Nilapitan ko sa sala si Jayren na halos bagsak na bagsak. Umupo ako sa kaniyang harapan habang tinititigan siya. Take note, tinititigan ko siya hindi dahil type ko siya! Iniisip ko lang kung paano ko siya mahahatid sa kwarto ni kuya. Hindi ko naman kase siya pwedeng hayaan na matulog dito sa sala kase walang available na electric fan. Wala din kaming guess room, at mas lalong di sya pwede sa kwarto ko! Kaya naisip ko na lang, sa kwarto ni kuya ko siya idala.
"Haaayyy nako Jayren. Paano kaya kita maihahatid sa kwarto ni kuya? Chopchopin na lang kaya kita by parts para mapadali paghatid ko sayo sa kwarto? Unahin ko na yang ulo mo. "
Halos pabulong na pagsabi ko sa kaniya. As if naman na maririnig ako nito hahaha. Sinubukan ko siyang tapikin at iyugyog ng marahan, nagbabakasakaling magising at mas mapadali ang aking trabaho pero no effect. Malalalim na paghinga lang ang natanggap ko mula sa kaniya.
"Hay nako! Malapit ko na kayong mapatay ni kuya! Nakakainis naman"
Pairitang bulong ko sa hangin saka ako tumayo para makakuha ng malakas na pwersa. Hinawakan ko ang kaniyang braso at nilagay sa aking balikat habang inaalalayan ang kaniyang katawan gamit ang aking isang kamay na nakahawak naman sa kaniyang bewang.
"Errrkkk! Ang baho mo! Amoy kang alak buset!"
Halos manuot ang amoy niya sa aking ilong sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Dahan dahan ko siyang inangat para maglakad.
"H-hmnm..."-Jayren
Mahinang unggol ni Jayren na halatang naalimpungatan ngunit nanatiling nakasara ang kaniyang mga mata habang nakayuko. Kahit papano di ako nabigatan dahil halata naman sa kaniya na sinusubukan niyang makatayo para maglakad kahit na ganoon ang sitwasyon niya. Kung bakit ba naman kase ang lalakas ng loob uminom ng marami pero di marunong magasikaso ng sarili! Tch. Agad ko siyang dinala ng dahan dahan at maingat sa kwarto ni kuya. Kahit na binubuhat niya ang sarili niya nakakaramdam parin ako ng bigat sa katawan. Halos nanginginig kong hinawakan ang door knob ng kwarto ni kuya para buksan ito. Di ko na kase kaya ang bigat na tila anumang oras ay matutumba na kaming dalawa.
"TANGINA?!"
Halos manlaki ang aking mga mata ng malaman kong nakalock ang kwarto niya. Sinusubukan ko itong buksan pero wala talaga. Kumatok ako ng kumatok habang tinatawag ang pangalan ni kuya pero di man lang ako pinagbuksan ng pintuan.
"KUYA! BUSET KA! BUKSAN MO TO! TANGINA NAMAN! NANGHIHINA NA KO DALIAAAAAN MOOOO!"
Halos sirain ko na ang pinto ng kaniyang kwarto sa sobrang lakas ng pagkatok ko. Hindi ko na alam kung katok pa ba ginagawa ko o ano eh. Pero wala, di man lang ako pinagbubuksan ng hayop kong kuya!
"Naiinis na koo!!!"
Patuloy parin ang pagsigaw ko. Lalo lang ako nauubusan ng lakas sa kaniya eh! Nanginginig na ang aking buong katawan hanggang sa...
*BUUUGGSHHHH!!!*
Kapwa kaming natumba sa lapag. Sobrang sakit ng aking katawan na halos di ko na maigalaw sa sobrang sakit. Nauntog pa sa lapag ang aking ulo dahilan para makaramdam ako ng hilo kahit hindi ganoon kalakas ang aking pagkakauntog. Napahawak ako sa aking ulo at ang mas lalong ikinatigil ng aking mundo at buong pagkatao ay yung nakita at biglang naramdaman ko si Jayren na nakahiga sa aking itaas. Kasabay ng pagkatumba ko sa lapag ang kaniyang pagkatumba sa aking harapan. Napalitan ng kilabot ang bigat na naramdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin. Gustuhin ko man siyang itaboy pero wala naman akong magawa dahil sobrang bigat niya.
"KUUUYAAAAA!"
Biglang sigaw ko ng malakas para tulungan ako ngunit wala paring KUYA na lumalabas sa kwarto.
"KUYAAAAA!!! NIRARAPE AKO!! TULUNGAN MO KO! HUHUHU"
Pagkukunwaring tugon ko habang patuloy ako sa pagsigaw ngunit wala paring lumalabas sa kaniyang kwarto.
"TANGINAAA! WALA KAYONG KWENTAAAA!"
Pairita at halos makabasag eardrums na sigaw ang aking ginawa. Halos umalingawngaw ang aking boses sa buong paligid ngunit wala man lang nagkusa na tulungan ako sa aking makamatay pagkababaeng sitwasyon.
"Ang galing mo Eri! Sana di mo nalang pinakinggan ang kuya mo! Edi ana di ka napunta sa ganitong sitwasyon letche ka!"
Pakamot na tugon ko sa aking sarili habang ginugulo ang aking buhok. Ang bigat niya talaga sobra! Tapos yung breast kooo! Huhuhuhu baka mayupiii!
"Hayuup ka Jayren! mapapatay na talaga kita pag nawalan ako lalo ng dede dahil lang sayo! Huhuhu"
Mangiyak ngiyak na banggit ko sa kaniya na para akong tangang nakikipagusap sa hindi ko nakikita. Pano ba naman kase tulog kausap ko habang ako naghihirap. Takteng ina! Ayoko na sa Earth! Gusto ko na magpahigop sa black hole! Huhuhu
Minabuti kong wag matulog at hintaying may unang magising sa kanila para matulungan ako kahit papano. Makalipas ang ilang oras, pilit ko paring minumulat ang aking mga mata habang patuloy paring nabibigatan ang aking buong katawan.
*Tik Tok Tik Tok Tik Tok"
Nagalarm bigla ang orasan na nakadisplay sa taas ng kabinet, senyales na 3:00 na ng madaling araw.
"Konting tiis na lang Eri!? Malapit na mag-umaga"
Bulong ko sa aking sarili na halos maramdaman ko na ang antok na tila ba nawawala na ang aking diwa. Kaya, naisipan ko na lang kumanta ng mahina para lang wag tuluyang makatulog.
*6 Months, 8 Days, 12 Hours By: Brian Mcknight*
"...I should be over you
I should know better but it's just not the case
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away.Do you ever ask about me?
Do your friends still tell you what to do?
Every time the phone rings
Do you wish, it was me calling you? Do you still feel the same?
Or has time put out the flame?
I miss you
Is everything okay?It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away, yeah
I miss you so much and I don't know what to say I should be over you
I should know better but it's just not the case
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away...Zzzzzzz..."
BINABASA MO ANG
It's All About Ourselves
RandomIsang babae na hindi naniniwala na may matino pang lalaking nabubuhay sa mundo. Isang babaeng naniniwala na ang mundo ay puno ng kasinungalingan, panloloko at pangaabuso. Siya rin ang tipo na babaeng kayang basahin ang mga bawat taong nakakaharap ny...