CHAPTER 10: Unlucky

5 2 0
                                    

Halos hindi ko maigalaw ang aking buong katawan kahit ano pa man ang pilit na pag galaw ang aking ginagawa. Para akong binagsakan ng kalahating sako ng bigas sa aking itaas.

"Wise men say only fools rush in,
But I can't help falling in love with you.. Shall I stay? Would it be a sin, If I can't help falling in love with you? Like a river flows surely to the sea... Darling so it goes,
Some things are meant to be..."

Nagsimulang may marinig akong tunog na nagparelax sa aking pagkatao. Di ko mapigilang manatiling nakapikit sa sobrang smooth at nakakainlove na tugtog na aking naririnig. Tila ba naguudyok sa akin na manatiling makinig sa malamig nitong boses.

"...Take my hand, take my whole life too. For I can't help falling in love with you... Like a river flows surely to the sea, Darling so it goes... Some things are meant to be. Take my hand, take my whole life too, For I can't help falling in love with you..."


Sobrang sarap talagang pakinggan sa tenga. Sana ganito na lang palagi. Pakiramdam ko napakalayo ko sa reyalidad ng buhay.

"...For I caaan't help faaaalling in looove with yoooooouuuu..."

Sa hindi ko malaman na kadahilanan biglang napalitan ng kilalang boses ang kumakanta. Na tila nawala ang mala-romantikong ganap at napalitan ng bigat sa aking katawan. Minabuti kong imulat ang aking mga mata at doon ko nasilayan bigla ang isang kilalang lalaki na nakapatong parin sa aking itaas habang natutulog.

"TANGINA?! YUNG DEDE KO MAPIPITPIT!"

Napasigaw ako sa sobrang gulat sa aking nakita. Kaya pala halos hindi ko na maigalaw ang aking katawan dahil sa bigat na pumapatong sa akin na kagagawan ng isang lalaking natutulog lang. Napatingin ako sa paligid nagba-baka sakaling makakita ng makakatulong sa akin. Patuloy parin kase kami ni Jayren na nakahiga sa lapag.

"...Once I was twenty years old, my story got told. Before the morning sun, when life was lonely... Once I was twenty years old..."-Kuya

Napatingin ako sa isang dako na pinagmumulan ng boses at doon ko nakita si kuya sa harapan ng lamesa na nakaupo habang umiinom ng tsaa. Nakangiti ito na parang nawawala na sa tamang katinuan habang nakatapat sa kaniyang harapaan ang maliit na speaker na pinagmumulan ng tugtog.  Sinasabayan niya ito sa pagkanta habang patuloy sa paghigop ng tsaa.

"Tangina kuya? Gising ka na pala bat di mo man lang ako tinulungan dito?!"

Pasigaw ko sa kaniya na halos umalingawngaw sa buong bahay at doon pa lang niya ako tinignan habang ngumingiti ng napakalawak. Napano to? Ang creepy niya>..<

"H-hmnmm~"-Jayren

Halata sa boses niya na tila naalimpungatan at anumang oras ay magigising na. Pano toh?! Anong gagawin ko?! Nakakahiya! Teka? Bat ako mahihiya? Siya dapat mahiya! Kase kung hindi dahil sa paginom niya ng napakarami di mangyayare to sa amin! Pero kase di ko lang talaga alam anong gagawin ko sa ganitong siwasyon. Sisigaw ba ako ulit para magising siya o magpapanggap na tulog para kunware wala akong alam na nangyare. Less hiya pa kase anytime pede ako magpanggap na walang alam. Diba? Diba?! Anooo ng gagawin kooo!! Nalilipang na ata ako!

"Ano ba kuya! Tulungan mo ako dito!"

Mahinang pagtawag ko kay kuya. Dali dali siyang ngumiti papalapit sa akin.

Haaayyy! Salamat naman at sa tinagal tagal ng oras matutulungan na ko ng abnormal kong kuya. Itinaas ko ang isa kong kamay nasenyales na tulungan akong tumayo. Huminto siya sa aming harapan at imbes na hawakan ang aking kamay tinapik lang niya ang aking ulo sabay hakbang papunta sa loob ng kaniyang kwarto.

