CHAPTER 12: She's a Silent Maker

0 1 0
                                    

RISSA's POV

"Eri Rodriguez?"-Sir Roque

"Sir malalate po sina Eri at Jayren! Baka po mamayang konti pa lang sila makakarating. I'm sure narin naman po na pagising na mga yon."

Lakas-loob kong pagsagot dito. Kasalukuyan kaming nasa gym para sa aming activity sa P.E. hanggang ngayon parin ba natutulog parin siya? Napasarap ata? Hahahha

"Paano mo nasabi? Nakadorm ba kayong tatlo or apartment?"-Sir Roque

Umiling lang ako sabay sagot na ulit dito.

"Dumaan po kase ako sa bahay nila bago pumasok ng school.  Nakita ko pong natutulog pa sila ng mahimbing kaya di ko na po ginising."

"Sila? Bakit? Nakatira ba sila sa iisang bubong? May relasyon ba sila o live-in?"-Sir Roque

"Friends lang po sir."

Sabay tawa ko ng malakas. Bigla ko na naman kasing naalala yung litrato nilang dalawa habang natutulog.

"Ahhh friends.."-Sir Roque

"WITH BENEFITS!"

Pag-tuglong ko sa aking sinabi. Marka sa mukha niya ang halong pagtataka habang tila nagloloading naman ang utak ng mga naggagandahang unggoy kong mga kaklase.

"With benefits? Teka? teka. Di excused sakin yan. Late parin sila sa klase ko at hindi valid yang reason mo na yan kung bakit late sila. "-Sir Roque

Agad nitong kinuha ang kaniyang mahiwagang ballpen at tila mamarkahan na nito ang pangalan ng dalawa kaya agad naman akong tumayo sa kaniyang klase.

"Sir! Teka! Napahaba lang naman po tulog nila kase pagod silang dalawa sa buong gabi at panigurado napuyat din sila. Pagbigyan na lang po natin sir. Sasabihan ko na lang po sila na last na nila to! Promised! Wag nyo lang po sila ilate or absent."

Nagisip ito ng matagal na tila pinagiisipan niyang mabuti kung ano ang kaniyang gagawin. Halata rin sa kaniyang mukha ang pagaalinlangan na para bang ayaw maniwala aking mga sinasabi.

"Ebidensya. Para po maniwala kayo sir."

At lakas-loob kong ipinakita sa lahat ang litratong nakuha ko habang sila ay natutulog.  At sa loob lamang ng ilang minuto isang hiyawan ang bumalot sa buong gym. Halata sa kanilang mga ekspresyon na hindi sila makapaniwala sa mga nakita nila. Habang karamihan naman sa mga kababaihan ang nakatitig ng matalim sa litratong iniharap ko sa buong klase. Tama yan! Mainggit kayong mga inggetera, insecures at maiitim ang budhi sa kaibigan ko Bwahahhahaha sikat lang din naman si Jayren sa Villion Heighs dahil naging isa rin syang miyembro ng banda dito sa eskwelahan. Tumigil sya sa pagiging vocalist after a year. Fresh pa ang pagkawala pero kahit ganon sikat parin ang gwapong unggoy hahaha

"Sige ganito na lang."-Sir Roque

Napatingin kaming lahat ng muling magsalita ang aming guro. Nagsitigil naman ang iba sa paghiyaw na tila kinilig sa mga nakita din nila. Halata sa mukha ni sir Roque ang pagiging seryoso na tila may nabuo nang disesyon sa kaniyang isip.

"Pag dumating sila at inamin nila sa akin ang totoong nangyare, papalagpasin ko at tatanggapin ko pa sila sa klase ko."-Sir Roque

It's All About OurselvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon