ERI's POV
Nakakatawa talaga lahat ng nangyare ngayong araw. Though may pagka-saltik naisip na paraan ni Rissa para makita nya yung care ko sa kanya, napasaya naman niya ako dahil doon kahit papaano. Sa di ko malaman na kadahilanan di ko mapigilan ang pag-ngisi habang naglalakad ako palabas ng eskwelahan.
"Eri?"-Arjay
I heard someone na tumawag sa pangalan ko at masasabi ko ring alam ko kung kanino galing ang boses na iyon. Nagmadali akong maglakad na para bang walang narinig.
"Eri! Sandali! Hintayin mo ko! Mag-usap naman tayo oh?!"-Arjay
Patuloy parin ako sa paglalakad ng mabilis habang tumitingin sa paligid na pwedeng pagtaguan o paglikuan.
"Kung minamalas ka nga naman Eri. Ang bilis ng karma mo letche ka!"
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim sa hangin habang patuloy parin sa paglalakad. Narinig ko ang mga yapak niya na tila tumatakbo papalapit sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan. Sa tinagal tagal ba naman kase ng panahon, kung bakit ba naman kase hindi niya kayang tumigil kahit na ang tagal ko na siyang pinapahinto sa panliligaw niya sa akin. Hindi naman sa maarte akong tao. Gwapo siya, moreno at matangkad. Pero inaamin ko naman sa sarili ko na ang problema lang ay nasa pananaw ko sa tao. Dati na akong naloko nang hindi ko mabilang na beses dahilan para di na ko maniwala sa Love. Ganoon naman talaga palagi eh, sa umpisa lang naman magaling mga lalaki. Favorite lines pa nga nila ang "hindi ako magsasawa sayo kahit na ganyan ka.", "palagi lang ako nasa tabi mo, di naman kita iiwan" at ang mas malupit pa yung line nilang "bakit naman kita ipagpapalit? Tandaan mo ikaw lang mahal ko. Wala akong pakielam sa kanila." Tapos ikaw naman na ubod ng tanga maniniwala. Tapos pag iniwan at humingi ng tawad sayo, magpapakatanga ulit saka pagbibigyan. Tapos pag nangyare ulit, pati sarili mong pagiisip, gagawin mong bobo para lang papasukin ulit siya sa buhay mo. Tapos ano? After ng paulit ulit niyang pang-gagago nya sayo at pagiging tanga mo, maiiwan ka ng NGANGA at walang napala sa buhay, kundi ang lasunin ang nararapat na desisyon mo sa buhay. Kaya simula noon mas pinili ko na lang na wag na magtiwala ulit. Kase ganun din naman eh, wala naman akong mapapala at makukuha sa kanila. Sakit sa ulo at konsumisyon lang sa buhay. Baka tumanda lang ako ng maaga.
"ERI!"-Arjay
Huling tawag at sigaw ni Arjay sa akin na halatang malapit na niya akong malapitan. Pinilit kong mas lalong lakihan ang hakbang ko ng di nagpapahalata. Napapakusot na ang aking mukha sa sobrang pagiisip kung paano ako makakatakas sa kaniya. Naramdaman ko ang mabilis at bahagyang pagkalbit niya sa aking likuran na halatang pinipilit niya akong maabot. Hanggang sa mahawakan niya ang pareho kong balikat dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya na bakas pa sa kanyang mukha ang sobrang pagod sa paghabol sa akin.
"Uy ikaw pala? K-kanina mo pa ba ako sinusundan?"
Sabi ko sa kaniya habang nagkukunwareng walang alam sa mga nangyare.
"Oo. Tinatawag kita pero hindi ka naman lumilingon kaya hinabol na lang kita"-Arjay
Tugon niya habang hinihingal pa ito sa pagsasalita.
"Ahhh oo. Di kita narinig eh. Sorry hehehe"
Palusot kong sagot sa kaniya habang Pilit ang pagtawa. Nagpatuloy agad ako sa aking paglalakad ng mabilis.
BINABASA MO ANG
It's All About Ourselves
RandomIsang babae na hindi naniniwala na may matino pang lalaking nabubuhay sa mundo. Isang babaeng naniniwala na ang mundo ay puno ng kasinungalingan, panloloko at pangaabuso. Siya rin ang tipo na babaeng kayang basahin ang mga bawat taong nakakaharap ny...