"KUYA! BUMALIK KA DITO!"

Nang gigil pero mahinang pagtawag ko sa kaniya. Nakita ko itong nag bulsa ng wallet at kumuha ng isang unan at isang puting kumot. Kunot-noo ko siyang tinignan na may halong matatalim na pagtitig. Ini-angat niya ng dahan dahan ang aking ulo at inilagay ang unan saka niya kami binalutan ng puting kumot.

"Ssshhhhh. Wag kang ma-gising baka mag-ingay."-Kuya

Pagtakip sa aking bibig ni kuya saka ngumiti ng nakakaloko. Wala na tinakasan na talaga siya sa katinuan niya. Bigla siyang tumalikod sa amin saka kumaripas ng takbo palabas ng aming bahay.

"(ʘ‿ʘ) POTAENA?!"

At sa isang iglap lang nawala na ang hinayupak. Pinilit kong igalaw ang aking katawan kaso walang epekto kaya naglakas loob na lang akong tapikin ito ng marahan. Bahala na kahihiyan.. 

"J-Jayre- -"

Bigla niyang binuklat ang kaniyang mga mata ng dahan dahan. Sa hindi ko malaman na kadahilanan, biglang uminit ang aking buong mukha. Tumingin ako sa malayo para hindi nito makita ang aking itsura na paniguradong nagmumukha nang sinampal sa pamumula dahil sa kahihiyan. Tinignan niya ang paligid at saka tumingin sa akin.

"Goodmorning Eri..."-Jayren

Mahinahong tugon niya sa akin. Tangina anong good sa morning? Tumayo ka letche!

"G-goodmorning.. A-ano kase... Baka gusto mo ng tumayo. Nahihirapan na ko eh. P-pede ka ng tumayo..."

Napatingin ako bigla sa kaniya dahil nabalutan ng katahimikan ang paligid at ni hindi man lang siya umimik. Ngumiti siya na halos lumitaw na ang kanyang cute na dimples bago niya hiniga ulit ang kaniyang ulo sa aking itaas.

Tangina?! Wala pa ata siyang balak tumayo! Napatingin ako sa orasan at doon ako nabigla ng malaman kong 8:00 na ng umaga. Patay! May activity pa pala kaming gagawin sa gym para sa P.E namin! Huminga ako ng malalim saka sumigaw ng napakalakas.

"Tangina mo kang gago ka! Tatayo ka o Tatakbo tayo ng 10 beses balikan sa buong paligid ng school! Late na tayoooo!"

At walang ano ano ay bigla itong nagmadaling tumayo na tila ayaw niyang malate sa Klase. Napahawak ito sa kaniyang buhok saka tumingin sa orasan para manigurado kung totoo ang aking sinasabi.

"Shit.."-Jayren

Mahinang tugon niya. Tumayo na rin ako at kinuha ang unan at kumot na dinala ng halimaw kong kuya para sa amin.

"Mauna na ko."-Jayren

Pagmamadaling sabi nito sa akin saka kumaripas ng takbo pauwi. Ni hindi man lang humingi ng 'Sorry' bago man lang umalis!? Yan kase eh! Inom inom pa!

Uh-Oh! Late na din akooooo! Huhuhu ∪ˍ∪ dali dali akong naligo at nagbihis. Wala ng suklay suklay at tinali ko na lang agad ang magulo kong buhok. Isasara ko na sana ang bahay ng bigla kong nakita ang isang wallet na nakapatong sa itaas ng lamesa. Kinuha ko ito at tinignan...

"3K? At... Litrato ni Jayren?"

Napatingin ulit ako sa orasan.. 8:35 na ng umaga kaya agad ko na itong binulsa saka kumaripas ng takbo papuntang kanto.

8:50 na at wala paring dumadaan na tricycle. Kung may dadaan man halos meron itong mga sakay. Kung minamalas ka nga naman Eri! Pati tricycle di available para sayo! TCH. TANGINA! MABUHAY KANG ARAW KA!

"DALI! SAKAY NA!"

Napatingin ako sa nagsalita na tumigil sa aking harapan...

It's All About OurselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon