MICHELLE
August 19 10:43 am
"Mahal ko kakaunli ko lang humingi ako kay papa. Nakapag bihis na ko leggings"
"Miss you :("
"Ano ba gawa mo :("
"Pupunta na kami sa walang signal eh? :("
"Mamaya nalang tyo mkkpag usap pag pauwi na kami sige ka :("Nagtext ako kay Hiro. Ba't di siya nagrereply? Nakapagbihis na ako. Aalis na kami. Sayang hindi siya pwede sumama. Nagtatampo siguro yun sakin. Ay hindi. Wag ganya Michelle. Busy lang yun. Busy lang siya kaya hindi siya nakakapagreply sayo. May field trip kami sa Madlum Cave. Requirement kasi para daw may plus points kami sa kurso kong Tourism.
Mga kakilala ko yung kasama ko kaya medyo nakakagaan ng loob. Atleast hindi boring yung field trip diba?
Nasa cave na kami. May history daw dito etc. etc. Hindi namin namalayan na umuulan na pala. Ano ba yan. Wala akong dalang payong. Magkakasakit ako nito :(
Ang resulta basa kami.. Pero kahit na ganun, masaya parin. May isang kaibigan ko ang nagsasabi ng trivias. Tawa naman kami ng tawa. Ang saya talaga kapag barkada mo ang kasama.
"Oy guys picture tayo! Post sa facebook. haha" sambit ng isa sa mga kaibigan namin.
Nagpose naman kami. Kahit basang-basa na, kahit nagmumukha na kaming basang sisiw. Haha.
Paalis na kami ng cave. Tapos na naming itour yun. Grabe yung adventure na naranasan namin. Dagdag sa memories naming magkakaibigan. Walang guro ang sumama kaya yung iba pa nga nagloloko. Pacross na kami na kami ng Madlum River yung iba nagchichika, yung iba tahimik dahil pagod.
Nasa gitna na kami nung nasa hita na namin yung level ng tubig. Mahirap nang tumawid. Nag-aalinlangan akong tumawid. Medyo madulas yung mga bato sa ilalim ng mga paa ko. Yung guide binalaan na kami kanina na huwag tumawid pero nag-insist yung mga kasama ko na makakaya naming tumawid.
Sa isang iglap, natrap kami sa kalagitnaan ng rivier. Malakas na yung current ng tubig. May mga malalaking bato sa mga gilid. Ang hirap tumayo.
"Guys kapit-kamay tayo! Kapit!"
Sigaw samin ng isa. Nagkakapitan kami.. Kinakabahan. Nagpupursige na hindi mabitawan ang isa sa amin.
"Natatakot ako..."
sabi ng isa.
"Ako rin naman."
"Kaya natin to. Kapit lang."
Then BOOM. Gumalaw yung batong tinatayuan namin sa ilalim ng tubig. Nagkawatak watak kami. Napunta ako sa ilalim ng tubig. Sinisikap kong makalangoy. Pero ang hirap.. Diyos ko.. tulungan mo po ako.. tulungan mo kami.. Maawa kayo.
. *blackout*
BINABASA MO ANG
Hiro And Mich Forever <3
FanfictionHelloooo. Basahin niyo nalang sa next page please. Andun yung description. Ewan, yun na yun. XD 'Wag niyo po sanang kalimutan ang mag vote, share at mag-follow! Pinaghirapan ko to, kaya every vote is very much appreciated po :) Basahin niyo na rin p...