CHAPTER 11: What did he said?!

3 2 0
                                    

"DALI SAKAY NA!"-Jayren

Napatingin ako sa nagsasalita, Si Jayren lang pala. Halata sa kaniyang mukha ang pagod at hinihingal na pananalita.

"Baliw ka ba? Pasasakayin mo ko sa bike mo? Wag na! Baka san mo pa ko dalhin!"

Pagmamatigas ko sa kaniya. Saka, baka kase lalo lang syang mapagod pag sinakay nya ko.

"Ayaw mo? Bahala ka sa buhay mo."-Jayren

Tugon nito sa akin sabay hawak sa manobela na akmang naghahanda na ito upang patakbuhin ang bike na sinasakyan niya.

"Bahala ka tumakbo sa school.  Mauna na ko sayo."-Jayren

Pagkasabing pagkasabi nito ay agad ako napatingin sa orasan sa aking kamay. SHITsuu!~ 10:00 na!!! P.E na namin! Napatingin ako sa paligid at wala paring tricycle na dumadaan.

"TEKA! TEKA! Isabay mo na ako!"

"Sige sumakay ka na."-Jayren

Dali dali akong sumakay sa upuan na nasa likod at humawak ako sa kaniyang bewang nang magsimula na itong patakbuhin ang bisikleta. Kung tutuusin late na kami eh.  At ineexpect ko nang kahit anong gawin namin tatakbo at tatakbo parin kami panigurado. Kaso ang iniisip ko lang yung activity namin.  Ayoko magabsent pag may exams, o activity na mangyayare. Saka pag nagabsent ako madami pang hihingin na requirements teacher namin bago kami maexcused. Pag sinabi kong may sakit ako, kailangan ng medical certificate, excuse letter na dapat pirmado sa President ng Villion Heighs, at voters ID ng parents harap at likod. Kaya much better wag ka ng magabsent. Masstress ka lang kakalakad ng papel. Kase bago pa pirmahin ng Pesident maiinterview ka pa about sa nangyare sayo.

Dali dali kaming bumaba ng bike ng makarating kami sa school. Kapwa kaming tumatakbo papuntang gym dahil panigurado naroon sila para sa activity. Nakakapagod naman araw na to! Letche!

Kapwa kaming napahinto ng makarating kami sa harap ng gym. Lahat sila ay napatingin sa amin. Pareho kaming hinihingal kakatakbo at syempre sya dual, takbo at pagbibike. Kasalukuyang may hawak na bola si sir Roque habang nakatitig sa amin.

"Goodmorning sir. Sorry I'm late."

Maamong paghingi ko ng pasensya nagbabakasakaling tanggapin pa kaming papasukin sa klase niya.

"Your late? Bakit? Ikaw lang ba magisa?"-Mr. Roque

Oopss. High blood ata si sir takte na yan.

"Sorry we're late. May we enter your class sir?"

Paguulit kong tugon sa kaniya.

"Bigyan nyo ko ng maganda gandang reason kung bakit nalate kayong dalawa. Yung totoong nangyare, ayoko ng nagdadahilan lang kayo. Dahil pag nalaman ko ang totoo, maddrop kayong pareho sa subject ko."-Mr. Roque

Madiing sagot niya sa amin na tila nagbibigay ng babala sa aming dalawa.

"Sir, kasalanan ko po lahat.  Nadamay lang po si Eri sa mga pangyayare."-Jayren

Ayba? Sinalo ata niya lahat ng kasalanan? Tama lang yan! Totoo naman kase eh! Nasabit lang ako sa mga pangyayare. Sila talaga ni kuya may kasalanan.

It's All About OurselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon