baby.. pwede bang sumama nalang ako? Para magkasama na tayo ulit."

"Baby babe bae, hindi talaga pwede. Hindi yun ng pinunta ko dito. May sasabihin ako..."

"Naman eh. Mahal koo, di ko kaya.." sagot ko naman.

"Ako'y magpapaalam na sayo.. Mga luha sa mata'y punasan mo. Ayokong nakikita kang umiiyak...Loob mo ay tibayan mo.. Di man tayo magkasamang dalawa, gusto ko ay palagi kang masaya. Salamat sa lahat. Gusto ko sana, sabay nating tanggapin na hindi na tayo pwede. May plano ang Diyos. Kayanin mo baby. Ikasasaya ko yon :") Pakatatag ka. Ipagpatuloy mo ang pagsasayaw mo ah? Ang galing mo pa naman :) Gusto kong marinig mula sayo, na kakayanin mo. Dahil handa na akong tumanggap baby.. I love you sexy love :"* "

"Kung yan ang gusto mo. I love you too baby babe bae koo. Tatanggapin kong hindi ka na gigising. Pero bantayan mo parin kami ha? Mahirap. Ang hirap talaga. Pero alam ko naman na, magiging masaya ka rin doon kasama ng Diyos. Wala nang paghihirap doon diba? Hindi ka na malulungkot. Tsaka makikita mo pa naman ako dito sa lupa diba? I love you... Goodbye baby babe bae ko.." Niyakap ko siya ng huling beses. Hinding hindi ko na siya mayayakap sa susunod kaya dapat sulitin.

"Hanggang dito na lang. Paalam na mahal koo."

At unti-unti na siyang nawala...

Hiro And Mich Forever <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon