CHAPTER 8: He Never Listened!

5 3 0
                                    

"Sino nga pala si Arjay? Yung kaninang kasama natin?"-Jayren

Nagulat ako ng maitanong niya sa akin iyon habang naglalakad kami. Seryoso ang tono ng kaniyang pananalita pero ang pinagtataka ko lang, bakit niya naitanong bigla?

"Labas ka na don, wag ka nang makielam."

Pagsusungit na sagot ko sa kaniya.

"Sabi mo eh."-Jayren

Halos pabulong na sagot ni Jayren hanggang sa makarating na kami sa labas ng bahay namin.

"Sige na. Mauna na ko."-Jayren

Matipid na banggit niya bago siya magsimulang tumalikod sa akin.

"Teka. U-uhmnn. Salamat pala sa ginawa mo kanina. Di ko na alam gagawin ko kung di ka dumating."

Di ko talaga ginustong magpasalamat sa kaniya. Matapos niya ako biglang hawakan sa bewang? Kalapastanganan para sakin yon. Pero di ko naman maikakailang malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

"Wala yon. Malapit na kaibigan ka ng kaibigan ko kaya normal lang na tulungan kita ng libre at kusa."-Jayren

"Sabi ko nga. Salamat din sa paghatid sakin hanggang dito sa amin."

Imbes na sumagot ay nginitian lang niya ako at tuluyan nang naglakad paalis.

"Uy Jayren! Ikaw pala? Bakit di ka muna pumasok sa loob at dito na magdinner."-Kuya

Biglang singit ni kuya nang makasalubong niya si Jayren sa daan bago pa ito makalayo sa bahay.

"Kuya?! Mamaya pa yung dinner natin eh! 5:30pm pa lang kaya duh?! Pauwiin mo na siya baka may pupuntahan pa siya makakaistorbo lang tayo sa magiging lakad niya."

Patutol na banggit ko sa ideyang naisip ni kuya. To be honest, ayoko lang talaga magdinner kasama ang ibang tao bukod kay kuya at sa mga kaibigan ko syempre. Naiilang kase ako kumain pag may kasamang ibang tao.

"Sige okay lang kahit wag na. Hinatid ko lang din naman siya, to make sure na di na siya babalikan nung nanliligaw sa kaniya."-Jayren

"You mean si Arjay? Salamat sa paghatid sa kapatid ko ah."-Kuya

Tugon ni kuya kay Jayren bago niya pa ito tapikin sa balikat.

"Di bale na, dito ka na lang magdinner kasama namin, pambawi lang sa nagawa mo kahit papano."-Kuya

"KUYA?!"

Pilit na tutol ko sa kaniya.

"Wag na nga sabi eh!"

"Bakit ba? Ako naman nagiimbita sa kaniya eh. Di naman ikaw! Look Jayren, okay lang ba na dito ka magdinner kasama namin?"-Kuya

I pouted. Sobrang kulit talaga nitong si kuya ayaw pa magpatalo eh!

"Sige. Kung mapilit talaga kayo, okay lang naman sa akin."-Jayren

It's All About OurselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon