Nang isa sa mga huling araw ng disyembre, ang heneral ay nakikipaglaro ng baraha sa ilang prayle sa Los Baños..
Ang Henral ay masipag, kaya’t sa pagitan ng paglalaro ay tinapos niya ang mga usapin na dpat nang lutasin..
Buhat naman sa kabilang silid ay makikitang naglalaro ng bilyar sina Simoun at Ben Zayb at nagkaroon na naman ng mga pagtatalo, tulad ng inaasahan..
Dumating ang kalihim ng heneral.
“ang mga guro sa Tiyani ay humihingi ng lalong mabuting pook.” Sabi nito.
“ang gurong iyan ay Pilibustero!” kontra naman ni Padre Camorra.
“ang totoo, ay makapagtuturo naman sila kahit saan. Si Socrates ay nagturo sa mga lansangan, si Plato ay sa halamanan, at si Kristo naman ay sa kabundukan at karagatan.” Dahilan naman ni Pari Sybila.
“buhat ngayon, ang lahat ng dumaing ay aalisan ng tungkulin.. may iba pa bang bagay riyan?” tanong ng Heneral.
Sumagot naman ang kanyang kalihim.
“ang kahilingan po ng mga estudyante na pahintulutan silang makapagtayo ng isang paaralan ng wikang kastila.”
“ano sa palagay ninyo?” tanong ng Heneral sa mga kasama niya.
“ang kahilingan po ay makatuwiran.” Sagot ng kalihim.
“may mga dapat na isaisip. Bukod sa hindi napapanahon ang kahilingan, ay may anyong pagsaklaw sa aming kapangyarihan.” Pagdadahilan na naman ni Pari Sybila.
“ang kahilingan ay kahina-hinala.” Sabi ni Simoun.
Parang nanlupaypay si Pari Irene na kakampi ng mga estudyante, dahil makakalaban niya si Simoun na lubos na malapit sa Heneral.
“iyan ay isang tahimik na pag-aalsa, isang paghihimagsik na ang gamit ay papel.” Sabi ni Pari Sybila.
“ang kahilingan po ay pinamumunuan ng ilang binata na pawing kilala sa pagkamakabago at kapalaluan. Ang isa ay pamangkin ni Pari Florentino” sabi ng kalihim
“si Isagani. Ang kinagigiliwan kong estudyante.” Sabi ni Pari Fernandez
“punyales!! Kinagigiliwan ninyo? Kamuntikan na kaming magsuntukan sa bapor noon. nang itulak ko siya, ay gumanti ang walang hiyang iyan.” Galit na sabi ni Padre Camorra.
“mayroon pa pong isa, si Maka---.”
“Makaraig.” Sabi ni Pari Irene. “isang binatang napakaganda ng ugali ay nakalulugod. Iyan ang sinasabi ko sa inyo. Mayaman at iniluluhog ng kondesa na inyong tingnan.” Dugtong pa ng pari.
“ah.” Paghanga ng Heneral.
“may isa pa po, isang nag-aaral ng medesina na nagngangalang Basilio.” Sabi ng kalihim.
“sa ganang akin, iyan ay tubig na hindi gumagalaw, hindi ko maunawa ang kanyang kalooban..sayang at wala rito si Pari Salvi upang ipakilala sa atin ang pinagmulan ng binatang iyan. Tila narinig kong nagkakaroon ng usapin noong siya ay bata pa laban sa mga Guwardiya Sibil.” Mahabang sabi ni Pari Sybila.
“gayon ba? Itala ang kanyang pangalan.” Sabi ng Heneral.
Si Sydney naman ay tahimik na nakikinig ay napabulong sa kanyang sarili.
“sh't! mukhang mapapahamak pa si Basilio.”
Muling nagsalita ng kalihim..
“aking Heneral, ang anak po na dalaga ni Kabesang Tales ay nagbalik. Hinihiling po na palayain ang kanyang lolo na hinuli bilang kapalit ng ama.”
“demonyo!! Ngayon ko lamang naalala na hilingin sa Heneral na katigan ang dalagang iyan!.” Sambit ni Padre Camorra.
“siya, padalhan ng sulat ng kalihim ang tinyente ng guwardiya sibil upang pakawalan ang matanda.” Sabi ng Heneral saby kindat kay Ben Zayb
BINABASA MO ANG
UpTOwn Girls in El Filibusterismo ... ?
AdventureMapadpad sa mahiwagang mundo ng nobela ni Jose Rizal. MUST READ THIS FIRST !! Nanaginip po ako, at binisita po ako ng ating Pambansang Bayani.. so nagkaroon po ako ng opportunity na tanungin siya kung okay lang ba na gumawa ako ng sariling rendition...