Unseen.. Unheard

1K 14 0
                                    

MICHELLE

Nakikita ko si lola umiiyak. Dinig sa kwarto yung iyak niya. Si Hiro, nakatalikod, nakaupo, hindi gumagalaw.

Naiiyak ako. Sorry Hiro, baby babe bae ko, alam kong nahihirapan ka ngayon. Ako rin naman eh :"(

Habang nakalakad palapit nang palapit, kita ko yung picture ko. Nakangiti ako. Ang picture na iyon, nakapatong sa.. kabaong ko.

Patay na ba talaga ako? Totoo ba ito? Nanlaki yung mga mata ko nung nakita ko yung nasa loob. Ako.

Nakahiga.

Nakapikit ang mata.

Medyo maputla na kahit may konting make-up.

Pero hindi ako nagkakamali.

Ako ang nasa loob ng kabaong.

Katawan ko.

Napatabon ako ng bibig. Hindi ako makapaniwala. Lumingon ako.

"Hiro babyyy." tawag ko sa kanya. Napaluha ako nang biglang may tumulong luha sa mga mata niya.

"Uyy, pansinin mo naman ako. Namiss kita. Ang saya namin nun sa field trip. Kaso. *huk* .. kaso .. *huk* nalunod ako .. Sorry ah? Di kami nakinig sa guide. Sorry babyyy" mas lumapit ako sa kanya para yakapin siya pero... lumagpas lang ako.. hindi ko na natigilan ang pag-agos ng luha ko... Ba't hindi ako makayakap sakanya?

"Hiro??" tanong ko...

hindi siya lumingon..

"Uyy baby babe baee.. lingon ka naman oh. Naririnig mo ba ako?" tanong ko... napayuko ako... nakaupo sa sahig.. Ba't ba hindi niya ako makita? Marinig? Naman oh. Namiss ko yung mahal koo.

"Baby.." narinig kong sabi niya.. napatingin ako sa kanya..

"Baby, gising ka na oh.." dagdag niya.

Hindi ko na natigilan ang pagluha. Ang sakit. Ang lungkot ng mukha niya. Ang laki na ng eyebags niya..

"Dito lang ako.. babantayan kitaa.." sabi pa niya habang nakatingin sa picture ko..

"Andito ako sa tabi mo Hiro. Lingon ka naman please? Sana marinig mo ko.. namiss kita. Sorry ah?" 

Minasdan ko siya. Para siyang tulala. Nakaupo lang. Nakatitig sa litrato ko.. Kitang-kita sa mukha niya ang lungkot.

Lumingon ako sa paligid. Si mommy nakaupo. Umiiyak. Linapitan ko siya.

"Lola, wag ka na pong umiyak please. lola..." pero iyak pa rin siya ng iyak. May mga kakilala ako sa school na nakiramay.. Yung iba, kinakausap si Hiro pero si Hiro naman palaging matamlay.. Tinabihan ko nalang si mama.. Sana ramdam nila na nandito ako...

Hiro And Mich Forever <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon