White Place

1.1K 11 1
                                    

MICHELLE

Nagising ako. Nakakasilaw.

Bumangon ako.  Namalayan kong nakahiga ako sa isang hospital bed.

"San ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Puti lang yung nakikita ko. Walang gamit, walang tao.

"Sa waiting room." may sumagot.

Napalingon ako. May nakita akong lalaking nasa mga 20's siguro nagbabasa ng libro. Naka-reading glasses at nakarobe ng puti.

"Waiting room? Ha? Anghel ka po ba?"

"Oo. " sagot niya sabay tingin sakin.

"Teka, nasa langit na ba ako? Mama, ikaw po ba si San Pedro?"

"Hindi ako si San Pedro. Day off niya. Nasa waiting room ka nga. Malayo pa dito yung langit hija."

"Ha? May Day off pala ang mga anghel? "

"Parang ganun nga. May pinaasikaso sa kanya kaya di siya pinabantay sayo." sagot niya

"Ahh. Ba't ako nandito?"

"Kasi, biglaan yung pagkamatay mo. Hindi mo narealize na oras mo na pala. Nanghingi ka ng tulong sa Kanya diba? Na iligtas ka? Kaya binigyan ka niya ng chance na huwag munang pumasok. Tatlong araw lang ha? Bumalik ka dito agad. "

"Ha? Nanghingi ako ng tulog para mabuhay ako. Hindi po para mapunta dito sa waiting room :(" sabi ko

"Eh yun yung plano niya eh. Oras mo na nga diba? Michelle, tatlong araw binigay Niya sayo. Sulitin mo. Pumunta ka dun sa mga mahal mo. Gusto kasi Niya na kapag pumasok ka na dun para sumali samin, tanggap mo na."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Si Hiro agad naalala ko. Alam na ba niya? :( Siguro. Nag-aalala na yun. Baka nga umiiyak na. Ayoko pa siyang iwan. 7 months pa kami eh. Tutupadin ko pa yung promise ko sa kanyang forever.

"Bumaba ka na hija. Andun yung hagdan sa gilid. Pumasok ka sa puting pintuan, huwag na huwag kang papasok sa itim."

"Bakit po?"

"Ewan ko. Yun ang bilin Niya eh. Di ko na tinanong kung bakit. Have faith nalang hija. Wag kang sumuway sa kanya ah."

Ngumiti nalang ako at nagsimula nang maglakad. Nakita ko yung hagdan. Sa pinakababa nakita ko yung dalawang pinto. Sa puti dapat ako papasok. Sa puti...

Pagpasok ko sa puting pintuan, agad kong nakita yung isang pinto.. Pagpasok ko, may nakita akong isang ... lamay ..

Hiro And Mich Forever <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon