CHAPTER 3: Consequence

10 4 0
                                    

Binalik ko na yung camera nila at sumandal na ulit ako sa pader. Wala naman kase akong oras makisalo salo sa kanila. May sarili silang buhay, may sarili din akong buhay. So, bat ako sasali sa kanila. Edi sana matino yung lalake sasali pa ko eh. Kaso hindi. How sad.

"Uhmn.. Liam? Sino siya? Kaibigan mo?"

"No."-Liam

"Gf mo?"

"Nah."-Liam

"Eh ano?"

"Pagkain ko. Siya yung pinadala sakin para in case na magutom ako may makakain ako. Ang ganda nya noh? Swerte na din ako sa katawan niya."-Liam

Ulul ata to. Anong pagkain pinagsasabi nya. Ano tingin nya sa sarili nya? Cannibal? Tch. Napatingin ako sa babae na biglang nagiba ang aura at tumingin sakin ng masama. Problema ng mga to?

"Ah sige Liam mauna na kami may gagawin pa kami eh."

Tugon ng isang babae na mahaba ang buhok sabay lakad sa aking harapan. Nagtataka lang ako kung bakit nakatingin siya ng matalim sa akin na parabng alin mang oras ay susunggaban ako ng kutsilyo.

"Ouch!"

Sigaw ko ng malakas sa sobrang sakit ng pagkakatapak sa aking paa. Di ko man gustuhin na sumigaw wala naman ako magagawa dahil sobrang sakit talaga ng pagkakatapak ng takong sa akin.

"Oopps. Sorry di namin nakita yung paa mo. Natapakan na pala namin. Hehe"

Hayoop yan! Is this lokohan? Ganyanan pala gusto nila ah.. I'm in.

"Aray! Bitch! May problema ba ha??"

Hinatak ko lang naman yung ginto nyang mga hibla ng buhok. Kala ko kase ginto eh. Sobrang kinang sa paningin ang sarap hatakin para malaman kung totoo o fake.

"Ooops. Di ko sinasadya. Ang ganda kase ng buhok mo. Ang haba at kulang na lang pede ng ibenta sa sobrang ganda ng kulay. Chineck ko lang kung totoo. Akala ko kase wig eh. "

Akala nya siguro papatalo ako ha? Duh?!

"Whatever bitch!"

Tugon naman niya sa akin sabay alis dahil sa biglaang pagdating ni Mrs. Garcia para puntahan kaming dalawa ni Liam.

"Ms. Rodriguez and Mr. Davis. Sumunod kayo sakin."-MRS. Garcia

Sumunod kami sa kanya tulad ng sinabi nya. Dinala nya kami sa guidance at sinimulan na nyang ikwento lahat ng mga pangyayare. Nakakainis kung alam ko lang na ganito mangyayare sana di na lang ako pumasok di pa ko namroblema diba?

"I see. Alam ko na magiging parusa nila. Alam nyo ba na ang bawat segundo at minuto ng buhay ng tao ay importante at di dapat sayangin sa mga walang kakwenta kwentang bagay? Dapat sa bawat segundo ng buhay natin nilalaan natin sa mga bagay na pede nating matutunan. Mga bagay na importante at di sa pagaaksaya ng oras na wala namang madudulot sa inyong maganda."-Guidance Councelor

"In short?"-Liam

"Bilang parusa ilalaan nyo ang kalahating araw na natitira sa inyo sa paglilinis sa dating budega. Balak din kase naming gawing computer room yon para narin sa ikakabuti ng mga estudyante. Sayang naman kung di natin mapapakinabanggan yung room na yon diba?"-Guidance Councilor

It's All About OurselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon