MICHELLE
Ikalawang araw ko na dito. Burol na pala ng katawan ko bukas. Eksaktong araw kung kailan ako dapat na umalis dito sa lupa. Nakakalungkot. Sino na ang mag-aalaga kay Hiro? Sino na magpapasaya sa kanya? Babati pa ba siya ng happy monthsary sakin sa susunod naming monthsary? :(
Lumapit ako kay lola.
"Lola, wala na ako dito bukas. Pero.. hindi ibig sabihin na hindi ko na kayo babantayan ah? I love you lola. Ingat ka palagi. Mamimiss kita :("
Lumapit naman ako kay Hiro.. gusto ko siyang yakapin.. kahit isa lang..
Umaksyon na akong yumakap sa kanya pero.. para lang akong hangin na lumagpas sa kanya.
"Ano ba?! Ba't ba hindi ako makayakap sayo? Galit ka ba? Ba't parang hangin nalang ako?! Nakakainis! Gusto ko lang naman ng yakap ehhh. "
Umiiyak na naman ako. Hiro.. kung alam mo lang.. sabik na sabik na akong mayakap ka.
"Mahal ko.." nagsalita siya.
"Burol mo na bukas. Mamimiss kita baby."
"Ako din. :(" sagot ko naman kahit alam kong hindi niya ako maririnig
Kinagabihan, pinatulog siya ng konti ng lola. Para daw may lakas siya para bukas. Hiling ko, sana matanggap na niya. Minasdan ko lang siya natutulog. Ang gwapo niya. Pero kahit natutulog siya, bakas sa mukha niya ang lungkot.
May naisip akong paraan...
BINABASA MO ANG
Hiro And Mich Forever <3
Fiksi PenggemarHelloooo. Basahin niyo nalang sa next page please. Andun yung description. Ewan, yun na yun. XD 'Wag niyo po sanang kalimutan ang mag vote, share at mag-follow! Pinaghirapan ko to, kaya every vote is very much appreciated po :) Basahin niyo na rin p...